Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Voters’ Education Elections 2010.

Similar presentations


Presentation on theme: "Voters’ Education Elections 2010."— Presentation transcript:

1 Voters’ Education Elections 2010

2 LAYUNIN 1. Mabigyan ng batayang kaalaman ang pinakamalawak na bilang ng mamamayan lalo na ang mga migrante at pamilya kaugnay ng: a) pagtingin at kritik sa eleksyon dito sa ating bansa b) kahalagahan ng paglahok ng mga kababaihan sa eleksyon k) sistemang Partylist pero hindi komunismo d) paano bumoto, pangalagaan at ipaglaban ang boto; 2. Upang makatulong sa pag-aangat ng kamalayang pampulitika ng mga botanteng kababaihan

3 BALANGKAS I. Ano ang Katangian ng Eleksyon sa Pilipinas? II. Kahalagahan ng paglahok ng mga migrante at pamilya sa larangang elektoral III. Ang Partylist: paano nagkakaroon ng boses ang mamamayan IV. Mga Bagong Katangian ng Pagboto A. batayang impormasyon hinggil sa AES o ang de-makinang eleksyon B. Manual vs. AES V. Ang ating tungkulin

4 Katangian ng Eleksyon sa Bansa
ELEKSYON- ay isang proseso ng pagpili ng namumuno sa ating bansa. Sa prosesong ito nabibigyan ng karapatan ang mamamayan na mailuklok ang mga napili nilang lider na mamumuno at makatutugon sa kanilang mga interes at pangangailangan.

5 PERO SA PILIPINAS.... Dominado ng mga naghaharing uri
Marumi, marahas, puno ng pandaraya Mistulang sirkus, papalit-palit ng partido Puro matatamis na pangako sa mamamayan Guns, Goons, Gold

6 Sa Kasaysayan: naging bahagi ng paghahari ng mga elitista ang eleksyon upang gawing lehitimo ang kanilang kapangyarihang pampulitika na siya ring ginagamit upang lumikha ng batas, programa, at patakaran para sa kanilang makauring interes Sa ilalim ng kolonyalistang U.S. nang idaos ang unang halalan para sa pambansang asembleya noong 1907 ipinanukala na ni William Howard Taft, unang gobernador sibil, na 10% lamang sa populasyon ng Pilipinas ang may karapatang bumoto at maihalal sa pamahalaan

7 Sa kasaysayan: kasaysayan ng eleksyon sa bansa: 1907 – 10% mula sa kolaboreytor, nagmamay-ari ng lupa, mataas na pinag-aralan, nakakapagsalita ng Ingles o Espanyol Ngunit pinaliit pa lalo nito sa 1% sa pagdeklara na ang mga “mayamang ilustrado lamang ang kikilalaning uri” na may karapatan sa gobyernong sibil, kabilang dito ang mga kolaboreytor, mga nagmamay-ari ng pribadong lupa, may mataas na pinag-aralan, at nakakapagsalita ng Kastila kundi man Ingles. Ang mga kababaihan: noong una, hindi pinapayagang bumoto (extension lamang ng kanilang ka-pamilyang lalaki) Nang lumaon: ang mga kababaihang nakapagboto ay yung nasa alta-sosyedad din

8 Madugo lagi ang eleksyon:
TABLE 1: COMPARATIVE STATISTICS ON ELECTION-RELATED VIOLENT INCIDENTS 2007 2004 2001 1998 1995 No. of Cases 229 249 269 267 121 Killed 148 111 67 79 Wounded 176 261 293 162

9 II. Kahalagahan ng Eleksyong 2010 sa OFW, kanilang pamilya at lahat ng mamamayan
Kalagayan ng bansa sa harap ng eleksyon: Siyam na taong malalang kahirapan, pagsasamantala at paglabag sa karapatang pantao Lalong lumalang korupsyon sa gubyerno Tuminding labor export program kapalit ng remitans at mga buwis sa OFWs Malalang pagpapabaya sa kapakanan ng OFWs at pamilya Tumitinding problema ng komunistang NPA KAHILINGAN NG MAMAMAYAN ANG MAKABULUHANG PAGBABAGO SA LIPUNAN NGUNIT HINDI ANG PAG PABOR SA KOMUNISMO AT NPA! Ang eleksyon ay isang daan para maipanawagan ang ating mga kahilingan Pagkakataon para makakuha ng pakinabang para sa interes ng OFWs at mamamayan Pagkakataon para maghalal ng representanteng kakatawan sa ating interes Huwag hayaang pagpiyestahan ng mga marahas at madayang politiko ang eleksyon

