Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN Maria Consuelo C. Jamera

Similar presentations


Presentation on theme: "SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN Maria Consuelo C. Jamera"— Presentation transcript:

1 SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN Maria Consuelo C. Jamera Secondary School Teacher III

2 ANG PANITIKAN SA PANAHON
Aralin 2.1 ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

3 I. Panimula at mga Pokus na tanong
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Español, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano sa Pilipino. Sa panahon ding ito isinilang ang ilang makatang Pilipino na nagsulat sa Ingles at Tagalog. Naitanong mo na ba kung bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang mga akdang pampanitikang Pilipino sa panahon ng Amerikano? Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan at Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa mga tanong na ito sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang pampanitikan sa Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda ng mga batikang manunulat ng bansa. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito: Aralin 2.1: Panahon ng Amerikano Aralin : a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Katotohanan at Opinyon Aralin a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri

4 III. Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Ito ay panimulang pagtataya na hahamon sa iyong kakayahan sa pag-aaralang mga akda. Hanapin ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo na ang mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito. Maaari mo nang simulan. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot. G A L D E B T N I U H K O S P M R C W

5 B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang tanghaling Ama ng Balagtasan. 2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya si Maria Asuncion Rivera. 3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa edukasyon. 4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin ang ating bayan gaya ni Balagtas. 5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon at kultura para sa susunod na heherasyon. Sa aking palagay Naniniwala akong rin Sa dakong huli Tungkol sa para sa Walang dudang bigyang-pansin kaya lamang     Sa madaling salita     Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng araling ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng ilan sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Amerikano.

6 ANG PANITIKAN SA PANAHON
ALAMIN Aralin 2.1 ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

7 Ano ang nais mong malaman? Ano ang iyong natutuhan/
Sa tulong ng KWHL Sheet na Ano ang Alam mo na ( What do you Know?), Ano ang Nais mong malaman (What do you want to find out?), Paano mo makikita ang nais mong malaman (How can you dind out what you want to learn?), Ano ang iyong natutuhan/naunawaan? (What Did You Learn?), ay subukin mong sagutin ang mga tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat. GAWAIN 2.1.a : KWHL Chart Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan.       Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman –ang dati at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa mga pahina ng araling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa mga tanong na iyan. K Ano ang alam mo na ? (What do you Know?) W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out?) H Paano mo makikita ang nais mong malaman? (How can you dind out what you want to learn?) L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you Learn?)

8 GAWAIN 2.1.b: HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN?
Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa Panahon ng Amerikano. Panahon ng Amerikano Mga Manunulat Mga Akda Kultura Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung oo, nangangahulugan ito na mas magiging madali para sa iyo ang aralin. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng modyul na ito lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

9 ANG PANITIKAN SA PANAHON
PAUNLARIN Aralin 2.1 ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

10 Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa! Dalawa sa mga akdang pampanitikan ang pag-aaralan natin sa bahaging ito – ang Balagtasan at Sarsuwela. Simulan natin sa Balagtasan (Aralin 2.1) - na isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo. Lumaganap ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano, batay sa mga lumang tradisyon ng masining na pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Nagmula sa pangalan ni Francisco Baltazar bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang tawag sa Balagtasan. Bago tayo magsimulang talakayin ang araling ito ay nais ko munang malaman mo rin ang mahalagang tanong para sa araling ito: “Masasalamin ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan.” Narito ang mga gabay na tanong upang masagot mo ito. Mga Gabay na Tanong Ano ang Balagtasan? Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan? Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa? Sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong dating kaalaman. Sa pagwawakas ng araling ito tingnan natin kung wasto ang naging mga sagot. Upang matiyak na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang mailalapat mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang argumentatibong editoryal na sumasalamin sa kaugalian ng isang masayang pamilya . Narito ang mga pamantayan kung paano itataya ang gawaing ito: a) malinaw na nailahad ang opinyon sa isyung tinalakay; b) gumamit ng mga ebidensya o patunay upang maging makatotohanan ang sinabi; c) nakitaan ng tiwala sa sarili at kaalaman sa isyu; d) naipahayag ang opinyon sa magalang na paraan; d) napaniwala at nahikayat ang mga mambabasa at e) wasto ang pagkakagamit ng gramatika. Nararamdaman kong sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin na natin ang tungkol sa Balagtasan.

