Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Ang Pagpapahalaga at Pagsulat ng Tula

Similar presentations


Presentation on theme: "Ang Pagpapahalaga at Pagsulat ng Tula"— Presentation transcript:

1 Ang Pagpapahalaga at Pagsulat ng Tula
Inihanda ni Eugene Y. Evasco, Ph.D. Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

2 Mga Layunin ng Talakay Mapaunlad ang mga batayang kaalaman sa tulang tradisyonal at tula sa malayang taludturan Maipakilala ang mga mahahalagang elementong bumubuo sa isang tula Maipaunawa ang mga paraan sa pagsulat ng tula Malinang ang kakayahang basahin at unawain ang mga tula bilang teksto Makapaglatag ng mga suhestiyon kung paano ituturo ang pagbasa at pagsulat ng tula

3 Ilang Usisa sa Tula Para sa akin, ang tula ay …
Ang pag-aaral at pagtuturo ng tula ay … Sana, ang tula ay …

4 Makalumang pagtuturo ng tula?
Pagbatid sa aral o sa “moral lesson” ng teksto Binabatid ang kahulugan ng mabibigat na salita Ginagamit sa values education ang tula Pinapamemorya ang tula sa mag-aaral Binabatid ang talambuhay ang awtor Pinag-uusapan ang pinapaksa ng tula hanggang sa hindi na matalakay ang tula bilang teksto

5 Ano ang kadalasang impresyon sa tula?
Malalim Mahirap basahin Matalinghaga Gumagamit ng lumang wika May sukat at tugma Nakababagot at nakakatakot Malabo Palaisipan Kailangan ng diksiyonaryo habang binabasa

6 Mga Batayang Depinisyon
Panitikan—isang uri sining na maaaring nakalimbag, naklathala, isinasadula o itinatanghal na malikhaing ipinapahayag ang saloobin at mensahe ng isang awtor Malikhain—gumagamit ng mas espesyal na pamamaraan ng pagpapahayag ng mensahe; kapag sinabing espesyal, ito’y may estilo, di karaniwan, musikal, at nagsusumikap na maging naiiba sa karaniwan; gumagawa ng mayroon mula sa wala

7 Teksto—Sa lumang depinisyon, ito’y isang aklat o anumang nakalimbag at nakasulat na bagay. Sa bagong depinisyon, ang teksto ay ang anumang makikita na maaaring mabasa o masuri. Halimbawa ng teksto ay: pananamit, dekorasyon sa jeep, gusali, pelikula, postcard, painting

8 Konteksto—ang diskurso o mga pangyayaring nakapaligid at nakakaimpluwensiya sa paglikha ng isang teksto. Halimbawa nito ay ang personal o sikolohikal, panlipunan o sosyolohikal, historikal, at panglinggwistika. Subteksto—ang lihim o nakatagong mensahe sa loob ng isang teksto. Interteksto—ang ugnayan ng isang teksto sa uniberso ng mga teksto.

9 Pagsasanay sa Pagbabasa ng Teksto
Ang bahay ni Ka Tale Haligi’y bali-bali Ang bubong ay kawali Ang loob ay pusali Gabay na tanong: Anong uri ito ng teksto? Ilarawan ang teksto. Malikhain ba ito? Bakit?

10 May tugma ba ito. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
May tugma ba ito? Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Panitikan ba ito? Anong anyo ito ng panitikan? Bakit kaya ito isinulat o nilikha? Ano ang pahiwatig ng bahay, haligi, bubong, at loob? Ano ang sinasabi ng pusali? Ano ang pangkasaysayang konteksto nito? Paano ito maiuugnay sa “Bahay Kubo”?

11 Depinisyon ng Tula Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagbibigay ng natatanging diin o pokus sa pagpapahayag ng damdamin at ideya na may kakaibang estilo at ritmo.

