Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Edukasyon sa pagpapakatao

Similar presentations


Presentation on theme: "Edukasyon sa pagpapakatao"— Presentation transcript:

1 Edukasyon sa pagpapakatao
Basic Education Program K-12 Edukasyon sa pagpapakatao EsP Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ito ang aking ihaharap sa inyo ngayon bilang isa sa mga asignatura sa unang baiting at sa Grade 7 sa darating na school year.

2 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isang asignaturang napakahalaga upang gabayan ang bawat mag-aaral na magpasya at kumilos ng may pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. May kasabihan tayo na “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”

3 HAMON NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ang mag-aaral na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat Gabayan ang mag-aaral na matutunan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa pamilya at sa lipunan upang makibahagi siya sa pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katurungan at pagmamahal. Ang mag-aaral na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Gabayan ang mag-aaral na matutunan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa pamilya at sa lipunan upang makibahagi siya sa pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katurungan at pagmamahal. Magabayan ang isang mag-aaral na masanay sa mapanuring pag-iisip, magdesisyon, may integridad, atbp.

4 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Para sa k to12 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

5 Mga Nilalaman ng Batayang konseptwal
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Tunguhin (Goal) Mga Proseso Apat na Tema Pitong Pangunahing Pagpapahalaga (Core Values) Mga Teorya na Batayan ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo at Pagkatuto Ang Pilosopiya ng EsP Ito ang kabuuan ng batayang konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao, ipinapahayag dito ang mga sumusunod na elemento: Ang tunguhin o layunin (Goal) Ang Apat (4) na Tema na konteksto ng paglinang ng mga pagpapakatao Ang Pitong (7) Pangunahing Pagpapahalaga na batay sa dimension ng tao bilang indibidwal at kasapi ng lipunan (Core Values) Ang ilang mga teorya na batayan ng mga pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto Ang pilosopiya ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

6 Pilosopiya ng Personalismo
Batayang Konseptwal Pilosopiya ng Personalismo

7 Mga Nilalaman ng Batayang konseptwal
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Tunguhin (Goal) Ang mag-aaral na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat Tunguhin (Goal) Ang mag-aaral na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat

8

9 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Mga Tema Pananagutang Pansarili Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya Paggawa tungo sa Pambansang Pag- unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan Apat na tema (o konteksto ng paglinang ng mga pagpapahalaga) sa bawat taon mula Kindergarten hanggang Grade 10 ang nililinang sa paraang expanding spiral. Pananagutan Pansarili at Pagiging Kasapi ng Pamilya Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan

10 1 2 3 4 5 MGA PROSESO Proseso Proseso ALAMIN/ISAISIP PAG-UNAWA ISAGAWA
PAGNINILAY 2 ISAPUSO PAGSANGGUNI 3 Sa mga mag-aaral sa unang baiting, sila ay ginagabayan sa mga sumusunod na proseso: Alamin/isaisip Isagawa Isapuso Isabuhay Subukin Alamin/Isaisip - Tatalakayin sa bahaging ito ang nilalaman ng modyul at mga layunin o kakayahan na dapat matutuhan ng mga mag-aaral. Isagawa - Iba’t ibang gawain ang ipagagawa sa mga bata upang higit na maunawaan ng mag-aaral ang bawat aralin. Isapuso - Naglalaman ito ng mga kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Isabuhay - Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing magpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagang tinalakay sa bawat aralin at kung paano isabuhay. Subukin - Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagsusulit upang mataya ng bawat mag-aaral ang kanilang mga alam na tungkol sa aralin at mga natutuhan sa pag-aaral ng modyul na ito. Pag-unawa Pagninilay Pagsangguni Pagpapasya Pagkilos Pag-unawa – Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paliwanag sa sariling karanasan, mga sitwasyong namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. Pagninilay – Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyong namasid at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay. Pagsangguni – Kailangang humihingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala (weigh) ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. Pagpapasya – Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. Pagkilos – Mahalagang mailapat niya ang konsepto o prinsipyong nahinuha mula sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting asal (vitues) na natutuhan batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. Kalakip dito ang mga halimbawa ng mga ginagawa sa bawat proseso. Maaaring baguhin ito ng mga nagtuturo ayon sa konteksto ng aralin at ng mga sitwasyon na ibibigay ng guro. ISABUHAY 4 PAGPAPASYA SUBUKIN PAGKILOS 5