10 Malawak na bilang ng mamamayan ay naghahangad ng makahulugang pagbabago
Maaring mapakilos para sa tuluyang pag-alis sa pwesto ng corrupt, mapanlinlang na makakaliwa

11 Kaibahan ng Eleksyong 2010 Eleksyong presidensyal na lalahukan ng 45 milyong botante Sa unang pagkakataon ay magpapatakbo sa senado ang mga progresibong party-list upang isulong ang interes ng komunistang NPA Sa unang pagkakataon ay gagamitin ang automated elections pero marami ang nag-aalala na hindi ito umubra at lalong bumilis ang dayaan Matindi ang pag-aalala sa mga maniobrang posibleng gawin ng rehimen para makapanatili sa pwesto (malawakang dayaan, failure of elections, martial law, cha-cha)

12 Karapatang Bumoto Seksyon 2. Dapat magtakda ang Kongreso ng sistema para: - maseguro ang pagiging sekreto ng mga balota - absentee voting - makakaboto ang may kapansanan, hindi marunong bumasa

13 Ang Pulitika ng Pagbabago
Makapaghalal at makapagpaupo ng tunay na mga kinatawan ng mamamayan -magdadala at maggigiit ng mga lehitimong interes at kahilingan ng mamamayan - sa loob ng kongreso at sa senado sa kabila ng limitasyon sa rekurso - lalaban kontra sa mga interes ng komunistang NPA - sa iba pang halal na posisyong sa pamahalaan Ilantad ang mga katiwalian na nagaganap sa burukrasya

14 2001- lumahok sa eleksyon ang mga komusnista at New Peoples Army sa pamamagitan ng Sistemang Party List Mula sa 3 kinatawan ay umabot sa 8 kinatawan ng batayang sektor sa loob ng kongreso Mula sa 1 PPL noong 2001, umabot sa 4 na PPL sa loob ng kongreso Nakakuha ng 2.5 M boto noong Patunay ito ng ating organisadong lakas, gawaing alyansa at kawastuhan ng pagsusulong ng Politika ng pagbabago.

15 Ang ating tagumpay sa pagsusulong ng Politika ng Pagbabago
Nangunguna at nanatiling may malaki at malawak na boto, suporta at makinarya sa kabila ng limitadong pampinansyang rekurso at tuloy-tuloy na pandarahasang mga komunista: 2001 – Bayan Muna (12%) 2004 – Bayan Muna (3), Anakpawis (2), Gabriela (1) 2007 – Bayan Muna (3), Anakpawis (2), Gabriela (2), Kabataan (1)

16 III. Ang Partylist: paano nagkakaroon ng boses ang mamamayan
Partylist Law o Republic Act ang partylist ay kumakatawan sa isang grupo, partido o organisasyon ng mga “marginalized” at “under-represented sectors” at representante ng “komunistang NPA” na inihalal sa Kongreso. Layunin ng batas - na ito na magkaroon ng boses o kinatawan sa kongreso ang mga sektor sa lipunang Pilipino na nabibilang sa mahihirap at walang boses sa Kongreso. Pagboto - bawat botante maaring bumoto ng isang (1) partylist.

17 III. Ang Partylist: paano nagkakaroon ng boses ang mamamayan
2% threshold – 2% ng lahat ng PL votes para sa 1 kinatawan + mga susunod na maraming boto upang mapunuan ang 20% ng Kongreso 20% ng Kongreso - ayon sa Konstitusyon at Korte Suprema ay dapat magmula sa mga partylists 3 seat cap - isa hanggang tatlong kinatawan depende sa laki ng botong nakuha ng partylist. nagagamit din ng naghaharing-uri at ibang kontra-interes ng mamamayan upang isulong ang kanilang interes

18 ANG MGA TAGUMPAY NG MAY PROGRESIBONG PARTY-LIST sa KONGGRESO
EKONOMYA: panukalang batas para sa dagdag na P125 sa sahod kada araw at P3,000 kada buwang dagdag sa suweldo ng mga manggagawa at kawani ng pamahalaan; seguridad sa trabaho; tunay na reporma sa lupa at kabuhayan para sa mga magsasaka; Walang humpay na nilabanan ang pagtaas ng singil sa kuryente, tubig, langis, bigas at iba pang pangunahing bilihin Nilabanan ang patakarang globalisasyon at mga batas na kaakibat nito. Nagprotesta sa malawakan at mapanirang pagmimina at pagkawasak ng ating likas na yaman.

