Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byŠtěpánka Ševčíková Modified over 5 years ago
2
Mga Layunin -Nauunawaan ang kahulugan at paraan ng paggawa/pagsulat ng iskrip o dayalogo. -Nakasusulat ng sariling iskrip o dayalogo.
3
Bakit mahalaga ang mga iskrip o dayalogo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
4
Pagsulat ng Iskrip o Dayalogo
5
Ang Iskrip at Diyalogo Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong dula. Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula.
6
Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula.
7
Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip 1
Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip 1.Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.
8
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento,anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo.
9
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot) , karakter (character) , tagpuan (location) , paningin ( p o i n t o f v i e w ) , at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nararapat na lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula
10
(Pangkatang Gawain) FA Basahin at isagawa ang sitwasyon
(Pangkatang Gawain) FA Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa nito.
11
Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado ng ating pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa komunidad
12
Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling mamahala ng inyong punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap ng mga pamilya na naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa lokal na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na makatotohanan, may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang Pilipino.
13
Nangangailangan pa ng Pagpapahusay
Mga Pamantayan Napakahusay 5 Mahusay 4 Katamtamang Husay 3 Hindi Gaanong Mahusay 2 Nangangailangan pa ng Pagpapahusay 1 Kabuuan a. Pagkamalikhain b. Makatotohanan at kapani-paniwala ang pagkakasulat at pagsunod ng iskrip c. Orihinal d. Sumasalamin sa kulturang Pilipino at naaangkop sa kasalukuyan e. Wasto ang pagkakagamit ng wika
14
Interpretasyon Napakahusay Mahusay Katamtamang Husay Hindi Mahusay Nangangailangan pa ng Pagpapahusay
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.