11 Naging kawili-wili sa akin ang Ibig ko pang malaman ang tungkol sa
GAWAIN a: PICK-UP LINES Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin mo muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong. Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko… Aklat ka ba? Papel ka ba? Table of Contents ka ba? Bagyo ka ba? Teleserye ka ba? Mahusay ang iyong ginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito? Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan sa simpleng patanong at ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang ginagawa ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang nililigawan ay sa pamamagitan ng Balagtasan. Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot. Natutuhan ko na Naging kawili-wili sa akin ang Ibig ko pang malaman ang tungkol sa

12 GAWAIN b: IBA AKO EH! Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng panitikan. Upang maragdagan ang iyong kaalaman sa Balagtasan, alamin mo ang kaligirang pangkasaysayan o pinagmulan nito. Umpisahan na natin.

13 Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Basahin at unawain. Ugnay-Panitikan Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan. Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.

14 Basahin at unawain. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran. Nalaman mo na ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pinagmulan ng Balagtasan. Atin namang paunlarin ang iyong kaalaman sa sumusunod na gawain.

15 Ano-ano ang elemento ng Balagtasan?
GAWAIN c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan. Duplo Karagatan Batutian B A L G T S N Pagkakaiba Pagkakatulad 2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito? 3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod na mga tanong. BALAGTASAN Ano-ano ang elemento ng Balagtasan? Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas) Bakit mahalaga ang mga elementong sukat,tugma at indayog sa isang Balagtasan?

16 Papel na Ginagampanan sa Balagtasan
4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram. Gawin ito sa sagutang papel. MAMBA- BALAGTAS MANONOOD Papel na Ginagampanan sa Balagtasan ________________________________________________________ Mahusay ang iyong ginagawa. Ituloy mo lang ito. Huwag kang mag-aalala, gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Maaari mo nang basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan. Unawain mo ito upang masagot/maisagawa ang kasunod na mga tanong at gawain.

17 Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
BALAGTASAN: Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan Jose Corazon de Jesus Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata’y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali’y batikang makata At ang bibigkasi’y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. At sa gabing ito’y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan: BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa sariling wika. Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Ako’y paruparong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakandiwa, Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, Naging paruparo sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim. Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo, At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango. Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Magtuloy po kayo at dito sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin.

18 Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda’t puti ang talulot, Bulaklak po ito ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala’y kampupot. Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang  dinaya, Matapos na siya’y diligan ng luha Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala! Isang dapit-hapong palubog ang araw Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan, Paruparo, anya kita’y tatalian, Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan. Isang panyong puting may dagta ng lason Ang sa aking mata’y itinakip noon, At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabol-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biro’y naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, At ang hinagpis ko noong ako’y iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man ako’y napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib. Sa apat na sulok ng mundong payapa Ang aking anino’y tulang nabandila, Paruparo akong sa mata’y may luha, Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayaw po naman, Ay ang puso niya sa aki’y ibigay. Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.

19   Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw “Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawia’y magkauri tayo, Ako ma’y mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap Bawat salita mo’y matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalo’t magniningning ang isang katwiran, Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan. Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinahanap? Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halama’y sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan namin Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho ko’y aking tinatapos. Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan Habang ako’y kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

20   Ang inyong taguan, akala ko’y biro,
Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo, Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak din dumarating, Nang kinabukasa’t muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung di makita’y di na magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad ‘Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan. Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan? Una muna akong nag-uod sa sanga Na balot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulo’t dahon namin ay magkasama na. Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, At kung bumabagyo’t malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Na kami’y lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.

