Filipino sa Unang Baitang

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Solid Waste Management
Advertisements

Road Safety for Children
Integrated Language Arts
Ikaw at ang Diabetes.
Ang mga Batas Panteritoryo at Pangkalikasan
Ano ang RABIES ? Ito ay isang sakit na nakamamatay. Ito ay sanhi ng rabies virus. Naaapektuhan nito ang utak at walang lunas. Naisasalin ito sa iba sa.
Mga Bahagi ng Pahayagan
Mga Estratehiya sa Pagtuturo
MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SHS
Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo
Ang Ikalawang Markahan: Filipino sa Baitang 7
Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino
Edukasyon sa pagpapakatao
Ang Mga Pagpapahalagang Pilipino
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
Click to edit Master title style Ang Sining ng Pakikipanay am.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya
Pangngalan Linda Reyes.
MGA LAYUNIN Nakapaglalahad ng batayang kaalaman ukol sa wika;
Ang pagkonsumo at ang mamimili
FILIPINO 2 Research Paper.
ANG PHS AY…………. P- Pandayan ng karunungan at kagandahang-asal
Inihanda ni Mary Krystine P
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Web Quest Project sa Kasaysayan ng Asya para sa Ikalawang Antas
KARAPATANG PANTAO.
Emma A. Basco Departamento ng Filipino
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Noli Me Tangere.
Araling Panlipunan I Heograpiya at Kasaysayan
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Halimbawa: Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Ito ang barayti ng wikang.
Filipino BAHAGI NG AKLAT.
Mga Estratehiya sa Pagtuturo
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
PAMBANSANG SEMINAR 2016 Departamento ng Filipino
Teoryang Humanismo.
Aralin 1 Dumi ng Tao at Pagtatapon ng Basura
Ang pagsasagawa ng wudo
FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Ang Kasaysayan at Iba pang Agham Panlipunan
Having Someone Do Something
Smile HAT Button BALLONS Hands Hair color Fork and spoon Napkin on neck Pocket meat.
MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG PAMUMUHAY
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Kataga ng Buhay Enero 2010.
BUWAN NG WUIKA.
Manila Science High school
Lipunang Pang-ekonomiya
na makapagpasaya na makatulong na maglingkod mula sa isang karanasan
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
1. Ano ang situwasiyon na maaaring maganap kasunod ng pagtatapon ng isang pasahero ng basura? Bakit ito ang iyong naisip?
Gawain Bilang 1 Loop a Word
TIMELINE NG BUHAY KO.
Written Works for 2nd Quarter
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
DESERT DILEMMA.
Summer Enrichment Program
TIKBALANG Jhana Salvador 5-D.
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Pamilyar at Di-Kilalang mga Salita
( For our eyes only) Ano-ano ang mga ahensiyang nagtatanggol sa teritoryo ng bansa? Ang mga sundalo o militar lang ba ang may pananagutan sa teritoryo.
Aralin 5: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Meeting ng mga Community Volunteers (____petsa____)
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
Presentation transcript:

Filipino sa Unang Baitang Prof. Leonor Diaz Abril 15, 2012 Development Academy of the Philippines, Tagaytay

Mga Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards) sa Unang Baitang Wikang Binibigkas (Oral Language) Phonological Awareness Kaalaman sa Titik Kaalaman sa Aklat at Limbag (Book &Print Knowledge)

Mga Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards) sa Unang Baitang Gramatika Pag-unlad sa Bokabularyo Pag-unawa sa Napakinggan Pakikitungo sa Wika at Panitikan ( Attitude toward Lang & Lit & Literacy

Panitikan para sa Baitang 1 (Unang Markahan) Magkapareho at Magkaiba (awit); Sabi ni Nanay, Sabi ni Tatay (kuwentong pambata) Ako ay Kapitbahay (awit); Ang Pambihirang Sombrero (kuwentong pambata) Mama, Mama Namamangka (awit); Isa, Dalawa, Tatlo (awit) Alamat ng Pinya Sino ang Kaibigan Ko? (awit) Paggising sa Umaga (awit) Bahay Kubo (awit) Ang Inuwi ni Nanay (kuwentong pambata) Ako ay may Alaga (tula); Tong-Tong (awit); Sasara ang Bulaklak (awit)

Panitikan para sa Baitang 1 (Ikalawang Markahan) Ako’y Isang Pinoy (awit) Ayokong Pumasok sa Paaralan! (kuwentong pambata) But That Won’t Wake Me Up! (kuwentong pambata) Mamang Sorbetero (awit) Ako ay may Lobo (awit) Just Add Dirt (kuwentong pambata) Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan (kuwentong pambata) Magtanim ay di Biro (awit) Sino ang Pilipino? (awit)

Mga Konsepto sa Agham Pangangalaga sa katawan Pagbibigay-ngalan sa mga hayop at halaman Pangangalaga ng kapaligiran; kalinisan

Paggamit ng Gabay sa Guro Layunin Oras (40 minuto bawat araw) Mga Kagamitan Pamamaraan Takdang-Aralin

Mga Bahagi ng Leksiyon Pagtuturo at Paglalarawan Paunang Pagtaya Tukoy-Alam Tunguhin Paglalahad Pagtuturo at Paglalarawan Kasanayang Pagpapayaman Kasanayang Pagkabisa Pagtataya

Halimbawa ng isang Linggo UNANG MARKAHAN LINGGO: 2 Tema: Ako at ang aking Pamilya MGA LINGGUHANG LAYUNIN: 1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at tumutugon sa mga tanong ukol sa sarili 2. Gramatika: Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, o pook

UNANG ARAW LAYUNIN: Naibibigay ang mga pangalan ng mga bagay na ginagamit sa tamang pangangalaga ng katawan MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Paggising sa Umaga”; kahong naglalaman ng mga gamit sa paglilinis ng katawan PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Tanungin ang mga bata tungkol sa mga bagay na kanilang ginagawa pag-gising sa umaga 2. Tukoy Alam Kuhanin ang kahong naglalaman ng mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan. Isa-isang ilabas ang mga laman at pahulaan sa klase kung paano ginagamit ang mga ito.