12 Halaga ng Tula sa mga Bata
Hinahayaan ng tula na humalakhak at maglaro ang mga bata. Dahil dito, sila’y nagiging malikhain at palaisip. Naipapakilala ng tula ang anyo ng kuwento. Naipapakilala ng epiko ang mga elemento ng eksena, tauhan, at aksiyon. May naihahatid na aral, konsepto, at mensahe ang tula. Nagbabahagi ito ng damdamin at karanasan sa bumabasa. Napapalawak ang imahinasyon ng bata.

13 Mga Uri ng Tula Tulang Pasalaysay (narrative poetry)
Isinusulat ang tulang pasalaysay para magkuwento o maglahad ng maikling pangyayari, maglarawan ng isang sitwasyon, o ibahagi ang isang tanging karanasan sa mambabasa. Maaaring maikli ang tulang ito o maaaring mahabagaya ng epiko at pasyon.

14 Halimbawa ng Tulang Pasalaysay
Ako ay may lobo lumipad sa langit ‘di ko na nakita pumutok na pala sayang ang pera ko pambili ng lobo sa pagkain sana nabusog pa ako

15 Ang Payak na Tulang Naratibo
Ako ay nagtanim,
kapirasong luya,
tumubo ay gabi,
namunga ng mangga;
nang aking pitasin,
hinog na papaya;
bumagsak sa lupa—
magandang dalaga!

16 Ang Tulang Liriko Tulang liriko (lyric poetry)—Ito ay nalilikha tulad ng pagbubuo ng isang larawan. Tila ito pagkuha ng larawan o pagpipinta ng mga partikular na imahen. Ang tulang lirikal ay personal na pahayag ng makata bilang tugon sa isang paksa, pangyayari, o larawan. Hindi ito nagkukuwento kundi nagpapahayag ng pakiramdam sa isang tiyak na sandali. Nakatuon ang tagumpay ng tulang lirikal hindi sa daloy ng mga pangyayari kundi sa katangiang musikal ng wikang gamit ng makata. Halimbawa: haiku, tanaga, soneto, at konkretong tula (tula na ang mga taludtod ay nagpapahiwatig sa hugis ng bagay).

17 Tandaan: Ginagawang katangi-tangi ng lirikal na tula ang ordinaryo.

18 haiku ni Rogelio Mangahas
Sa lawa, bibi’y (5 pantig) payapa? Paa pala’y (7 pantig) sagwan nang sagwan. (5 pantig)

19 haiku Milyong paniki’y Niluluwal ng bundok. Hilot ng buwan? -R. Mangahas

20 ng haribo’y bubuksan— nahan ang gubat? -R. Mangahas Higanteng hawla
(haribon—lokal na pangalan ng monkey-eating eagle)

21 kasalit ng lagari’y pula at itim. -R. Mangahas Hiyaw ng kalaw
(kalaw—lokal na pangalan ng ibong hornbill)

22 pagkadasal, sinakmal mo’ng paruparo? -R. Mangahas Sambasamba, ba’y
(sambasamba—lokal na pangalan ng praying mantis)

23 Sa lawa, masdan, mukha nati’y nalukot nang walang ingay. -R. Mangahas

24 Ang Kongkretong Tula (Concrete Poetry o Calligram)
Ang kongkretong tula ay tulang nagpapahayag sa paksa o sa larawan ng teksto sa kongkreto at pisikal na paraan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng maingat na pagsasaayos ng taludtod at pagpili ng mga font sang-ayon sa hugis ng paksa o sabjek.

25 Halimbawa ng kongkretong tula

26 Halimbawa ng kongkretong tula

27 Halimbawa ng kongkretong tula

28 Halimbawa ng kongkretong tula

29 Kongkretong tula na may komentaryo sa kaligiran

30

31 Talinghaga at ang Kariktan ng Wika
Isa sa pinakamahalagang elemento ng tula ang talinghaga.Tinutukoy ng talinghaga ang tayutay o iba’t ibang gamit sa salita. Tila ito paglalaro sa potensiyal ng wika. Ito rin ang misteryo at metapora ng isang akda. Sang-ayon kay Almario, ang talinghaga ang “buod ng pagtula. Ito ang utka ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya at pagpili ng salita.”

