Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Learning Plan II Inihanda ni: Gng. Rosette Joy Lloren.

Similar presentations


Presentation on theme: "Learning Plan II Inihanda ni: Gng. Rosette Joy Lloren."— Presentation transcript:

1 Learning Plan II Inihanda ni: Gng. Rosette Joy Lloren

2 Alam mo ba ang kahulugan ng balatkayo?

3 Nagbabalatkayo at nag-iiba ng anyo ang mga hayop para makapagtago at makaiwas sa mga tao at sa kanilang kaaway na kapwa hayop. Isa rito ang pag-iwas sa paggamit ng kanilang kulay. BALATKAYO

4 Paano? Mapapansin mo na ang kulay ng balat ng hayop ay katulad ng kanilang kapaligiran o kung saan sila naninirahan. Ang dalawang halimbawa ng hayop na nakapagbabalatkayo ay ang mga hunyango o chameleon at pugita o octopus.

5

6 Ang ilang uri ng hunyango o chameleon ay nagbabalatkayo. Nakapagpapalit sila ng kulay ng balat ayon sa init o lamig at kondisyon ng kanyang kapaligiran. Maaari silang maging kulay rosas, asul, pula, berde, itim, dilaw, beige, brown, orange, light blue, turquoise, o iba-ibang kulay.

7 Ang ibang chameleon ay nagiging mas maitim ang kulay kapag sila ay galit o nahaharap sa panganib. Karaniwang tahimik ang mga ito ngunit nag-iingay ng kaunti o humihiyaw kapag nasa panganib. Sila ay nagtatago at karaniwang nasa mga dahon at sanga ng mga halaman.

8 Kahawig ng mga ito ang mga butiki. Magaspang ang kanilang balat at may spikes ang kanilang likod. Sila ay may madikit na dila na kanilang ginagamit sa panghuli ng insektong makakain. Ang mga pugita o octopus ay Nakapagbabalatkayo rin. Isa ito sa kanilang estratehiya upang makaiwas sa ibang hayop na nais silang hulihin.

9 Nakapagpapalit sila ng kulay ng balat ayon sa kulay ng kanilang kapaligiran. Naiiba rin nila ang tekstura ng kanilang balat. Maaari nila itong gawing magaspang o makinis ayon sa kanilang kapaligiran. Naglalabas din sila ng maitim na tinta habang lumalayo. Naninirahan sila sa dagat.

10 Nagtatago sila sa ilalim ng lupa o bato. May natatanging katangian ang mga octopus. Nabibilang sila sa pinakamatalinong hayop. Sila ay may malambot na katawan at walong galamay. Kapag napuputol ang galamay nila, tumutubo itong muli. May 100 iba’t ibang species ang octopus.

11 Ang Giant Octopus ang pinakamalaking octopus na lumalaki hanggang 27 talampakan o 7 metro ang haba ng mga galamay mula sa isang dulo hanggang sa kanilang dulo. Ang pinakamaliit ay ang Californian octopus na lumalaki hanggang 3/8 pulgada (1 sentimetro). Alamin mo ang iba pang paraan kung paano umiiwas ang mga hayop sa kanilang kaaway, kapwa hayop, at tao.

12 1. Sa iyong palagay, bakit kaya nagtatago ang mga hayop? 2. Paano natin mapangangalagaan ang mga hayop sa ating kalikasan? Katanungan:

13  Isang artikulo o babasahing naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa mga bagay, pangyayari, hayop at tao. Sanaysay na Di-Piksiyon  Di-piksiyong babasahin na nakabatay sa mga makatotohanang kaalaman.

14 Paano naiiba ang paraan ng pag-iwas ng mga hunyango at pugita sa panganib? Piliin ang bilang ng sagot. 1. Sa kulay at anyo ng mga bagay sa kapaligiran 2. Sa pagkakahawig ng hayop sa ibang hayop 3. Sa lugar o bagay na pagtataguan 4. Sa pagbabago ng kanilang kulay at anyo 5. Sa uri ng gawain nito kung ito’y nasa tubig o lupa Gawain 1

15 Suriin ang mga salita sa bawat bilang. Piliin ang titik ng pangungusap kung saan ginamit ito nang wasto. 1. iwasan a. Lumalayo siya sa taong papalapit upang iwasan ito. b. Lumalapit siya sa tao para maiwasan ito. Gawain 2:

16 Suriin ang mga salita sa bawat bilang. Piliin ang titik ng pangungusap kung saan ginamit ito nang wasto. 2. kahawig a. Kahawig niya ang kanyang kakambal. b. Ibang-iba siya kaya sila ay magkahawig. 3. humihiyaw a. Hindi siya marinig kapag humihiyaw. b. Nakakagulat siya kapag humihiyaw. Gawain 2:

17 4. nagbabalatkayo a. Nagbabago siya ng ugali at nagbabalatkayo. b. Walang nagbabago sa kanya kahit siya ay nagbabalatkayo. 5. magsaliksik a. Magsasaliksik ng mga bagong kaalaman sa museo ang mga mag-aaral. b. Maglalao ang mga mag-aaral at magsasaliksik. Gawain 2:

18 Pang-uring Pandama

19 a. Ang ibang chameleon ay nagiging mas maitim ang kulay kapag sila ay galit. b. Magaspang ang kanilang balata at may spikes ang kanilang likod. c. Karaniwang tahimik ang mga ito. d. Sila ay may malambot na katawan at walong galamay. Suriin ang mga salitang nakasalungguhit.

20 Naglalarawan ng nakikita naririnig nalalasap naaamoy nadarama Pang-uring Pandama

21 Pansalat -nahihipo o nahahawakan ang pangngalan na inilalarawan. Hal. malambot, makinis, magaspang Pandinig – nailalarawan ang pangngalan sa pamamagitan ng pandinig. Hal. maingay, matinis, tahimik Pang-amoy – naaamoy ang pangngalang inilalarawan. Hal. malansa, mabango, masangsang

22 Paningin – nailalarawan ang pangngalan sa pamamagitan ng paningin. Hal. pula, bago, luma Panlasa – nailalarawan ang pangngalan sa pamamagitan ng dila. Hal. matamis, maalat, matabang

23 Tukuyin kung alin ang pang-uring pandama sa bawat pangungusap. 1. Maaari silang maging kulay rosas. 2. Karaniwang itong maingay kapag nasa panganib. 3. Sila ay may madikit na dila. 4. Naglalabas din sila ng maitim na tinta habang lumalayo. 5. Sila ay may malambot na katawan at walong galamay. Gawain 3


Download ppt "Learning Plan II Inihanda ni: Gng. Rosette Joy Lloren."

Similar presentations


Ads by Google