Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…

Similar presentations


Presentation on theme: "Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…"— Presentation transcript:

1 Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…
Panonood ng Video Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…

2 PAGSAGOT SA ILANG TANONG

3 Batay sa mga larawan, ano ang ibig sabihin ng salitang PANATA?
Paano nakatutulong ang pagbibigay ng PANATA ng isang indibidwal sa kanyang buhay?

4 PANATANG MAKABAYAN Iniibig ko ang Pilipinas, Aking lupang sinilangan, Tahanan ng aking lahi, Kinukupkop ako at tinutulungan  Maging malakas, masipag at marangal.  Dahil mahal ko ang Pilipinas,  Diringgin ko ang payo Ng aking magulang, Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,  Tutuparin ko ang tungkulin Ng mamamayang makabayan:  Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal  Ng buong katapatan Iaalay ko ang aking buhay, Pangarap, pagsisikap Sa bansang Pilipinas

5 Magbigay ng bahagi o linya sa tula na iyong tingin ay kailangan ipaalala sa mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan? Bakit iyon ang iyong napili? Ipaliwanag. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magbawas o magdagdag ng linya sa tula? Ano ito? At bakit?

6 Katulad sa nobela, ipinakita rin ni Rizal na bawat tao ay may tungkulin sa kanyang bayan tulad na lang nila… Paano natin mabibigyan ng solusyon ang mga suliranin sa panahon nila na maaaring suliranin pa rin ngayon?

7 1. Paano makapaglilingkod sa bayan na hindi iniisip ang sarili kundi ang kapakanan ng bayan?
2. Bakit may mga taong nabibigyan ng posisyon sa pamahalaan kahit wala namang kakayahan na gawin ang tungkuling iniatang sa kanila? MAHAHALAGANG TANONG 4. Bakit kailangang maging makatotohanan at matapat ang isang mamamahayag sa pagbabalita? 3.

8 Sa gagawing PANUKALANG PROYEKTO, isaalang-alang ang sumusunod:
Ikaw ba ay isang : Negosyante DedEd Secretary Kongresista Tourist Guide SK Chairman Environmental Engineer Batikang Mamamahayag Volunteer Student Council Empleyado ng Kompanya

9 “AKSYON-REAKSYON” ( Action Proposal)
PAMAGAT ng PROYEKTO INTRODUKSYON ( Maikling paglalahad ng panukalang- proyekto – 5-8 pangungusap) 1. Tungkol saan ang nilalaman ng iyong panukala? 2. Anong isyung panlipunan ang tatalakayin sa iyong proyekto? 3. Bakit ito ang napili mong gawin/ panukala? Gaano ito kahalaga para sa iyo at sa lipunang ginagalawan mo? III. LAYUNIN 1. Ano ang layunin/ hangarin ng iyong PANUKALANG-AKSYON? (Magbigay ng dalawa hanggang tatlong layunin)

10 IV. PAMAMARAAN 1. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng naisip na panukalang-aksyon. V. LOGO 1. Ang gagawing LOGO ang magiging representasyon ng panukalang-aksyon. Ito ang magsisilbing simbolo ng kahalagahan ng panukalang-aksyon. VI. REFLEKSYON 1. Ilahad ang iyong sariling refleksyon galing sa karanasan sa pagbuo ng panukalang-aksyon. ( 5-8 pangungusap ) VII. REFERENS / Mga naging SANGGUNIAN 1. Ilahad dito ang mga babasahin , site , pangyayari , o mga taong naging gabay/ inspirasyon sa pagbuo ng panukalang-aksyon bilang proyekto sa FILIPINO III- TERMINO 2

