Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byYorihc Tabirara Modified over 5 years ago
1
Aralin 3: Monopolyo ng Mga Italyano UNANG YUGTO NG IMPERYONG KANLURANIN
2
Ano ang kahulugan ng monopolyo? Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda o nagbebenta ng isang produkto.
3
Ano ang katangian ng produkto sa monopolyo? Ang produkto ay may katangiang: (1.) walang kagaya sa merkado o pamilihan (2.) importanteng pangangailangan (3.) walang direktang kapalit (4.) maaaring taasan ang presyo dahil sila lamang ang may supply ng produktong iyon
4
Sanhi ng Monopolyo ng Mga Italyano Sinalakay ng mga Seljuk Turk (mga mandirigmang Muslim), ang Dagat Mediterranean, pati ang mga karatig bansa. Ito ang naging sanhi ng pagsasara ng rutang pangkalakalan sa pagitan ng Asya at Europa, dahil ang Turkey ay daanan sa pagitan ng dalawang kontinente.
5
Monopolyo ng Mga Italyano VeniceGenoaFlorence (Italya) Ang Venice, Genoa, at Florence (Italya) lamang ang pinahintulutan ng mga Turk na makipagkalakalan sa Asya. Ito ay marahil sa relihiyon. Halos lahat ng mga Europeo ay Kristiyano, at Muslim ang mga Turks. Ngunit, ika-siyam na siglo pa lamang ay may bilang na Muslim sa Italya. Mataas ang ipinatong na presyo ng mga Italyano dahil alam nilang lubos na kinasasabikan ito ng mga Kanluranin.
6
Bunga ng Monopolyo ng Mga Italyano Dahil sa pangyayaring ito: Prinsipe HenryBartolomeu Dias Vasco de Gama Naghanap ng mga bagong rutang pangkalakalan ang mga bansa sa Europa sa tulong ng mga tao na nasa Middle Class = bourgeouis High Class = hari at kanyang pamilya na pinagunahan nina Prinsipe Henry, Bartolomeu Dias, at Vasco de Gama. Nagtaas ang presyo ng mga pangangilangan at mga hilaw na materyal. Ang Italya ang naging supply ng mga merkado sa Europa.
7
Monopolyo ng Mga Italyano Pagkakaiba sa relihiyon ng mga Turk at Europeo Pagsalakay ng mga Turk sa Dagat Mediterranean 3 lugar lamang sa Italya ang pinahintulutan Pagkontrol ng mga rutang pangkalakalan ng mga Turk bilang daan sa pagitan ng Asya at Europa
8
Paghina at Pagwawakas ng Monopolyo ng Mga Italyano Nagkaroon ng paghina ang monopolyo nang simulan ang paggalugad sa baybayin ng Africa na isinagawa nina Prinsipe Henry at Bartolomeu Dias. Nang natagpuan ni Vasco de Gama ang India (kanlurang baybayin), tunay nang humina ang monopolyo.
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.