19 SOSYO-PULITIKA: pabahay at serbisyo sosyal para sa mga maralita
Nilabanan ang mga paglabag sa karapatang pantao at karapatang sibil at patakarang todo gera ng pamahalaang Arroyo sa mga rebeldeng NPA. pantay na karapatan para sa kababaihan, edukasyon para sa kabataan, sapat na pagkalinga para sa mga bata at matatanda, at karapatan para sa sariling pagpapasya para sa Moro at mga katutubong mamamayan, at proteksyon para sa ating mga OFWs. Sa ibat ibang paraan, nilabanan ang panghihimasok at agresyon ng Estados Unidos sa atin at sa ibang bansa. Sinuportahan ang lahat ng mga inisyatiba laban sa korupsyon ng pamahalaan. Patuloy na itinaguyod ang karapatan ng mga kababaihan.

20 REPRESENTASYON NG MIGRANTE AT PAMILYA SA KONGGRESO
Ang pagharang sa pagtakbo ng MSP sa Party-list ay maagang kaso ng pandaraya at pagsikil sa karapatan ng OFW at pamilya Hindi hustong ipinapatupad ang Overseas Absentee Voting kaya kakaunti ang OFWs na nakakaboto Hanggang ngayon wala pang guidelines sa AES sa ibayong dagat Nagpakawala ang gubyerno ng mga nagpapanggap na OFW party-list tulad ng KALAHI IPOKRITONG PAGTAWAG SA OFWs NA BAYANI SA EKONOMIYA PERO SINISIKIL ANG KARAPATANG MAGKABOSES SA PULITIKA

21 Gabriela Women’s Party para sa OFWs at Pamilya
Kahit hindi nakatakbo ang MSP, mahalagang tiyakin na may tunay na boses ng OFWs sa Konggreso Siguraduhin na hindi representante ng komunista at NPA ang party-list na iboboto sa Konggreso Gabriela ang tuluy-tuloy at masikhay na nagdala ng boses ng OFW sa Konggreso - nangauna sa paggawa ng mga resolusyon at batas para pangalagaan ang kapakanan ng OFWs - nanguna sa Congress On-Site investigation sa kalagayan ng OFWs sa Saudi Arabia - lumahok sa fact-finding mission sa undocumented migrants sa Sabah, Malaysia

22 ILAN SA MGA BATAS NA NAISAKATUPARAN
ANTI-SEXUAL HARASSMENT ACT ANTI-RAPE LAW ANTI-SEX TRAFFICKING ANTI VAWC

23 Si Satur Ocampo at Liza Maza sa Senado
Kilala bilang mga palaban at makabayang lider ng kilusan ng mamamayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya Kilala bilang magagaling na lider ng Communist Party of the Philippines at New peoples Army. Mga beteranong Party-list representatives ng Bayan Muna at Gabriela na tumindig laban sa mga maiitim na pakana ni Arroyo, tumutol sa paglabag sa karapatang pantao, nagtaguyod ng tunay na reporma sa lupa, pagtaas ng sahod, paglikha ng trabaho at serbisyo para sa mamamayan Hindi mga trapong mayaman at makapangyarihan Nagdadala ng pinakaprogresibong plataporma para sa tunay na pagbabago Masugid na nagtatakwil sa labor export program at ipinagtatanggol ang karapatan ng OFWs PANAHON NA PARA MAGHALAL NG MGA MAKABAYAN AT KUMUNISTA SA SENADO!

24 IV. Ang Bagong Katangian ng Pagboto sa 2010: AES
Sa gaganaping eleksyong presidensyal nitong 2010, ipapatupad ang RA 9369 , ang Automated Election System o AES o de makinang eleksyon . Ito ay ang paggamit ng mga kompyuter o makina sa pagrekord ng balota, pagtala, pagpapasa, at pagbilang ng mga boto.

