Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Filipino PAKSANG PANGUNGUSAP.

Similar presentations


Presentation on theme: "Filipino PAKSANG PANGUNGUSAP."— Presentation transcript:

1 Filipino PAKSANG PANGUNGUSAP

2 BASAHIN Minsan, napadalaw si Ana sa pambansang pagamutan. Nakakita siya ng batang walang malay dahil wala raw maisaling dugo rito. Noon din ay inihandog ni Ana ang sariling dugo. Hindi niya malilimutan ang unti-unting pagbabalik-malay ng bata nang maisalin ang dugo niya rito.

3 1. Sino ang dumalaw sa Pambansang Pagamutan?
2. Ano ang nakita niya na ikinaantig ng kanyang puso? 3. Bakit walang malay ang bata nang kanya itong makita? 4. Ano ang ginawa niya bilang tulong sa bata? 5. Kung ikaw si Ana, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagtulong? Bakit?

4

5

6

7

8 TUNAY NA MAGKAIBIGAN 1. Masaya at palaging punung-puno ng buhay si Dodie. Ang kanyang malusog at mabilog na pangangatawan ay hindi niya ikinahihiya. Kayang-kaya niya ang umakyat sa mga puno, maglambitin sa mga sanga nito at magpasirku-sirko sa lupa na parang nasa isang karnabal. Kung siya ay kumilos ay talagang mas mabilis pa kaysa sa mga batang may katawang patpatin. 2. Minsan ay inanyayahan si Dodie ng isang bagong kakilala na pumasyal sa kanila. Tuwang-tuwa si Dodie. Umaga pa lamang ay nagpaalam na siya sa kanyang Lola Sepa. Maaga rin siyang naligo at naghanda sa pagsundo ni Chito. Si Chito ang bago niyang kaibigan. Ipinakilala si Chito sa kanya ng kamag-aral na si Susan noong nakaraang Linggo. 3. “Lola, pagdating dito ni Chito ay akin siyang ipakikilala sa inyo. Makikita mo at magugustuhan mo rin siya.” 4. Maghapong naghintay si Dodie kay Chito pero hindi iyon dumating. Ang kanyang pananabik sa kaibigan ay napalitan ng pagkainip. Pilit niyang nilibang ang sarili habang naghihintay.

9 Nagbukas siya ng telebisyon, nakinig ng mga tugtugin sa radyo at nagbasa-basa ng magasin sa kanilang balkonahe habang uugoy-ugoy sa isang tumba-tumba 5. “Bakit hanggang ngayon ay wala pa ang iyong kaibigan?” tanong ni Lola Sepa kay Dodie. 6. Isang marahang iling at pagkibit ng mga balikat ang isinagot ni Dodie sa nuno. Ayaw niyang magsalita ng kahit ano laban dito. Buo ang kanyang pagtitiwala kay Chito. 7. “Ang panloloko at pagsisinungaling ay hindi niya gagawin,” sabi niya sa sarili. 8. Kinabukasan ay nagkita sila ni Susan. Halos mapaupo si Dodie sa kinatatayuan nang marinig ang balita ni Susan. Si Chito pala ay biglang nadala sa ospital. Nabagsakan ang mga paa nito ng mga batong nagbuhat sa kanilang gumuhong pader. Isinimento ng doktor ang dalawang paa at hindi pa pinapayagang makakilos man lamang.

10 9. Ikinuwento ni Dodie sa kanyang lola ang nangyari sa bagong kaibigan
9. Ikinuwento ni Dodie sa kanyang lola ang nangyari sa bagong kaibigan. Pati ang pagdalaw nila ni Susan at hindi pagpapaalam sa nuno ay kanya na ring binaggit. Wala siyang inilihim sa matandang nagpalaki sa kanya. 10. “Lola hindi po pala ako nagkamali ng pagkakilala sa aking bagong kaibigan. Wala po siyang kasalanan sa hindi niya pagdating dito kahapon, para ako ay sunduin.” 11. “Mabuti naman at naiintindihan mo ang lahat. Alam mo bang ang pangyayaring tulad niyan ay isa lamang sa iba pang mga pangyayaring susubok sa tibay ng inyong pagkakaibigan? Kung kayo ay kapwa may tiwala sa isa’t isa, walang sinuman at anumang bagay dito sa mundo ang makakasira sa inyong magandang pagsasamahan.” 12. Nagbinata at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya sina Dodie at Chito ay magkaibigan parin sila. Habang tumatagal ay lalo pang nagkakalapit pati ang kanilang mga anak. 13. Ang malawak na karagatang naghihiwalay sa kanilang mga lalawigang pinaninirahan ay hindi naging sagabal sa madalas nilang pagsusulatan at pagtatawagan sa telepono. Talagang sila ay tunay na magkaibigan.