11 Mga Pangunahing Pagpapahalaga
(Core Values) (Physical) (Intellectual) (Moral) (Spiritual) (Social) (Economic) (Political) Pitong pangunahing pagpapahalaga (core values) ang nililinang sa mga temang ito: Kalusugan at pakikiisa sa kalikasan, Katotohanan at Paggalang, Pagmamahal at Kabutihan, Ispiritwalidad, Kapayapaan at Katarungan, Likas-kayang Pag-unlad, Pagkamaka-Pilipino at Pakikibahagi sa pambansang pagkakaisa. Ibinatay naman ang pitong pangunahing pagpapahalaga sa pitong dimension ng tao bilang indibidwal at miyembro ng lipunan: ang pisikal, intelektwal, moral, politikal, pangsosyal, pangkabuhayan, at ispiritwal. Itong mga pangunahing pagpapahalaga (values) ay resulta ng mga ilang konsultasyon at pagsaliksik na pinangunahan ng dating Kalihim ng Edukasyon (DepEd).

12 Mga Batayan Teorya sa mga Pamamaraan sa Pagtuturo at Pagkatuto
Interaktibong Teorya ng Pagkatuto ni Albert Bandura Experiential Learning ni David Kolb Constructivism Teorya ng Career Development ni Gizberg, et. al. at Super Teorya ng “Virtue Ethics” Teorya ng “Socio-Emotional Learning” Pilosopiya ng Personalismo

13 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Teorya ng pagkatuto ng constructivism Nagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang karanasan. Tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon siya ng mga bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan.

14 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Teorya ng career development nina ginzberg, et. Al at super Ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso o propesyon – dumadaan sa iba’t ibang yugto batay sa kanyang pagtingin sa sarili (self-concept), saloobin (attitude) at mga pagpapahalaga. Ang pagtanggap o pagtanggi sa isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya.

15 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Social-emotional learning: palatandaan Kamalayang Pansarili (Self-awareness) Pamamahala ng Sarili (Self-management) Kamalayang Panlipunan (Social Awareness) Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan (Relationship Management) Mapanagutang Pagpapasya (Responsible Decision Making)

16 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Ang Pilosopiya EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Virtue Ethics . Ang nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi. Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Virtue Ethics. Ayon sa pilosopiya ng Personalismo, an gating mga ugnayan ay nakaugat lagi sa pagpapakatao. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. Sa Virtue Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi (habits) at umiiwas sa mga bisyo o masamang gawi. Samakatuwid, ang nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi.

17 PANGUNAHING pamantayan sa BAWAT YUgTO (Key Stage Standards)
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO PANGUNAHING pamantayan sa BAWAT YUgTO (Key Stage Standards)

18 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Grade 1-3 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa konsepto at gawang nagpapakita ng pananagutang pansarili, pagmamahal sa kapwa, sa bansa at sa Diyos tungo sa maayos at masayang pamumuhay.

19 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Grade 4-6 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa konsepto at gawang nagpapakita ng pananagutang pansarili, pagmamahal sa kapwa,sa bansa/daigdig at sa Diyos tungo sa kabutihang panlahat.

20 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Grade 7-10 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga konsepto sa: pananagutang pansarili, pagkatao ng tao, mga pagpapahalagang moral, at tamang pagpili ng kurso o trabaho at nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang may kaayusan at kaligayahan.