11 RUBRIK SA PAGBUO NG PANUKALANG-AKSYON
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN NG PAGSASANAY Produkto/LOGO Kahangahanga ang orihinalidad na konsepto ng logo na ginawa kaya nga’t malinaw na nabigyang interpretasyon ang proyektong nais na ilunsad. Bawat detalye at kulay ay mayroong makabuluhang kahulugan. 4 Malinaw na naipakita ang orihinalidad na konsepto ng logo kaya’t mabigyang interpretasyon ang proyektong ginawa. Bawat detalye at kulay ay mayroong makabuluhang kahulugan. 3 Hindi masyadong kinakitaan ng orihinalidad ang nabuong konsepto ng logo. May ilan sa mga detalye nito lamang ang naging makabuluhan kaya’t di- gaanong nabigyang interpretasyon ang logo. 2 Hindi kinakitaan ng orihinalidad ang konsepto ng logo na nabuo. Maraming detalye ang hindi naipaliwanag at hindi naging makabuluhan. 1   Nilalaman at Organisasyon ng Action Proposal Malinaw naipaliwanag at naisa- isa nang napakahusay ang bawat proseso, detalye at bahagi ng impormasyon ng Action Proposal gayundin bawat tamang hakbang sa pagbuo o pagsasagawa nito. Naipaliwanag at naisa-isa ng mahusay ang bawat proseso, detalye at bahagi ng impormasyon ng binuong Action Proposal gayundin ang bawat tamang hakbang sa pagbuo o pagsasagawa nito. Naipaliwanag at naisa-isa ang bawat proseso, detalye at bahagi ng impormasyon ng binuong Action Proposal gayundin ang bawat hakbang sa pagbuo o pagsasagawa nito. Hindi gaanong naipaliwanag at naisa- isa ang bawat proseso, detalye at bahagi ng impormasyon ng binuong Action Proposal gayundin ang bawat hakbang sa pagbuo o pagsasagawa nito. Pagiging Makatotohanan ng Action Proposal Naglalaman ng mga makatotohanan at makabuluhang isyu sa kasalukuyan gayundin ang kaangkupan ng mga posibleng solusyon o hakbang na gagamitin sa pagbuo ng action proposal. Naglalaman ng mga makatotohanang isyu sa kasalukuyan gayundin ang kaangkupan ng mga posibleng solusyon o hakbang na gagamitin sa pagbuo ng action proposal. Naglalaman ng mga bahagyang makatotohanan at makabuluhang isyu sa kasalukuyan. Bahagya rin ang kaangkupan ng mga iminungkahing posibleng solusyon o hakbang na gagamitin sa pagbuo ng action proposal. Hindi naglalaman ng mga makatotohanan at makabuluhang isyu sa kasalukuyan . Hindi rin angkop ang mga iminungkahing posibleng solusyon o hakbang na gagamitin sa pagbuo ng action proposal.  Gramatika Kahangahanga ang paraan ng paglalahad ng bawat ideya sa pangungusap. Wasto ang paggamit ng Malaki at maliit na letra, paggamit ng bantas at paggamit ng angkop na salita sa bawat pahayag. Mahusay ang paraan ng paglalahad ng bawat ideya sa pangungusap. Wasto ang paggamit ng Malaki at maliit na letra, paggamit ng bantas at paggamit ng angkop na salita sa bawat pahayag. Bahagyang malinaw ang paraan ng paglalahad ng bawat ideya sa pangungusap. Maraming pagkakataon na di-wasto ang paggamit ng malaki at maliit na letra, paggamit ng bantas at paggamit ng angkop na salita sa bawat pahayag. Hindi malinaw ang paraan ng paglalahad ng bawat ideya sa pangungusap. Maraming pagkakataon na di-wasto ang paggamit ng malaki at maliit na letra, paggamit ng bantas at paggamit ng angkop na salita sa bawat pahayag.