21 Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na  tatapat-tapat, Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payao’t dito Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pag ligaw-matanda sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo. Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Nguni’t saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib, Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig. Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga At sa mga daho’y nagtatago ka pa. Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita.   Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, At akong bubuyog ang dala ko’y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saan man pumaroon, At ang katawan mo’y mayrong karayom Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy?    Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintana’y iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, Iyong mga bulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

22 Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po’t paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?    Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig, Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig? Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing, Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin At di inakala na sinuma’t alin. Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililo’y nasa kagandahan.  Bubuyog: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod. Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malaman ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo. Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan O buo wala nguni’t akin lamang. Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong Dito’y masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

23 2. Kapatak na luha b. Mahulog
GAWAIN d: Hanap-Salita Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang nasa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Hanay A Hanay B 1. May gata sa dila a. konti 2. Kapatak na luha b. Mahulog 3. Hinagpis ko noong ako’y iwan c. matinding lungkot 4. Ang binhi ng isang halaman ay sumupling d. mahusay bumigkas 5. Halakhak ay nakabulahaw e. nakaistorbo d. pagkakaiba Mahusay ang naging sagot mo. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Pagkatapos mong masagutan ang pagsasanay ay dumako tayo sa kasunod na gawain, ang pagtalakay sa nilalaman ng binasang Balagtasan. Atin pang ipagpatuloy ang pagsusuri sa araling ito. Isulat sa papel ang mga sagot. Gayahin ang pormat.  Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan: Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kaya’t nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo, At ang “Pasalubong” sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. (Pagkatapos tumula ni Paruparo) Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.   (Pagkatapos tumula ni Bubuyog) Minamahal nami’t sinisintang bayan, Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.

24 Ang higit na matimbang sa inyong dalawa ay si…
GAWAIN e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa. 1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog? 2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan. 3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit? 4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang balagtasan? Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit? Pagkakaiba Ang higit na matimbang sa inyong dalawa ay si… Paruparo Bubuyog 5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay. 6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat. Pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw ng mga binata sa dalagahan noon sa ngayon Pagkakatulad Pagkakaiba

25 Katotohanan at Opinyon
7. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at pahalagahan ito? Matapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin sa panitikan, magtungo naman tayo sa wika – ang pagbibigay ng katotohanan at opinyon. Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katotohanan at opinyon. Basahin mo ang ilang impormasyon tungkol dito. Katotohanan at Opinyon May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan. Opinyon Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp. Halimbawa: Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos. Katotohanan Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa. Pagkakaiba

26 GAWAIN 1.1.e: Katotohanan O Opinyon
Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon. 1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita. 2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino. 3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. 4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas. 5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon. Mahusay, nagawa mong mabuti ang iyong gawain.Madali lang hindi ba? Kayang-kaya mo nang kilalanin kung alin ang opinyon at katotohanan batay sa mga halimbawa at pagsasanay na tinalakay. Matapos mong maunawaan ang gramatika (opinyon at katotohanan) ay maaari mo nang sagutan ang susunod na gawain na magtataya sa iyong naging pag-unawa sa aralin. GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGAN Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga tanong . Pagkakaiba Bahagi na ng kuturang Pilipino ang _________________ at ______________________ bilang parangal sa mga ______________________. Ipinakikita nito kung gaano natin _____________________________ ang mga ________________________. Masasalamin din ang ________ ________ng ating mga ninuno sa paghabi ng magkakatugmang ________________________ at pagbigkas nang may _____________________.

27 1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari,
Mahusay. Matapos mong masagutan ang ating aralin, ngayon naman ay maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang pangwakas na gawain para sa bahaging ito, maaari ka na ring gumawa o sumulat ng isang editoryal na argumentasyon na may kaugnayan sa kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng isang pamilyang Pilipino at ng bansa. Ikaw ay tatasahin sa sumusunod : 1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, 2) malikhain at masining ang presentasyon, 3) maikli at nakakakuha ng interes ang pamagat 4) malinaw na naipahayag ang argumento sa editoryal. Pagkakaiba

28 SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN


Download ppt "SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN Maria Consuelo C. Jamera"

Similar presentations


Ads by Google