32 Mga Uri ng Tayutay metapora—naghahalintulad sa dalawang bagay na walang pagkakatulad. (“Paru-paro ang iyong ngiti kaninang bukangliwayway.”) pagwawangki o simile—pagtutulad ng dalawang bagay sa pamamagitan ng mga pang-abay na kapara, tulad, kawangis, kagaya.

33 Halimbawa ng Pagwawangki
“(A)Lamat ng Alaala” Tulad ng salamin Ang (a)lamat ng alaala Binubuo ng bubog Bumubuo ng kutob Sumusugat sa gunita Sumasambulat ang hiwaga -- Will Ortiz

34 Mga Uri ng Tayutay Simbolo—anumang bagay, tao, sitwasyon, lunan, pangyayari na tumutukoy o kumakatawan sa ibang abstraktong bagay o obheto. Halimbawa: piyesta ay karangyaan; kalapating puti ay kapayapaan; libro at salamin ay katalinuhan; nagbabagang ningas ay nag-aalab na damdamin

35 Tandaan: ginagawang kongkreto ng simbolo ang abstraktong ideya
Bigyan ng simbolo ang mga abstraktong ideya: Kahirapan Dalamhati Bagong Pag-asa Romantikong pagmamahal Matinding gutom

36 Pagsasanay sa Pagbabasa ng Simbolo: “May Bagyo Ma’t May Rilim” (1605)
May bagyo ma't, may rilim
Ang ola'y, titiguisin,
Aco'y, magpipilit din:
Acquing paglalacbayin
Toloyin cong hanapin
Dios na ama namin.

37 Cun dati mang nabulag Aco'y, pasasalamat, Na ito ang liunag Dios ang nagpahayag Sa Padreng nagsiulat Nitong mabuting sulat. Naguiua ma't, nabagbag Daloyong matataas, Aco'y magsusumicad Babagohin ang lacas; Dito rin hahaguilap Timbulang icaligtas.

38 Cun lompo ma't, cun pilay Anong di icahacbang Naito ang aacay Magtuturo nang daan: Toncod ay inilaan Sucat pagcatibayan. Gabay na tanong: Sino ang sumulat ng tula? Ano ang motibo? Ano ang mga simbolong ginamit? Ano ang larawan ng katutubong di-Kristiyano? Ano ang pahiwatig nito sa mga binyagan?

39 Iugnay ang tulang “May Bagyo Ma’t May Rilim” sa banga ng Manunggul

40 Iba pang uri ng tayutay Personipikasyon—pagbibigay ng katangian ng isang tao sa isang bagay (“humahagulgol ang silid”; “umiindak ang mga puno sa pag-awit ng buwan”) Apostrope—pagtawag sa isang taong yumao o sa isang bagay na animo’y buhay Hyperbole—pagmamalabis ng isang pahayag na hindi dapat literal na intindihin (“napudpod na ang daliri ko sa kakatext”; “nagkaugat na ako sa paghihintay”; “puwede nang magtanim ng kamote”)

41 Ang Persona Ang persona ang nagsasalita sa loob ng tula o teksto.
Maaaring ang persona at ang makata ay iisa. Ngunit hindi laging iisa ang persona at makata. Maaaring babae ang persona ngunit lalaki naman ang makata. Maaaring daga o pusa ang persona, ngunit isang bata ang makata. Maaaring maging persona ang isang buhay na nilalang o kaya’y isang bagay na walang buhay.

