Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA

Similar presentations


Presentation on theme: "MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA"— Presentation transcript:

1 MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA
Liksyon 2 para sa ika-13 ng Octobre, 2018

2 Pangangailangan ng pagsunod. Paggawa ng anong gusto ko.
Nais ng Dios na magkaisa ang Kanyang bayan. Ang pagsunod sa kalooban ng Dios ay kailangan sa pagkakaroon ng pagkakaisa. Kung tayo’y nagkakaisa, mapupuno ng kaligayahan at paglago ang Iglesia at maipapangaral ng may kapangyarihan ang ebanghelyo. Sa kasawiang-palad, hindi naging lagging mabuting halimbawa ang bayan ng Dios. Kaya, kailangan nating pag-aralan ang kasaysayan ng bayan ng Dios, upang matuto tayo sa kanilang mga mali at magkaisa ngayon. Ang bayan ng Israel. Pangangailangan ng pagsunod. Paggawa ng anong gusto ko. Pangangailangan ng karunungan. Ang Kristianong Iglesia. Pagtatangi. Pagkamakasarili.

3 PANGANGAILANGAN NG PAGSUNOD
“At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.” (Deut. 28:2) Nagbigay ang Dios ng malinaw ng kondisyon sa pagpasok ng Israel sa Lupang Pangako: Pagsunod sa Dios Pagsuway Kasaganaan at kapayapaan (Dt. 28:1-14) Labanan at digmaan (Dt. 28:15-68) Makikita natin ang ganitong disenyo sa kasaysayan ng Israel. Sa kasawiangpalad, mas madalas ang pagsuway kaysa pagsunod. Ganunman, ang Dios ay palaging nasa tabi nila. Nagpadala Siya ng mga propeta upang tawagan silang magsisi dahil mahal Niya ang Kanyang bayan (Jeremias 3:14- 15; 31:3). Nais ng Dios na maging sagana, nagkakaisa at malusog ang Kanyang bayan. Magagawa Niya iyon kung mabubuhay tayo sa pananampalataya at pagsunod.

4 “Kung lalapit ka kay Hesus at naising damitan ang iyong gawain ng maayos na buhay at makadios na pananalita, maiingatan ang iyong mga paa sa paglakad sa ipinagbabawal na mga daan. Kung tanging magbabantay ka, at magbabantay sa pananalangin, kung gagawin mo ang lahat na parang nasa harapan ka ng Dios, maliligtas ka sa pagkatalo sa tukso, at makakaasang maging dalisay, walang dungis, walang bahid hanggang sa huli. Kung pananatiliin mong matibay ang iyong tiwala hanggang sa huli, matatatag ang iyong mga lakad sa Dios; at kung anong sinimulan ng biyaya, kaluwalhatian ang ikokorona sa kaharian ng ating Dios.” E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 5, cp. 12, p. 148)

5 PAGGAWA NG ANONG GUSTO KO
“Nang mga araw na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.” (Hukom 21:25) Sinunod ng mga Israelita ang sarili nilang gusto at sinuway ang utos ng Dios. Gumawa sila ng dalawang malaking pagkakamali: Naglingkod sila sa ibang mga dios (Hukom 2:11-13) Nag-asawa sila ng mga taga-Canaan (Hukom 3:5-7) Kusa silang lumayo sa proteksyon ng Dios. Naghirap ang Israel sa mga digmaan at matinding kasalanan bunga ng kanilang mga desisyon. Dagdag pa nito, hindi naunawaan ng mga Hentil ang tunay na katangian at batas ng Dios dahil sa maling halimbawa ng Israel. Nakakikilabot ang resulta kung gagawin ko ang anong gusto ko. Gumawa tayo ng matibay na desisyon na susundin natin ang kalooban ng Dios mula ngayon.

6 PANGANGAILANGAN NG KARUNUNGAN
“At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.” (1 Mga Hari 12:16) Bakit nahati sa dalawang kaharian ang Israel? Si Roboam, anak ni Solomon, ay naghanap ng karunungan sa maling lugar. Hindi niya pinakinggan ang mga hiling ng kanyang bayan at naging malupit siya. Saan ba tayo makakahanap ng karunungan para magkaroon ng tamang desisyon? Inaanyayahan tayo ng Bibilia na kumuha ng karunungan, at ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan (Kawiakaan 4:7; 9:10). Kailangan lang nating hingin ito: “Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.” (Santiago 1:5).

7 PAGTATANGI “Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.” (1 Corinto 1:10) Ako’y kay Apolo, dahil siya’y mahusay magsalita Ako’y kay Pablo, dahil nagsasalita siya tungkol sa biyaya Ako’y kay Cefas, siya’y nakasama ni Hesus Ako’y kay Kristo May pagkakabahagi sa iglesia sa Corinto: ang iba ay kay Pablo, ang iba ay kay Cefas, at ang iba ay kay Kristo. Ang kapatiran sa Corinto ay nakatuon ang mata sa mabubuting tao at kanilang mga gawa. Nagdudulot ito ng pagkakabahagi. Ang puso ng pagkakaisa ay si Kristo. Siya ang ating modelo at dapat sa Kanya nakatuon ang ating paningin. Kung tayong lahat ay titingin sa krus, nagkakaisa tayo sa parehong layunin.

8 PAGKAMAKASARILI “Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan.” (Gawa 20:29) Binalaan ni Pablo ang iglesia na may mga taong manggugulo upang samantalahin ang Iglesia. Laging merong huwad na mga guro, ngunit malalabanan natin ang kanilang gawa at mapapanatili ang pagkakaisa sa Iglesia. May magandang payo sa 2 Timoteo 2:14-19 at 3:12-17 upang hindi maligaw: Pag-aralan ang Biblia, unawain ito, at ituro ito. Iwasan ang mga walang kwenta at puro teoryang mga paksa. Magsalita tungkol sa kaotohanan. Sundin ang Dios.

9 “Ang gintong kadena ng pag-ibig, ang magbibigkis sa pagkakaisa ng mga puso ng mga mananampalataya, sa bigkis ng pagsasama at pag- ibig, at ng pakikiisa kay Kristo at sa Ama, upang maging sakdal ang ugnayan, at nagdadala sa sanlibutan ng patotoo ng kapangyarihan ng Kristianismo na hindi mapapabulaan... Sumunod ay ang pagkabunot ng pagkamakasarili at ang pagtataksil ay mawawala. Wala nang labanan at paghahati. Walang nang matigas ang ulo sa sinumang nabigkis kay Kristo.” E.G.W. (That I May Know Him, June 16)


Download ppt "MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA"

Similar presentations


Ads by Google