21 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
pamantayan EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO grade 1 Naipakikita ang mga paraan ng paggalang sa sarili, kapwa, sa bansa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan at paaralan. Grade 7 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos

22 Grade 1: Ako Bilang Bata: May magagawa
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Modyul 1- Ako ay Mabuting Kasapi ng Pamilya Modyul 2- Mahal Ko ang Aking Kapwa Modyul 3- Mahal Ko ang Aking Bansa Modyul 4- Mahal Ko ang Panginoon

23 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Mga tema sa Grade 7 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Unang Markahan: Pananagutang Pansarili Ikalawang Markahan: Ang Pagkatao ng Tao Ikatlong Markahan: Ang Pagpapahalaga at Birtud Ika-apat na Markahan: Ang Pagtatakda ng Mithiin at Pagpapasya

24 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Pagtataya Ang mga uri ng pagtatayang ginagamit ay Panimulang Pagtataya (Diagnostic) Pagtataya Habang Nagtuturo (Formative Tests) Pagtataya Pagkatapos Magturo

25 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Ang mga halimbawa ng pagtataya: case studies with rubrics diaries and journals for the secondary level checklist interviews role plays drawings debates issue analysis problem solving observations moral dilemmas authentic experiential performance task EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO

26 Mga bahagi ng modyul sa EsP
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO Mga bahagi ng modyul sa EsP Ang bahaging ito ay naglalaman ng maikling panimula at mga layunin ng aralin at ang kraytirya na gagamitin sa pagtataya ng mga awtput

27 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO

28 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Ang bahaging ito ay naglalaman ng GAWAING tataya sa dating kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa konsepto

29 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Ang bahaging ito ay naglalaman ng PAGSUSULIT na tataya sa dating kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa konsepto

30 Mga bahagi ng modyul sa EsP
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO ISAISIP Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 1 Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagkamatapat Si Tepet Tapat Sabado ng umaga. Magluluto ang nanay ng adobong manok. Nakita niyang wala ng toyo kaya inutusan niya si Tepet na bumili sa tindahan sa tindahan sa kanto. Naglalaman ito ng mga aralin tungkol sa paksa. Masusing tatalakayin ang bawat pagpapahalagang dapat isapuso at isabuhay ng bawat mag-aaral.

31 ISAISIP Habang siya ay naglalakad pauwi ng bahay nakita niyang sobra ang sukli ni Aling Tinay. Kaya dali-dali siyang bumalik at isinauli ang sobrang sukli. Tuwang-tuwa si Aling Tinay sa ginawa ni Tepet at ikinuwento niya ito sa mga bumibili sa kaniyang tindahan. Simula noon tinawag na si Tepet na Tepet Tapat.

32 1. Ano ang iniutos ng nanay kay Tepet?
ISAISIP Sagutin: 1. Ano ang iniutos ng nanay kay Tepet? 2. Ano ang natuklasan ni Tepet habang siya ay naglalakad? 3. Bakit natuwa si Aling Tinay? 4. Bakit siya tinawag na Tepet Tapat? 5. Kung ikaw si Tepet, ganun din ba ang iyong gagawin? Patunayan.

33 Mga bahagi ng modyul sa EsP
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO ALAMIN Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 1 Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagkamatapat Layunin: Nasasabi ang totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng pamilya sa lahat ngpagkakataon. Tatalakayin sa bahaging ito ang layunin o kakayahan na dapat matutuhan ng mga mag-aaral.

34 Mga bahagi ng modyul sa EsP
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO ISAGAWA Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 1 Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagkamatapat Gawain 1: Gumawa ng diyalogo o usapan tungkol sa sitwasyon. Nabasag mo ang bagong biling plorera ng iyong Ate. Ano ang sasabihin mo sa kanya? Iba’t ibang gawain ang ipagagawa sa mga bata upang higit na maunawaan ng mag-aaral ang bawat aralin.

35 Mga bahagi ng modyul sa EsP
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO ISAPUSO Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 1 Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagkamatapat Ngayon ay alam mo na kung ano ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo, may pagkakataon ba na hindi ka nagsabi ng totoo sa iyong magulang o kapatid? Ano ang gagawin mo upang maituwid ito? Isulat o iguhit ang iyong sagot sa loob ng puso. Naglalaman ito ng mga kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral.

36 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Ang bahaging ito ay naglalaman ng GAWAING ilalapat ng mga mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang gawaing ito ang unti-unting hahasa sa mga mag-aaral upang ganap na isabuhay ang kasanayan na natutuhan mula sa aralin. Nahahati ito sa tatlong bahagi PAGGANAP, PAGNINILAY at PAGSASABUHAY

37

38 Mga bahagi ng modyul sa EsP
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO ISABUHAY Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 1 Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagkamatapat Sa loob ng “Treasure Box,” isulat o iguhit ang mga gagawin mong katapatan sa iyong magulang o mga kapatid. Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing magpapalalim ng pag-unawa ng mag-aaral sa bawat pagpapahalagang tinalakay sa bawat aralin.