42 Pagsasanay: Sumulat ng isang tula na mala-bugtong (na itinatago ang pagkakilanlan ng persona).
Sino ang persona ng tekstong ito? “Sana hindi na ako susukatin sa pamamagitan ng kanta. Sana hindi nahuhulog ang pagkatao ko tulad ng pagbagsak ng barya sa lata.” --Elyrah Salanga

43 Basahin bilang modelo ang tulang ito:
Pinto akong walang silid. Pinto ako tungo sa maraming mundo. Lumilitaw ang iba’t ibang pinto sa bawat pagbukas sa akin upang makalaya kayo sa apat na sulok. Paulit-ulit akong binubuksan upang makapaghatid sa maraming lunan— malayong nakaraan, malapit na hinaharap, bagong-tuklas na planeta, at lihim na paraiso. Nakatatak sa aking gulugod ang inyong pupuntahan; nakaukit sa aking balat at bawat himaymay ng aking laman ang aking manlilikha.

44 May matutuklasang mumunting hiyas
kapag ginalugad ako ng isang manlalakbay. Hindi ako nagsasara kaninuman, bagong silang man o nasa dapithapon na ng buhay. Makinis at malutong ako kapag bago; marupok at nagpupulbos naman kapag luma. Kaya akong ipaghele ng isang palad o kaya’y yapusin ng mga braso. Kasama ninyo ako sa pananaginip at pangangarap. Paulit-ulit akong dinadalaw ng mga umiibig sa rikit ng mga salita. Balang-araw, silang mga sumisinta ay lilikha ng mga sariling pinto mula sa maaabot ng kanilang haraya.

45 Ang Tugma at ang Sukat ng Tula
Hindi kailangan ng tugma para maging tula ang isang tula. Nabibilang ang sukat ng tula sa pantig ng bawat taludtod. Ang tradisyonal na tula ay may takdang sukat at tugma. Tradisyonal ito batay sa anyo o porma. Maaaring maging makabago ang tula batay sa nilalaman kahit na may takdang sukat at tugma.

46 Ang katutubong tula sa Pilipinas ay may sukat na pitong pantig (pipituhing pantig). Halimbawa nito ay ang tanaga at ang ambahan. Ang mga tula naman sa panahon ng kolonyalismo ay may sukat na 12 at 8. Tinatawag na awit ang may 12 pantig at korido ang may 8 pantig.

47 Magkatugma ba ang mga sumusunod?
“kamay” at “balabal” “asin” at “aliw” “pusit” at “gilagid” “balak” at “alitaptap” “sisiw” at “hilahil” “hinahon” at “bulutong”

48 Pagsasanay sa Tugmaan l, m, n, ng, w, r, y b, k,d, g, p, s, t

49 Halimbawa ng Tanaga Palay siyang matino Nang humangi’y yumuko Ngunit muling tumayo: Nagkabunga ng ginto! --Ildefonso Santos

50 Halimbawa ng Tanaga Isang pinggang sinangag, Isang latang tinapa, Isang sarting salabat, Isang buntunghininga. --Virgilio Almario

51 Halimbawa ng mga tula noong panahon ng kolonyalismong Kastila
“Florante at Laura” (awit) “Ibong Adarna” (korido) Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad sa bait at muni't sa hatol ay salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak. May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, cun marinig mong magcantá ang saquít mo'i, guiguinhaua. Sa Tabor na cabunducan ang siyang quinalalaguian, cahoy na hinahapunan Piedras Platas ang pangalan.

52 Ang Malayang Taludturan
Tinutukoy ng malayang taludturan ang isang tula na walang takdang sukat at tugma. Irregular ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Gayunpaman, ang malayang taludturan (free verse) ay dapat gumamit din ng mga tayutay gaya ng aliterasyon, internal rhyme, at pag-uulit para maging musikal ang tula.

53 Kilala si Alejandro Abadilla sa bisa ng tulang “Ako ang Daigdig” sa pagpapakilala ng malaya at modernong tula sa panitikang Filipino. Sinasabing ito ang panandang-bato ng modernismo sa panulaan. Kinikilala siyang Ama ng Modernong Panulaang Tagalog. Tinutukoy rin ng malayang taludturan ang malayang paggamit ng wika, malayang pagpili ng paksa, at mapagpalayang pananaw sa iba’t ibang isyu.