12 PAMAGAT: “ KATAPATAN tungo sa malinis na LIPUNAN: Pagtitipon ng mga kabataang lider ng lipunan” ( Isang symposium ) II. INTRODUKSYON Ang proyekto ay tungkol sa isang programang (symposium) na maglalahad kahalagahan ng KATAPATAN sa lipunang ginagalawan. Sasagutin sa programa ang isyung panlipunan sa katapatan ng pamumuno. Ito ang napili kong gawing proyekto dahil naging inspirasyon ko ang survey nina Barry Posner at James Kouzes na “ Characteristics of Admired Leaders”. Sa survey na ito, 87 % (walumpu’t pitong bahagdan) ay nakuha ng KATAPATAN ( Honesty ) bilang pinakamataas na porsyento na gusto ng mga tao na katangian ng kanilang pinuno. Bilang isang Moderator at Guro, nagbukas ito sa aking pananaw na hindi lamang popularidad at mga nagawa ng isang tao ang magiging dahilan upang iluklok sa katungkulan ang isang lider ng lipunan kundi kung gaano KATAPAT ang isang tao sa LAHAT ng kanyang gagawin. Kailangang lubos na maunawaan ng mga kabataan ang tunay na halaga ng KATAPATAN sa araw-araw na buhay.

13 III. LAYUNIN 1. Masagot ang mahalagang tanong bilang 2 : Bakit may mga taong nabibigyan ng posisyon sa pamahalaan kahit wala namang kakayahan na gawin ang tungkuling iniatang sa kanila? sa pamamagitan ng mabubuong programa/ symposium. 2. Maibahagi sa mga lider / kabataang mag-aaral ang kahalagahan ng KATAPATAN sa pang-araw-araw na gawain.

14 IV. PAMAMARAAN 1. Magsaliksik sa mga kasagutan sa piniling mahalagang tanong. Bumuo ng komite upang tumulong at magsagawa ng pagsasakatuparan ng proyekto. Bumuo ng mga layunin upang masagot ang mahalagang tanong at makabuo ng mga PAKSA kaugnay ng proyekto/programa. Gumawa ng program flow ng gagawing symposium. 5. Magsaliksik ng mga kilala at mapagkakatiwalang Speakers. Gumawa ng liham upang maimbitahan ang mga napiling Speakers. Kapag naaprubahan na ng kinauukulan at nakuha ang “Oo” ng mga Speaker, humanap ng lugar na pagdarausan ng symposium, takdang araw at oras. 8. Gumawa ng mga poster at imbitasyon sa mga paaralan/ institusyon upang maipaalam ang isasagawang symposium. 9. Maging handa sa araw ng programa. 10. Gumawa ng ebalwasyon pagkatapos ng programa upang malaman ang naging pulso/komento ng mga nagsipagdalo sa isinagawang symposium.

15 simbolo ng kalinisan ng kalooban
PUSO: simbolo ng pag-ibig at pagpapahalaga sa pagkatao at dangal na ibabahagi sa kapwa Kulay Puti – simbolo ng kalinisan ng kalooban Kumikislap na Bituin -simbolo ng isang TAPAT na lider/mamamayanan na magsisilbing mabuting halimbawa para sa bayan. V. LOGO:

16 VI. REFLEKSYON: (Ilahad ang iyong sariling refleksyon galing sa karanasan sa pagbuo ng panukalang-aksyon. ( 5-8 pangungusap ) VII. REFERENS / Mga naging SANGGUNIAN (Ilahad dito ang mga babasahin , site , pangyayari , o mga taong naging gabay/ inspirasyon sa pagbuo ng panukalang-aksyon bilang proyekto sa FILIPINO III- TERMINO 2)

17 PAALALA: I-print sa short-bond paper ang PROYEKTO
2. ARIAL – 11 – 1.5 spacing (at least ) 2 pahina lamang ( sa ikalawang pahina ang LOGO ) Mag-print ng dalawang kopya ( isa para sa sarili, isa para sa guro ) Maghanda para paglalahad simula Martes, sa susunod na Linggo. Ang paglalahad (oral na presentasyon) ng PROYEKTO ay indibidwal. Limang(5) minuto bawat mag-aaral. Gumamit ng powerpoint o gabay na visual para sa presentasyon. Ang pagkakasunud-sunod ng presentasyon ay alphabetical order ( JB - JE) . 9. Magkakaroon ng rubrik para sa output at isa pang rubrik sa pasalita(oral) na presentasyon.


Download ppt "Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…"

Similar presentations


Ads by Google