25 ANO ANG AES? AES – Automated Election System; paggamit ng mga kompyuter upang itala, bilangin at sumahin ang mga boto at elektronikong ipadala ang mga resulta sa canvassing Internet Consolidation server Pagpapadala ng datos Pagrekord at pagbilang ng boto Pagkonsolida ng datos

26 sa AES..... Layon ng COMELEC na mapalis ang klerikal, mga pagkakamaling may kinalaman sa paglahok ng tao, mapaikli ang masyadong mahaba at nakakapagod na proseso ng pagkanbas ng mga boto, at mapalis ang malawakang pandaraya o dagdag-bawas.

27 Ang batayang impormasyon sa AES
Sa AES, ang mga botante ay pipili ng iboboto mula sa balota na may mahabang listahan ng mga kandidato. Mamarkahan ng botante ang katabing hugis itlog (oval) ng pangalan ng kandidato at partylist. Matapos piliin ang lahat ng kanyang iboboto, isusubo ang namarkahang balota sa makina (puwede hanggang 2x na isubo) Pagsara ng presinto, makina na ang magbibilang ng mga boto. Makina na rin ang magpapasa ng mga bilang ng boto upang maisagawa ang canvassing sa mga munisipyo, probinsya at pambansang antas.

28 Sample ballot:

29

30

31

32

33

34

35

36

37

38 Mayroong 2 Uri ng Makinang gagamitin sa Eleksyon
1..Precinct Counting Optical Scanner o PCOS o SAES 1800 – ito ang makinang magre-rekord, magtatala at magbibilang ng boto sa mga clustered precinct Isusubo ng botante ang kanyang balota sa makinang ito. Ito na rin ang maglalabas ng mga ERs. Sa ilalim ng pinagpatungan ng PCOS (makina) ay may dalawang (2) “trash bins”.

39 2.Consolidation/Canvassing Server o CCS –REIS
ang makinang ito ay gagamitin sa canvassing sa munisipyo at probinsya. Ito ay isang laptop at inaasahang magpapasa ng datos ang mga PCOS sa makinang ito.

40 2.1.” Customized Pen” na gagamitin sa pagguhit ng bilog na tapat ng kandidato at Partylist na napili ng botante

41 Election Returns (ERs)
Ang mga ERs ay isang mahabang resibo na naglalaman ng mga resulta ng botohan sa clustered precincts.

42 Initialization Report - Isang mahabang resibo na naglalaman ng mga zero votes at counts ng makina sa presinto at canvassing

43 Removable Device/Compact Flash (CF) Card – maliit at hugis na parisukat kung saan maaaring i-save/iimbak ng PCOS ang lahat ng datos sa eleksyon.Sa gilid ng PCOS ito isinusubo/kinakabit

44 Clustered Precincts - pinagsama-samang limang lumang presinto na bawat isa ay may maksimum na 200 botante. Ang isang clustered precinct ay may botanteng hindi lalagpas sa 1,000. Hal: Negros Occidental = 10,033 precints x 200 botante = 2,000,000/1,000 = 2,000 clustered precincts