54 “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla
2. ako ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig ako ang malayang ako matapat sa sarili sa aking daigdig ng tula ang tula sa daigdig ako ang daigdig ng tula 1. ako ang daigdig ang tula ng tula ng daigdig ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako ang tula ng daigdig

55 iv. ako ang daigdig sa tula ng tula ang tula daigdig tula
iii. ako ang damdaming malaya ang larawang buhay ang buhay na walang-hanggan ang damdamin ang larawan damdamin larawan

56 “Sa Poetry” ni Rolando Tinio
Sa poetry, you let things take shape, 
Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig. 
You start siyempre with memories, 
'Yung medyo malagkit, kahit mais 
Na mais: love lost, dead dreams, 
Rotten silences, and all 
Manner of mourning basta't murder. 
Papatak 'yan sa papel, ano. Parang pait, 
Kakagat ang typewriter keys. 
You sit up like the mother of anxieties. 
Worried na worried hanggang magsalakip 
Ang odds and ends ng inamag mong pag-ibig. 
Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits. 
Pero sige ang pasada ng images 
Hanggang makuha perfectly ang trick.

57 At parang amateur magician kang bilib 
Sa sleight-of-hand na pinapraktis: 
Nagsilid ng hangin sa buslo, dumukot, 
By golly, see what you've got—
Bouquet of African daisies, 
Kabit-kabit na kerchief, 
Kung suwerte pa, a couple of pigeons, 
Huhulagpos, beblend sa katernong horizon, 
You can't say na kung saan hahapon.

58 Ang Larawan o Imahen sa Tula
Ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tula. Kung walang larawan o imahen, pumpon lamang ng salita ang isang teksto. Hindi lamang nito tinutukoy ang biswal o ang nakikitang aspekto ng isang tula. Sa halip, ginagamit ang limang pandama (biswal, pandinig, pang-amoy, panlasa, pakiramdam) para mabuo ang imahen.

59 Ang biswal na imahen sa bugtong
Ega taw, ega ramu-ramu, Magkasurat it C.D.O. (Tagbanwa) Hindi tao, hindi hayop Nagsusulat ng C, D, O.

60 ang biswal sa 3 bugtong Butones at butones Butones ng peregrino Hindi ito matatapos Hanggang bukas Maluwag na kapatagan Tinatamnam ng purong bulawan Sa gabi, ipinupunla ang mais Sa araw, nauubos. (bulawan—ginto)

61 Direktang Uri ng Imahen
Nabubuong larawan na likha ng mga salita ang una. Tatlong pulang lobo ay nakikitang larawan. Malambot na palad ay nahahawakang larawan. Umaalingawngaw na alulong ay naririnig na larawan. Bagong notebook ay pinagsanib na naaamoy at nasasalat na larawan. Naamoy naman na larawan ang binabalatang dalandan. Mga buhay na hito sa batya ay gumagalaw na imahen at nagpapakita ng kilos. Katas ng dayap ay nagpapahiwatig naman ng lasa.

62 Di-direktang Uri ng Imahen
________- “tila kidlat ang kanyang ngiti na umabot sa kabilang daigdig.” ________-“lumuluksong kabayo ang mga sanga ng kaimito” ________-“nagluluksong-baka ang kaligayahan at kalungkutan”

63 Ang Pagtula bilang Potograpiya
Sa paglikha ng mga larawan sa tula, dapat gamitin ang 5 pandama. Kung hindi ito magagawa, hindi magiging buo ang larawan sa isang negatibo. May parteng malabo, mapusyaw, o kaya’y madilim. Tandaan: sa paggamit ng mga pandama, nagiging poetiko ang teksto.

