Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.

Similar presentations


Presentation on theme: "FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos."— Presentation transcript:

1 FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.

2 Ang kauna-unahang dumating ditto sa pamamagitan ng paglalakbay sa lupang tulay ay ang mga ita. Sila’y likas na palalakad dahil sa paghahanap ng ikabubuhay kaya nakarating sa ating lupain ang mga taong ito. Hindi sila tumawid ng dagat. Noon ang mga pulo ng ating bansa ay hindi pa hiwa-hiwalay. Nakarating sila dito at ditto sila namuhay sa pamamagitan ng pagdaan sa makitid na karatig na lupa na nagsisilbing tulay upang makarating at makatawid sa mga liblib na lupalop.

3 Mga Tanong: 1.Ano ang kauna unahang uri ng tao ang dumating sa Pilipinas? 2.Paano sila nakarating sa Pilipinas? 3.Sa palagay ninyo, bakit kaya sila nakarating sa ating bansa?

4 Pansinin at suriin ang mga pangungusap
Ang mga suklay ay pwedeng linisin. Ang isip ay paunlarin. 3. Tayo ay makinig sa guro. 4. Ang mga kuru-kuro at talakayan ay ating suriin. Pwedeng linisin ang mga suklay. Paunlarin ang isip. Makinig tayo sa guro. Ating suriin ang mga kuru-kuro at talakayan.

5 Karaniwan Pumasok tayo. Pangungusap Panaguri Simuno Pumasok Tayo
*Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang panaguri sa simuno. *Di-karaniwan ang ayos ng pangungusap kung simuno ang nauuna sa panaguri. Ang di-karaniwang ayos ay may ay na nag-uugnay sa simuno at panaguri. Karaniwan Pumasok tayo. Pangungusap Panaguri Simuno Pumasok Tayo Di- Karaniwan Tayo ay pumasok Pangungusap Simuno Panaguri Tayo  ay  pumasok

6 Tingnan ang mga halimbawa
Ang buong simuno ay tumutukoy sa lahat ng salitang bumubuo sa paksang pinag-uusapan. Halimbawa: Nakikinig sa ina ang matalinong bata. 2. Ang matalinong bata ang buong simuno ngunit bata ang payak na simuno. Ang payak na simuno ang tiyakang simuno o paksa. 3. Ang buong panaguri ang lahat ng salitang bumubuo sa panaguri. Nakikinig sa ina ang buong panaguri. Ang payak na panaguri ang tiyakang panaguri.

7 Sabihin kung ano ang posisyon ng simuno sa pangungusap, unahan ng panaguri o hulihan ng panaguri? 1. Si Nida ay may bagong damit. 2. Pag-ibig ang kailangan ng daigdig ngayon. 3. Ang mga bata ay naglalaro sa parke. 4. Mahusay magturo ang guro naming, 5. Ang karunungan ay kayamanan.

8 Paglalapat Isulat ang US kung nasa unahan ng panaguri ang simuno at HS kung nasa hulihan ng panaguri ang simuno. 1. Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas. 2. Nagbayad ng buwis si G. Santos. 3. Igalang mo ang iyong mga magulang. 4. Si Tina ay masipag at tapat. 5. Si Emilio Aguinaldo ay dakilang heneral at sundalo.

9 Pagtalakay. Pansinin ang posisyon ng simuno
Pagtalakay Pansinin ang posisyon ng simuno. Isulat kung Karaniwan o di-Karaniwan ang pangungusap. 1. Masarap ang hinog na papaya. 2. Si Lola Elay ay maraming tanim na gulay sa bakuran. 3. Nagluluto ng puto si Marina. 4. Masayang naglalaro ang magkakapatid. 5. Kami ay magpipiknik sa Tagaytay bukas.

10 Kasunduan. Sumipi ng limang pangungusap sa isang seleksyong binasa
Kasunduan Sumipi ng limang pangungusap sa isang seleksyong binasa. Isulat ang posisyon ng mga simuno sa bawat pangungusap.

11 Gawing Di-Karaniwan ang mga sumusunod na pangungusap: 1. Maganda siya
Gawing Di-Karaniwan ang mga sumusunod na pangungusap: 1. Maganda siya. 2. Naglalakad kami sa dalampasigan 3. Maganda ang batang babae. 4. Kumain tayo ng masustansiyang pagkain. 5. Makinig sa aral ng mga magulang.

12 Gawing Karaniwan ang mga sumusunod na pangungusap: 1
Gawing Karaniwan ang mga sumusunod na pangungusap: 1. Kami ay magsisimba bukas. 2. Siya ay nakita ko kahapon. 3. Ang bata ay nadulas. 4. Si Ana ay magaling kumanta. 5. Ang ginagampanan niyang tungkulin ay napakahalaga.


Download ppt "FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos."

Similar presentations


Ads by Google