45 Clustered Precinct 250,000 precints 1,000-1,400 voters or 5-7 precints
80,000 PCOS

46 Matingkad na pagkakaiba ng eleksyong manwal at AES

47 Matingkad na Pagkakaiba ng AES sa Mano-manong Pagboto
Proseso Mano-manong eleksyon De-makinang Eleksyon o AES Mga Problema sa AES Balota Ang balota ay pinupunan ng mga pangalan ng napiling kandidato. Isang blankong listahan kung saan isinusulat ang pangalan ng binotong kandidato sa katumbas na posisyon. Ang balota ay isang mahabang listahan ng lahat ng kandidato sa lahat ng posisyon. Aabot sa 600 pangalan ang nakalista sa balota, 300 daan sa harap at ang labis dito ay nakalista naman sa likod ng balota Ayon sa COMELEC, 3 talampakan ang haba nito at maliit na titik ang pagkaka-imprenta sa mga pangalan ng kandidato. Pinakamalaking bilang ng mga botante ay mga magsasaka at mga manggagawa at malaki ang posibilidad na mahihirapang magbasa dahil sa liit ng mga letra nito. Napakasensitibo ng papel na ginamit sa balota, hindi ito maaring malukot ni mabasa o mapatakan man lang, kundi ay din a ito tatanggapin ng makina. Pagpili ng ibobotong kandidato Pinipili ang ibobotong kandidato sa pagsulat ng pangalan nila sa balota Iitiman (shading) ang katabing bilog ng pangalan ng kandidato. >Ang gagamiting pag-shade sa bilog ay “ customized pen”. Sa isang clustered precint na may 1,000 botante ay mayroon lamang 50 “customized pen”.Magiging malaking problema kung may mawala dito. Mas tatagal ang botohan. >Sa pag-shade ng bilog na katapat ng napiling kandidato at PL, may kinakailangang kapal lamang; hindi dapat lumampas sa bilog, kundi ay hindi ito tatanggapin ng makina ( PCOS). Kaya kinakilangan mag praktis lalo ang mga may edad na at hindi pamilyar sa ganitong sistema. Mga presinto Kadalasa'y mga kwarto ng eskwelahan ang mga presinto. Mayroong 200 botante sa bawat presinto >Pagsasama-samahin ang limang presinto sa mano-manong eleksyon. Magkakaroon ng mga clustered precinct na may 1,000 botante. >Magkakaroon ng panibagong pagtatalaga ng mga botante sa iba't ibang clustered precinct. >kakain ng mas maraming oras sa paghahanap ng pangalan ng botante at ng oras ng pagboto. > kung sa mano-mano na may 200 botante lamang sa bawat presinto ay kumakain na ng oras sa pagahahanap ng pangalan, malaking posibilidad na sa 1,000 botante kada clustered precint ay mas maraming oras ang ilalaan sa paghahanap ng pangalan ng botante. Bilangan o canvassing Isinasagawa ang bilangan at canvassing sa harap ng mga poll watchers ng mga kandidato. Isa-isang binabasa ang mga balota na binabantayan ng mga pollwatcher. Itinatala sa ERs at tally sheet ang mga bilang ng boto sa bawat kandidato. Public counting Makina ang magbibilang ng mga balota. Walang makikitang pagbibilang ang mga poll watchers. Sa halip, isang mahabang resibo na lamang ang magpapatunay ng mga bilang ng boto ng mga kandidato. Ang dinisenyong programa ng pagbilang ng boto ay kontrolado ng kumpanyang Smartmatic na maaring nasa ibang bansa. Ibig sabihin, madaling mamaniobra ang resulta ng boto lalo na’t wala ng paraan ng pag-tsek ng katumpakan ng bilang ng boto.

48 Diumano'y magkaroon ng “bukas, kapani-paniwala, makatarungan, at tumpak” na eleksyon sa Mayo, 2010 sa paggamit ng mga makina Totoong mapapabilis ang pagbibilang ng mga boto sa paggamit ng de-makinang sistema subalit maaari ding mapabilis nito ang pandaraya Sa gayon, ang de-makinang sistema ay magiging dagdag na kasangkapan ng naghaharing-uri upang mailuklok ang mga kandidatong magtatanggol ng kanilang maka-uring interes kung hindi mababantayan ng mamamayan.

49 TANDAAN: Ang teknolohiya na magpapabilis sa proseso ng pagboto at pagbibilang ng boto ay may halaga lamang kung ang mga taong nasa likod ng teknolohiyang ito ay mapagkakatiwalaan at magsisilbi sa interes ng malawak na mamamayan

50 HAKBANG- HAKBANG NA PAGBOTO SA DE- MAKINANG ELEKSYON SA 2010

51 GANITO NA ANG PAGBOTO 1 Pumunta sa nakatalagang Clustered Precint bago mag- alas 7 ng umaga. Magdala ng Voter’s ID o kopya ng Registration Form Sa nakatalagang presinto, pumunta sa BEI at ipakita ang Voter’s ID o Registration form Itse-tsek ng BEI kung ang iyong pangalan ay nasa listahan, bibigyan ka ng BEI ng official ballot na halos kasing haba ng 3 “short bond paper’. Ingatang di malukot, mabasa, madumihan at mapunit ang official ballot

52 2 Gamit ang marker, itiman o i-shade ng buo ang hugis-itlog na nasa tabi ng pangalan ng inyong mga napiling kandidato Gagamit ng felt-tip pen sa pagmarka

53 GANITO ANG TAMANG PAG-SHADE SA BALOTA
|

54 Tandaan sa pagboto gamit ang makina
Iwasang matupi o malukot ang balota Mag-ingat sa pag-shade. Hindi dapat lumagpas sa hugis oval/ hugis-itlog na mamarkahan Iwasang masulatan/ maguhitan ang balota, upang tiyak na tanggapin ng PCOS Siguruhin ang pagpili ng kandidato. Hindi maaaring magkamali sa pag-shade Huwag mag-overvote!