64 Pagsasanay: Paano nabubuo sa inyong isipan ang tulang “Tahimik” (1944) ni Gonzalo K. Flores?
tinitigan ng palabang buwan ang kuwago sa kalansay na kamay ng punong kapok

65 “Paksiw na Ayungin” ni Jose F. Lacaba
Ganito ang pagkain ng paksiw na ayungin: bunutin ang palikpik (para sa pusa iyan at ang matirang tinik), at ilapat sa labi ang ulo, at sipsipin ang mga matang dilat: pagkatapos ay mismong ang ulo ang sipsipin hanggang sa maubos ang katas nito. Saka mo umpisahan ang laman. Unti-unti lang, dahan- dahan, at simutin nang husto--kakaunti iyang ulam natin, mahirap humagilap ng ulam. Damihan mo ang kanin, paglawain sa sabaw. At huwag kang maangal. Payat man ang ayungin, pabigat din sa tiyan.

66 hitsura ng ayungin

67 Gabay na tanong tungo sa pag-unawa:
Ano ang hitsura ng ayungin? Ano ang lasa ng paksiw? Magbabago ba ang mensahe kapag gumamit ang makata ng ibang uri ng isda gaya ng salmon, tuna, o lapu-lapu? Ang ang lasa ng sinisimot at sinisipsip na ayungin? Ano ang pakiramdam sa daliri ng palikpik at tinik na ibinubukod para sa pusa? Ano ang pakiramdam ng hapunang maraming kanin at sabaw ngunit kulang sa ulam na protina? Gaano kahirap bagalan ang pagkain habang gutom na gutom ka?

68 Ang Tono ng Tula Ito ang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula. Maaring maging tono ay galit, pagkasuklam, kasiyahan, panunuligsa, sarkastiko, sentimental, nagpapatawa, at iba pa. Malaking salik sa tono ang diksiyon o ang pagpili ng mga salita. Makatutulong din sa paglikha ng tono ang pagpili ng larawan, talinghaga, at pananaw sa paksa.

69 Ano ang tono ng “Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos?
Marahang-marahang manaog ka, irog, at kata'y lalakad, 
Maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; 
Di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, 
Ang daliring garing at sakong na waring kinuyom na rosas.
Manunulay kata, habang maaga pa, sa mga pilapil 
Na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; 
Patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, 
Nguni't walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin.
Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nangingimi, 
Gaganyakin kita sa nangaroroong mga lamang-lati; 
Doon ay may tahong, talaba't halaang kabigha-bighani- 
Hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapithapon, kata'y magbabalik sa pinanggalingan, 
Sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw. 
Talagang ganoon: sa dagat man, irog, ng pagmamahalan, 
Lahat, pati puso, ay naaagnas ding marahang-marahan.

70 Pagkilala sa Tono Sino ang persona?
Sino ang kausap ng persona? Ilarawan ang kanyang pisikal na kaanyuan. Ano ang pokus ng persona sa katawan ng kausap? Kailan at saan nagaganap ang pangyayari sa tula? Ano ang pahiwatig nito? Ano ang ginawa nila sa lunan? Ano ang pahiwatig nito? Ano ang namamayaning pakiramdam? Pansinin ang huling apat na taludtod. Ano ang realisasyon ng persona? Ano ang namamayaning larawan sa huling bahagi? Nagbago ba ang tono ng buong tula?

71 Pagsusuri ng 2 tula sa textbook
Halinang Maglaro Sa paglalaro ating tandaan, Dapat tayong maging mahinahon Isaisip ng bawat manlalaro Ang paglalaro’y isang kasiyahan. May natatalo’t may nagwawagi Sa mga larong ikaw ay kasali Halina at maglarong mabuti Tandaan lamang—wastong ugali.

72 Maging Malusog Maging malusog, katawa’y ingatan Upang mga sakit iyong maiwasan Kalusugang angkin, isang kayamanan Di makakatumbas ang kahit anuman. Upang manatili iyong kalusugan Lagi nang kainin ang sariwang gulay Sitaw, kalabasa, upo at malunggay Iba pang gulaying pandugtong ng buhay.