UNANG ARAW 3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin ang pangalan sa wikang Filipino ng mga bagay na ginagamit sa pahlilinis ng katawan. 4. Paglalahad Ituro sa klase ang tamang pag-awit ng “Paggising sa Umaga” 5. Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin sa klase ang kahalagahan ng paglilinis ng katawan. Ipakita ang mga bagay na ginagamit sa paglilinis batay sa awit na “Paggising sa Umaga” gaya ng suklay, sepilyo, tubig, atbp. Tanungin ang klase ng iba pang bagay na ginagamit sa paglilinis.

Paggising sa Umaga Paggising sa umaga Kami’y nagsusuklay Tingnan n’yo kung paano Isa-dalawa-tatlo (2x) Kami’y nagsusuklay Paggising sa umaga (2x) Ugaliin, araw-araw (2x) Maghilamos Magsepilyo Magsuklay! Paggising sa umaga Kami’y naghihilamos Tingnan n’yo kung paano Isa-dalawa-tatlo (2x) Kami’y nagsi-sepilyo

Ikalawang Araw LAYUNIN: Naibibigay ang mga pangalan ng mga bagay na ginagamit sa tamang pangangalaga ng katawan MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Paggising sa umaga” PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Ngayong araw, hahasain natin ang ating kaalaman sa mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan. 2. Paglalahad Muling ipaawit ang “Paggising sa Umaga”. Alalahanin ang mga bagay sa paglilinis na napag-usapan noong unang araw.

Ikalawang Araw 3. Pagtuturo at Paglalarawan Kuhanin ang sariling bag. Isa-isang ilabas ang mga gamit sa paglilinis at sabihin ang pangalan ng mga ito. Ipaliwanag sa klase na ang mga gamit na ito ay tinatawag na bagay. Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga bagay na matatagpuan sa paligid. 4. Kasanayang Pagpapayaman Pakuhanin ang mga bata ng isang bagay mula sa kanilang bag. Kailangang ibahagi sa klase o sa katabi ang pangalan nito.

Ikatlong Araw LAYUNIN: Naibibigay ang mga pangalan ng mga tao at bagay sa paligid PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tutukuyin natin ang pangalan ng mga tao at bagay sa ating paligid. 2. Kasanayang Pagpapayaman Maglaro ng “charades”. Panuto: Pumili ng isang bata at bulungan siya ng pangalan ng isang bagay o tao. Kailangan itong imuwestra ng bata sa klase nang hindi gumagamit ng salita. Kailangang mahulaan ng mga kaklase ang tao o bagay na ito. Pagkatapos mahulaan ay tumawag ng ibang bata upang imuwestra ang sunod na bagay o tao. 2. Kasanayang Pagkabisa Sabihin: “Umisip ng isang pangalan ng tao at isang pangalan ng bagay. Ibahagi sa katabi ang sagot.”

Ikaapat na Araw LAYUNIN: Naibibigay ang mga pangalan ng mga pook MGA KAGAMITAN: larawan ng mga pook sa paaralan gaya ng silid-aralan, palikuran, hardin, atbp PAMAMARAAN: 1. Tunguhin: Ngayong araw, matututuhan natin ang iba’t ibang pangalan ng pook sa paaralan 2. Paglalahad Papilahin ang mga bata. Libutin ang paaralan at sabihin ang pangalan ng bawat pook na mapupuntahan. Halimbawa: silid-aralan, palikuran, hardin, atbp 3. Pagtuturo at Paglalarawan: Ipaliwanag sa klase ang ibig sabihin ng salitang pook. Sabihin na ang mga pinuntahan ay halimbawa ng pook. Magbigay ng iba pang halimbawa ng pook malibahan sa mga matatagpuan sa paaralan.

Ikaapat na Araw 4. Kasanayang Pagpapayaman Itago sa iba’t ibang bahagi ng silid ang mga larawan ng mga pook sa paaralan. Kailangang hanapin ng mga bata ang mga larawan. Ang mga makakakuha ng larawan ay kailangang sabihin sa klase ang pangalan ng mga pook na iyon. 5. Kasanayang Pagkabisa Ilarawan ang mga pook sa paaralan. Pahulaan sa mga bata ang pook na inilalarawan.

Ikalimang Araw LAYUNIN: Naibibigay ang tamang pangalan ng mga bagay sa paligid nila gamit ang wikang Filipino MGA KAGAMITAN: kahong naglalaman ng mga larawan ng iba’t ibang tao, bagay, at pook PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Ngayong araw, magsasanay tayo sa pagsasabi ng pangalan ng mga tao, bagay, at pook sa ating paligid. 2. Pagtataya Pabunutin ng isang larawan ang bawat bata. Kailangang matukoy ang pangalan nito at masabi kung ito ay tao, bagay, o pook.