39 Mga bahagi ng modyul sa EsP
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO SUBUKIN Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 1 Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagkamatapat Isulat ang T sa patlang kung tama ang isinasaad ng pangungsap at H kung hindi. _____ 1. Nagsasabi ng totoo kahit alam mong ikaw ay mapapagalitan. _____ 2. Kumukuha ng pera sa pitaka ng nanay kahit walang paalam. Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagsusulit upang mataya ng bawat mag-aaral ang kanilang mga alam na tungkol sa aralin at mga natutuhan sa pag-aaral ng modyul na ito.

40 _____ 3. Nagsasabi kung saan gagamitin ang perang hiningi.
SUBUKIN _____ 3. Nagsasabi kung saan gagamitin ang perang hiningi. _____ 4. Ilalagay sa basurahan ang nabasag na baso upang hindi makita ng iyong nanay.

41 EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
Ang bahaging ito ay naglalaman ng BABASAHIN na sinulat ng mga may-akda mula sa mga babasahin, aklat at artikulo sa internet na isinulat ng mga eksperto ukol sa paksa o konsepto. Dito pagtitibayin ang pag-unawa ng mga mag-aaral ukol sa batayang konsepto

42

43 Pangwaksa na Pananalita
Ang patuloy na paggabay at pagiging modelo sa mga mag- aaral upang patuloy nilang taglayin , isapuso at isabuhay ang mga natutunan sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay isang malaking hamon sa ating lahat

44 The Parable of the Coffee Beans

45 There was once an intelligent teacher who experimented with boiling water

46 She put three pots of water over the fire.

47 In the first pot, she put some carrots.

48 In the second pot, she put some eggs.

49 In the third pot, she put some coffee beans that had been grounded into coffee powder.

50 She boiled all three pots for 15 minutes.
Afterwards, she took out what she had put in the pot of boiling water.

51 The carrots which were hard became soft
The eggs which were soft inside became hard.

52 The coffee powder disappeared.
But the water had the colour and the wonderful smell of coffee.

53 Then, she thought of her life as a teacher.
Life of a teacher is not always easy. Life of a teacher is not always comfortable. Oftentimes, life of a teacher is trying and difficult.

54 Things don’t happen as we wish.
People don’t treat us as we hope. We work very hard but get few results.

55 The boiling water is like the problems in our life as teachers.

56 We can be like the carrots.
We go in tough and strong. We come out soft and weak.

57 We get very tired. We lose hope. We give up. There is no more fighting spirit.

58 We can be like the eggs. We start with a soft and sensitive heart. We end up very hard and unfeeling inside.

59 We hate our job. We don’t like our students. We become hard-hearted. There is no warm feeling, only bitterness.

60 The coffee powder changes the water!
We can be like the coffee beans. The water does not change the coffee powder. The coffee powder changes the water!

61 The water has become different because of the coffee powder.
You can see it. You can smell it. You can taste it. The hotter the water, the better the taste.

62 We can be like the coffee beans.
We can make something good from the difficulties we face at school.

63 We have the knowledge, the skills, and the abilities.
We have the potentials for changing the lives of our students for the better.

64 We can make our school a better place for work.

65 To succeed, we must try… and try again.
We must believe in what we are doing. We must not give up. We must be patient. We must keep pushing. difficulties problems handle with care

66 The problems and difficulties at school give us the chance to become stronger… and tougher …and better teachers.

67 What are we like when things
do not go well at school? Are we like the carrots… or the eggs… or the coffee beans?

68 Be like the coffee beans!

69 Change the people around you at school. Influence them with your good work…

70 …even if in return they will harbor ill feelings against you.

71 …even if they will rock you out of your wits.

72 After all, in the final judgment, it is between YOU and GOD anyway.

73 Thank you and GOD BLESS AURORA A. FRANCO ASDS, DCS-MANILA


Download ppt "Edukasyon sa pagpapakatao"

Similar presentations


Ads by Google