Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

ANG KARANASAN NG PAGKAKAKISA SA NAUNANG IGLESIA

Similar presentations


Presentation on theme: "ANG KARANASAN NG PAGKAKAKISA SA NAUNANG IGLESIA"— Presentation transcript:

1 ANG KARANASAN NG PAGKAKAKISA SA NAUNANG IGLESIA
Liksyon 5 para sa ika-3 ng Nobyembre, 2018

2 Ang naunang Iglesia ay malaking halimbawa ng pagkakaisa.
Paghahanda Ang gawain ng Banal na Espiritu Paggugol ng panahon na magkasama Pagiging mapagbigay Maalalahanin sa iba Ang naunang Iglesia ay malaking halimbawa ng pagkakaisa. Paano nila nakamit ang ganoong pagkakaisa? Maari ba tayong magkaroon ng kaparehong pagkakaisa sa Iglesia ngayon?

3 PAGHAHANDA “Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.” (Gawa 1:14) Bago umakyat sa langit, nangako si Jesus na darating ang Mang- aaliw. Gagawa Siya ng natatanging Gawain sa mga alagad ni Jesus: Ipapaalala Nya sa kanila ang mga itinuro ni Jesus (Juan 14:26) Magpapahayag Sya ng mga bagong katotohanan (Juan 16:13) Tutulongan Niya silang makapagpapatotoo sa buong mundo (Juan 1:8) Sampung araw silang naghanda para tanggapin ang kaloob: Nanalangin sila Inalala nila ang mga karanasan nilang kasama si Jesus Nagsisi at nagkumpisal sila ng kanilang mga kasalanan Hiniling nila ang Banal na Espiritu Isinantabi nila ang kanilang pagkakaiba Habang lumalapit sila kay Jesus, nagiging mas nagkakaisa sila

4 ANG GAWAIN NG BANAL NA ESPIRITU
“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako.” (Gawa 2:1) Ang fiesta ng Shavuot (mga linggo) o Pentecostes (ika-50 araw) ay dobleng pagdiriwang. Sa isang banda, pinagdiriwang nila ang pagbigay ng kautusan sa Bundok ng Sinai. Nagkatugma na ngayon ang pagsimula ng Israel at ng Iglesia. Ang Kautusan at Ebanghelyo ay nagtagpo. Sa kabilang banda, ito ay fiesta ng pagpapasalamat. Nagpapasalamat sila sa mga nagdaan at hinaharap na mga kaloob mula sa Dios. Inihahandog nila ang mga unang bunga ng ani. Tinipon ng Banal na Espiritu ang unang bunga (3,000 na kaluluwa) sa pagbibigay sa mga alagad ng kaloob ng mga wika ng mga taong nagtitipon sa Jerusalem. Ang iba’t-ibang wika ang nagpahiwalay sa Babel. At nasira ang paghihiwalay na iyon sa Pentecostes, upang ang lahat ay maging isa kay Kristo.

5 PAGGUGOL NG PANAHON NA MAGKASAMA
“At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.” (Gawa 2:42) Maraming mga tao ang nahikayat na magsisi nang marinig nila ang pagkabuhay na mag-uli ni Jesus at pagkaluwalhati. Napatawad ang kanilang mga kasalanan sa pangalan ni Jesus. Nagpasya silang gumugol ng panahon kasama ng Tagapagligtas mula noon: Panahon sa pag-aral ng Biblia Panahon sa pakikipag-usap sa isa’t-isa at matuto tungkol kay Jesus Panahon na kumaing magkasama Panahon na manalanging magkasama Ang pagtatalagang ito’y nagdala ng pagkakaisa sa Iglesia. Naging malakas na patotoo ito sa mga nagmamasid sa kanila (Gawa 2:43)

6 “Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: palibnasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili.” (Gawa 4:34) PAGIGING MAPAGBIGAY Ang pagkamapagbigay ay bunga ng kanilang pagkakaisa at kung paano nila minahal ang isa’t-isa. Lahat ng kanilang pag-aari ay binabahagi sa iba ayon sa kanilang pangangailangan. Halimbawa si Bernabe ng walang pag-iimbot na pagbibigay (Gawa 4:36-37) Sa kabaliktaran, hinayaan nina Ananias at Safira na mapuno ang kasakiman ang kanilang puso at nagsinungaling as Banal na Espiritu (Gawa 5:1-11) Ang kasakiman ay mapanganib na kasalanan na sumisira sa pagkakaisa. Natatago ito sa puso at hindi nakikita.

7 MAALALAHANIN SA IBA “Sapagka't minagaling ng Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.” (Roma 15:26) Ang panlaban sa pagiging makasarili ay ang pagtigil sa pag-iisip sasarili at pagsimulang mag-isip sa iba. Dapat nating hayaan ang Banal na Espiritung gawin ito sa ating mga puso. Pinaunlad ng unang Iglesia ang ugaling ito bilang patunay ng pagkakaisa ng mga mananampalataya. Hinimok ni Pablo ang mga Hentil na iglesia na tulungan ang mga nangangailangang iglesia sa Jerusalem, Paul encouraged the Gentile churches to help the needy church in Jerusalem, “Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios. (2 Corinto 9:11)

8 PAGKAKAISA SA NAUNANG IGLESIA
Anong mga sangkap ang nagpatibay ng pagkakaisa sa naunang Iglesia? Pananalangin Pagsamba Pakikipag-isa Pag-aaral ng Biblia Pangangaral ng Ebanghelyo Pag-ibig at pagkalinga 1 2 3 4 5 6 Ang kanilang pagkakaisa ay nagbunga ng pagbibigay at pagsuporta, sa loob ng iglesia at sa pagitan ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar.

9 “Pagkababa ng Banal na Espiritu ay nagsimulang magpahayag ang mga alagad patungkol sa nabuhay na Tagapagligtas, at may isang hangarin na magligtas ng kaluluwa. Nagalak sila sa tamis ng samahan ng mga banal. Sila ay magiliw, maalalahanin, walang pag- aalala sa sarili, handang magsakripisyo alang-alang sa katotohanan. Ipinakita nila ang pag-ibig na iniutos sa kanila ni Jesus sa pagsasama nila araw-araw. Sa pamamagitan ng mga salita at gawang hindi makasarili ay pinagsikapan nilang palaguin ang pag-ibig sa kanilang mga puso.” E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 8, cp. 38, p. 241)

10 E.G.W. (The Story of Redemption, cp. 32, p. 246)
“Itong patotoo tungkol sa pagkatatag ng Iglesiang Kristiano ay ibinigay hindi lang bilang bahagi ng kasaysayan ngunit isa ring liksyon. Lahat na naniniwala sa pangalan ni Cristo ay dapat maghintay, magbantay, at manalanging may iisang puso. Lahat ng pagkakaiba ay dapat iwaksi, at lumaganap nawa ang pag-ibig at pagkakaisa sa lahat. At ang ating mga panalangin ay paiilanlang sa ating Ama sa langit na may malakas at maalab na pananampalataya. At tayo ay makakapaghitay nang may pagtatyaga at pag- asa sa katuparan ng pangako.”


Download ppt "ANG KARANASAN NG PAGKAKAKISA SA NAUNANG IGLESIA"

Similar presentations


Ads by Google