Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

PAMBANSANG KITA. Malalaman kung may narating na pagsulong at pag- unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance.

Similar presentations


Presentation on theme: "PAMBANSANG KITA. Malalaman kung may narating na pagsulong at pag- unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance."— Presentation transcript:

1 PAMBANSANG KITA

2 Malalaman kung may narating na pagsulong at pag- unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance nito. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga economic indicators ay nasusukat ang kasiglahan ng ekonomiya.Ito ay mgainstrument namaglalahadsa anumang narating na pagsulong at pag-unlad ng isang ekonomiya.

3 KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA 1. Nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya 2. Masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya 3. Gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at 4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka- haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala. 5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.

4 GROSS NATIONAL INCOME (GNI) Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawagdingGross National Product aytumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon.

5 PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.

6 MGA PARAAN SA PAGSUKAT NG GNI 1. PARAAN BATAY SA PAGGASTA (EXPENDITURE APPROACH) a. Gastusing personal ( C ) b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) c. Gastusin ng pamahalaan (G) d. Gastusin ng panlabas na sector (X_M) e. Statistical discrepancy (SD) f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) Formula GNI= C + I + G (X_M) SD + NFIFA

7 1.Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach) Sa paraang ito, pagsasamahin ang pinagkakagastusan ng bawat sector. GDP= GP+GG+GK+ (X-M ) GNI= GDP + NFIFA + SD 2.Paraan batay sa pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value Added Approach) Sa paraang ito,pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. GDP= Agrikultura +Industriya + Serbisyo GNI= GDP + NFIFA 3. Paraan batay sa kita (Income Approach) Sa paraang ito, pagsasamahin ang kabayaran ng bawat salik ng produksiyon na nagsisilbing kita nito. GNI= KG+KEA+KEM+KK

8 MAHALAGANG MASUKAT ANG PAMBANSANG KITA DAHIL: Nagbibigay ito ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya ng isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may angaganap nap ag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa. Magiging gabay ng mga nagplaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya. Kung walang sistematikong paraan, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.


Download ppt "PAMBANSANG KITA. Malalaman kung may narating na pagsulong at pag- unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance."

Similar presentations


Ads by Google