73 Pagsasanay: Math Haiku
Ito ay pag-uugnay ng tula sa konsepto ng matematika Halimbawa: hawla dagat ÷ bagyo = mga alon − ibon puno ng niyog × hangin = lumpiang ubod palay mais ipa 4 mais + 2 sisiw = 2 bundat na sisiw ilog sa daan Setyembre = ¾ Pasko parada ng mga payong Pasko = puto-bumbong + bibingka + parol + ulilang sampayan tag-ulan

74 Halimbawa ng Math Haiku

75

76 Mga malikhaing gawain kaugnay sa tula
Lapatan ng musika ang isang tula. Maaring ipakanta sa saliw ng gitara. O kaya’y ipa-rap na kagigiliwan ng mga kabataan. Magparinig ng mga popular na awitin sa klase. Tukuyin ang gamit ng mga tayutay sa mga awiting ito. Sumulat ng limang modernong bugtong na ang mga bagay na pinahuhulaan ay mga makabagong gamit dulot ng teknolohiya tulad ng kompyuter, automated teller machine, CD-ROM, cellular phone, website, Internet, atbp. Lumikha ng isang panalangin sa anyo ng isang tula. Maaaring may humor ang panalangin gaya halimbawa ng panalangin ng isang kuting o inakay.

77 Magbasa ng isang pahayagan at pumili ng makabuluhang paksa batay sa balita o lathalain para maging lunsaran sa pagsusulat ng tula. Mangalap ng isang larawan mula sa photo album ng inyong pamilya at lumikha ng tula ukol sa larawang iyon. Sumulat ng tula bilang parangal sa inyong ina, ama, kasintahan, o sinumang kamag-anak. Gumawa ng greeting card at ang tula ang magiging laman nito. Maghanda ng isang tanaga o maikling tula na nagpapatungkol sa napapanahong usapin sa lipunan. Itext ito sa mga kakilala. Sumulat ng tula gamit ang sangkap ng personipikasyon. Pumunta sa isang eksibit ng mga larawan o sa isang art gallery. Sumulat ng isang tula batay sa isang sining biswal na napili. (ekphrasis)

78 Paglalagom: Makabuluhang Paraan ng Pagtuturo ng Tula
Iugnay ang tula sa ibang asignatura tulad ng matematika, siyensiya, musika, sining-biswal. Hayaang sumulat ang mga batang mag-aaral ng kanilang mga tula para higit nilang maintindihan ang mga elementong bumubuo dito. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang elemento ng tula at hindi lamang ang aral ng teksto.

79 Huwag lamang umasa sa textbook bilang pagkukunan ng mainam na tula.
Saliksikin ang yaman ng panitikang-bayan gaya ng bugtong, tanaga, ambahan, awiting-bayan para ipakilala sa mag-aaral ang sariling panulaan. Maaaring sumulat ng sariling tula para ipaunawa sa mga mag-aaaral. Huwag katakutan ang tula. Hindi ito malalim na kailangang sisirin.

80 Pumili ng mga makabuluhang tula para sa bata
Pumili ng mga makabuluhang tula para sa bata. Iwasan ang mga tulang lantarang nangangaral o didaktiko. Isakonteksto ang tula. Tuklasin ang historikal at panlipunang konteksto ng pagkakalikha nito. Iugnay ang tula (interteksto) sa iba pang mga teksto gaya ng musika, iskultura, sining-biswal. Nasa paligid lamang ang tula, hayaan itong tuklasin ng kapwa guro at mag-aaral.

81 Pamantayan ng Mahusay na Tula
Nagpapamalas ng imahinasyon. May malinaw na persona. May malinis na taludtod. Makabago o sariwa ang gamit ng wika at anyo. May matalas na pandama at malinaw na imahen (larawan). May epekto o ugnayan sa damdamin ng mambabasa.

82 Workshop sa Pagsulat ng Tula
Pagsulat ng 5 math haiku Pagsulat ng isang haiku Pagsulat ng makabagong bugtong Pagsulat ng isang tanaga bilang paggunita sa Pasko o Bagong Taon


Download ppt "Ang Pagpapahalaga at Pagsulat ng Tula"

Similar presentations


Ads by Google