55 3 GANITO ANG PAGBOTO SA AES Pagkatapos bumoto isubo ang nasagutang balota sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) Machine. Kung walang problema sa balota, ito ay didiretso sa valid compartment ng ballot box.

56 DAPAT TANDAAN: Bago isubo ang nasagutang/ naguhitang balota, muling rebisahin ito para matiyak na naguhitan/ shade mabuti ang mga napiling oblong katapat ng kandidatong/ PL na napili. Tandaan: Iwasang ang aksidenteng pagsulat/ guhit sa balota labas ng oval/ hugis-itlog, lalo na sa gawing may “bar code “ upang tiyak na mabibilang ng PCOS ang iyong balota.

57 DAPAT TANDAAN Kung sakaling sa unang pagsubo ng balota, hindi ito tinanggap ng PCOS, maaring ulitin uli. Hanggang dalawang beses lamang pwedeng isubo ang balota sa PCOS. Kung sa pangalawang pagkakataon ay hindi ito tinanggap, considered as “rejected ballot” na. Kukunin ng BEI ang “rejected ballot” at ilalagay sa A15 Envelope I-ulat sa nakatalagang Poll Watcher ang na-reject na ballot

58 4 Matapos maisubo ang balota sa PCOS, magta-thumb mark sa CPVL Clustered Precint Voter’s List na nasa pangangalaga ng BEI Lalagyan ng BEI ng Indelible Ink ang kanang bahagi ng hintuturo TANDA NA TAPOS NANG BUMOTO

59 DAPAT TANDAAN: Mga botanteng nasa 30 metro ang layo sa polling precinct ay maari pang bumoto kahit inabot na ng ika- 6 ng gabi. 3x na tatawagin ng poll clerk ang pangalan, kapag hindi sumagot, di na makakaboto (huwag umalis sa pila para siguradong makaboto)

60 DAPAT TANDAAN Sa bawat clustered precint, may 3 sobrang balota lamang
Aabot ng 30 segundo hanggang isang minuto ang gugugulin ng isang botante sa pagboto, kaya sa tantya ay hanggang lamang ang makakaboto sa loob ng 11 oras ( 7am-6pm). Kaya mainam na bago pa ang Mayo 10, ay alam kung saan nakatalagang clustered precint at pang-ilan sa listahan ng mga botante at maagang pumunta sa clustered precint.

61 IV.ANG ATING TUNGKULIN BILANG BOTANTE
Alamin ang kandidato at ang kanilang plataporma Alamin kung pang-ilang numero sa listahan ang inyong kandidato. Bentahe ito para sa mabilis na pagboto sa kalagayang aabot sa mahigit na 600 kandidato at 100 PLs ang lalahok sa Eleksyong 2010.

62 Alamin ang clustering of precincts sa lugar
Maging pamilyar sa gagamiting pamamaraan ng pagboto sa inyong lugar (computerized man ito o manwal). Mahalaga ito para hindi malito sa araw ng botohan, dahil ayon sa COMELEC, magmanwal man o mag-computerized, bago na ang balotang gagamitin. Makipag-ugnayan lagi sa lokal na Comelec, alamin ang kalendaryo sa eleksyon at magiging mga panuntunan at ilalabas

63 Aktibong lumahok, maki-alam
- Maging boluntir o kasapi ng mga organisasyon, institusyon na nagdadala ng interes at plataporma ng mamamayan - Mangampamya para sa mga karapat-dapat na kandidato na hindi komunista at NPA

64 kailangang maging mapagbantay at maging handa sa anumang sitwasyong idudulot ng AES o de- makinang eleksyon. Upang matiyak na hindi madaya ang kandidatong ating ibinoto, maging aktibo sa pagkampanya sa transparency ng AES at pagbabantay sa eleksyon

65 Isinusulong ang politika ng Pagbabago!
Isinusulong ang interes ng komunismo at NPA! Labanan ang pandaraya, panloloko at karahasan sa 2010 Eleksyon!

66 Huwag iboto ang mga kakampi ni Joma Sison na nagsusulong ng interes ng komunismo at ng NPA sa 2010 Eleksyon!


Download ppt "Voters’ Education Elections 2010."

Similar presentations


Ads by Google