Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byRosell Cuyo Modified over 3 years ago
1
Araling Panlipunan 7 Kasaysayan ng Asya Ma’am Charlotte
2
PAST IS PAST
3
Mga Kasanayan: 1.Maibigay ang kahulugan ng kasaysayan at heograpiya 2.Maibigay ang kahalagahan ng pag- aaral ng kasaysayan at heograpiya 3.Nasusuri ang limang tema ng heograpiya
4
KASAYSAYAN Isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao, mga bansa, at daigdig noong nakalipas na panahon
5
Isang sistematikong rekonstruksyon at interpretasyon ng nakaraan batay sa mga ebidensya Ang kasaysayan ay isang agham at sining
6
Sistematiko- Dahil ito ay isang agham, ito ay nakabatay sa ebidensya Tala o Record – nakasulat o pasalita -Upang maibahagi ang kailangan -Mabaha, mabusisi at masalimoot Imbestigasyon – paghahanap at pagsusuri ng ebidensya, pagsusuri sa pagkatotoo, kedibilidad, paghahambing sa ibang ebidensya Proseso – kailangan dumaan sa imbestigasyon
7
Heograpiya
8
Ang pag-aaral ukol sa katangian ng ibabaw ng daigdig; ang paghahati nito sa mga kontinente, mga bansa, mga anyong tubig, mga anyong lupa, kasama rin ang pag-aaral ng klima, mga likas yaman nito at ang kaugnayan ng pagdami ng tao sa uri ng pamumuhay nito at interaksyon ng tao sa kapaligiran.
9
Mga Saklaw ng Pag-aaral ng Heograpiya Anyong lupa at anyong tubig Likas yaman Klima at panahon Flora (Plant Life) at Fauna(Animal Life) Distribusyon at interaksyon at iba pang organism sa kapaligiran Pangkat Etniko
11
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Heograpiya Nagbibigay ng katiyakan sa kinalalagyan o pinangyarihan ng isang kritikal na yugto sa kasaysayan Isang sistematikong pag-aaral at nangangailangan ng mga batayan Naipapakita ang kaugnayan ng isang lugar sa kabuhayan, politika, kultura, at pamumuhay ng mga taong naninirahan dito. Gamit sa pagsusuri ng lokasyon Pagpapaliwanag sa mga natural phenomenon
12
Limang Tema ng Heograpiya 1.Lokasyon 2.Rehiyon 3.Lugar 4.Interaksyon ng tao sa kapaligiran 5.Paggalaw
13
1. LOKASYON- tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig
14
Lokasyong Absolut Matutukoy gamit ang mga imahinasyong linyang longhitud at latitude na bumubuo sa grid (global location) Street address ( Local Location)
15
SEOUL, TIMOG KOREA
16
DASMARIÑAS, CAVITE
17
Relatibong Lokasyon Ang batayan ng lokasyon ay ang mga lugar na nasa paligid nito. Malayo, malapit, bilang ng oras bago dumating
18
Dalawang Uri ng Relatibong Lokasyon Insular - tumutukoy sa mga anyong tubig na nakapalibot sa sa isang lugar Bisinal – tumutukoy sa mga karatig bansa na nakapalibot sa isang lugar
21
2. Rehiyon Bahagi ng daigdig na pinagbuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultura
22
3. Lugar Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa pook
23
Dalawang Paraan ng Pagtukoy ng Lugar 1.Katangian ng kinaroroonan 2.Katangian ng mga taong naninirahan
24
KATANGIAN NG KINAROROONAN KLIMA ANYONG LUPA ANYONG TUBIG LIKAS YAMAN
25
Katangian ng mga Taong Naninirahan Wika Relihiyon Densidad o dami ng tao Kultura Mga sistemang politikal
26
4. Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan
27
Iba’t Ibang Uri ng Interaksyon Pagsalalay (Dependence) Pag-ayon (Adaptation) Pagbago (Modification)
28
5. Paggalaw Ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar Kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
29
Uri ng Paggalaw Paggalaw ng tao Paggalaw ng produkto/kalakal Paggalaw ng impormasyon/ideya
30
Tatlong Uri ng Distansya ng Isang Lugar Linear- gaano kalayo ang isang lugar (distance) Time- gaano katagal ang paglalakbay Psychological- paano titingnan ang layo ng lugar
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.