11 SAGUTIN: Ano ang dahilan at hindi nasundo ni Chito si Dodie? Ano ang balak ni Dodie kung sakaling dumating sa kanila si Chito? Sino ang nagbalita kay Dodie tungkol sa sakunang nangyari kay Chito? Sino sa iyong mga kaibigan ang sa palagay mo ay tapat na kaibigan? Bakit? Mabuti ka rin bang kaibigan? Patunayan mo. Maglahad ng isang pangyayaring makapagpapatunay sa iyong sagot.

12 PAKSANG PANGUNGUSAP Alinmang kwento ay binubuo ng mga talatang may paksang magkakaugnay. Bawat talataan ay may tinatawag na paksang pangungusap. Maaari itong matagpuan sa unahan, gitna o huling talataan.

13 Si Monico Florentino ay editor ng pahayagang pampaaralan ng Paaralang Elementarya ng Bagong Ilog. Siya ang naatasang kumapanayam kay Rodel Hernandez, ang kampeon na manlalaro ng sepak takraw. Bago kinapanayam ni Monico si Rodel binati muna niya ito dahil sa pagkapanalo sa larong sepak takraw. Ang sepak takraw ay isang laro na binubuo ng dalawang koponang magkatunggali. Ang bawat koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro. May sariling posisyon ang bawat manlalaro. Upang makagawa ng puntos, kailangang mpabagsak ang bola sa lapag ng kabilang panig. Labinlimang puntos lamang ang kailangan para manalo.

14 Tekong at apit kiri ang tawag sa mga manlalaro ng sepak takraw
Tekong at apit kiri ang tawag sa mga manlalaro ng sepak takraw. Tekong ang tawag sa manlalarong nagseserbisyo ng bola. Nasa kabilang panig ng “court” ang apit kiri o manlalarong tagahagis sa tekong sa kaliwang panig. Kapag ang kanang paa ang ginamit ng tekong sa pagseserbisyo, ang apit kiri naman sa kanang panig ang tagahagis ng bola.

15 Sabihin ang paksang pangungusap sa mga sumusunod na talata:
1. Sa kasamaang palad ay nagkasakit si pabling dahil sa pagod at sunud-sunod na puyat sa gabi. Ang sabi ng manggagamot ay kailangan muna niyang magpahinga. Kailangan din niya ang gamot at masusustansyang pagkain para gumaling kaagad. 2. Maraming tanim sa paligid ng aming paaralan maraming mga puno at halamang namumulaklak marami ring mga gulay. Talagang maganda an gaming paaralan. Palagi pa itong malinis.

16 Isulat ang paksang pangungusap ng mga sumusunod na talata.
1. Sa wakas, nakipaglaro na sa amin si Liezel. Unti-unti na rin siyang nag kwento tungkol sa kanyang pamilya. Paminsan-minsan ay napapahalakhak pa nga ng malakas. Hindi naman pala mahiyain ang kapatid na bunso nitong si jomar. Paksang pangungusap: __________________________ 2. Magandang huwarang bata si Belinda Buenaflor. Kahit na nakakariwasa sa buhay ay lumalaki siyang mabait, magalang at makadiyos. Paksang Pangungusap: __________________________

17 3. Sa iyong pag-aaral, nangangailanagan ka ng iba-ibang aklat na mapagkukunan ng mga impormasyon. Dahil dito, dapat mong malaman ang mga uri ng aklat na nagbibigay ng mga kinakailangang kaalaman. Narito ang ilan sa mga aklat na matatagpuan sa aklatan: ensayklopidya, diksyunaryo, mga panlibang na babasahin, at mga magasin at peryodiko. Paksang Pangungusap: __________________________

18 GAWAING-BAHAY Hanapin ang pamaksang pangungusap sa mga kasunod na talataan ng seleksyon sa ibaba. BAGONG ISKEDYUL NG ENCHANTED KINGDOM Ang Enchanted Kingdom, ang kauna-unahang world-class theme park sa bansa, ay may bagong iskedyul ngayons summer, 1999. Simula Hulyo 1 sa taong ito, ang theme park ay magbubukas simula ika-2 ng hapon hanggang ika-9 ng gabi, tuwing Lunes hanggang Huwebes. Mag-uumpisa naman ng ika-10 ng umaga hanggang ika-12 ng hatinggabi tuwing Biyernes at Sabado at ika-10 ng umaga hanggang ika-10 ng gabi, tuwing Linggo at holidays. Ang ilan sa mga atraksyon ng Enchanted Kingdom ay kinabibilangan ng Space Shuttle, Jungle Log Jam, Condor, Anchor’s Away, Grand Carousel, at Up, Up, Up and Away. Ang Enchanted Kingdom ay matatagpuan sa Sta. Rosa, Laguna, ilang kilometro ang layo mula sa Maynila. May mga shuttle bus sa Ayala Bus Terminal papuntang Enchanted Kingdom.

19 Inihanda ni: Gng. Liezel T. Espares


Download ppt "Filipino PAKSANG PANGUNGUSAP."

Similar presentations


Ads by Google