Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Pagsasabog tanim Pagtatanim

Similar presentations


Presentation on theme: "Pagsasabog tanim Pagtatanim"— Presentation transcript:

1 Pagsasabog tanim Pagtatanim
Prerequisite to this module is knowledge on: methods of crop establishment, methods in seedling preparation, preparation of seeds for sowing and transplanting. Unang Bahagi: Pag-unawa sa Sistemang Palay Check

2 Direktang pagpupunla Sabog tanim Patudling na pagpupunla
malawakang ginagamit, maginhawa at mabilis mahirap magsagawa ng pagtatanggal ng damo sa pamamagitan ng kamay o mekanikal Patudling na pagpupunla kaiba sa sabog tanim, ito ay di karaniwang ginagamit mas kontrolado ang dami ng buto na isinasabog maaring gamitan ng kamay o mekanikal na paraan ang pagtatanggal ng damo

3 Direktang Pagpupunla Sabog-tanim Patudling na pagpupunla
Direktang pagsasabog ng binhi sa basang lupa (direct wet seeding) Direktang pagsasabog ng binhi sa tuyong lupa (dry direct seeding) Modified dry direct seeding Patudling na pagpupunla Pagpupunla gamit ang drum seeder

4 Sabog-tanim Direct wet seeded rice
Pumili ng uri ng palay na angkop para sa direktang pagsasabog-tanim sa basang lupa Ihandang mabuti ang bukid upang maunang lumaki ang punla bago pa ang mga damo. Ang mga damo ay mahigpit na kakumpitensya ng palay sa direct seeding dahil sila ay nakikipagsabayan ng paglago sa palay.

5 Sabog-tanim Direct wet seeded rice
Matapos maibabad ng 24 oras at makulob ng oras, pahanginan ang mga binhi upang matuyo bago ipunla. Magsabog tanim sa daming kilo kada ektarya. Sa panahon ng pagsasabog tanim, siguraduhing mamasa-masa ang bukid ngunit huwag hayaang nakalubog ito sa tubig sa mahabang panahon. Patubigan ang bukid pagkatapos magsabog upang maging mamasa-masa ang lupa.

6 Sabog-tanim Direct wet seeded rice
Gumamit ng pamatay damo 5-6 araw pagkasabog ng binhi. Para sa mas epektibong pamamahala, gumamit ng pre-emergence herbicides ayon sa payo ng mga manufacturer. Kung kinakailangan, bunutin ang mga damo araw pagkasabog-tanim para matanggal ang mga damo na hindi napatay sa unang paggamit ng pamatay damo. O di kaya, gumamit ng pamatay damo na angkop sumugpo sa mga damong nakasibol na.

7 Sabog-tanim Direct dry seeded rice
Ihandang mabuti ang bukid na tatamnan . Habang inihahanda ang lupa ay isaayos na ang mga dike upang makapag-ipon ng tubig sa mga pinitak. Matapos ihanda ang bukid, isabog kaagad ang mga binhi sa pamamagitan ng pagsasabog gamit ang drum seeder o gamit ang kamay. Takpan ng lupa ang mga isinabog na binhi sa pamamagitan ng pagsuyod.

8 Sabog-tanim Direct dry seeded rice
Kapag umulan pagkatapos magsabog-tanim, maglagay kaagad ng pamatay damo. Kung masyadong madamo ang bukid, ulitin ang paglalagay ng pamatay damo matapos ang susunod na ulan upang makasigurado na walang sumibol na damo. Gumamit ng ½ na dami ng nirekomendang dami ng abono DAS at gamitin ang natirang ½ sa DAS.

9 Sabog-tanim Modified Direct Dry Seeding
Pagkatapos anihin ang palay na panag-araw, ihanda kaagad ang lupa. Araruhin at suyurin. Hayaan na lumaki ang mga damo. Araruhin at muling suyurin.

10 Sabog-tanim Modified Direct Dry Seeding
Maglagay ng 10 bag ng organikong pataba, 28 kilos ng NPK sa huli/katapusang paghahanda ng lupa. Gumawa ng tudling o hanay sa distansya o agwat na 20 sentimetro (sm)

11 Sabog-tanim Modified Direct Dry Seeding
Maghanda ng kilo ng binhi na madaling umuhay o madaling anihin at matibay sa tuyong lupa tulad ng PSB Rc12 at Rc14. Ibabad ang mga binhi 8-12 oras at ikulob sa loob din ng 8-12 oras.

12 Sabog-tanim Modified Direct Dry Seeding
Isabog ang mga binhi kapag napunang namumuti na ang dulo ng butil ng binhi. Isabog ang pinatubong binhi kapag ang pagkabasa ng lupa ay halos 20 sentimetro ang lalim.

13 Sabog-tanim Modified Direct Dry Seeding
Takpan ng lupa ang mga isinabog na binhi sa pamamagitan ng pagpapasada/pagpapadaan ng kahoy. Sa paraang ito nahuhulog din ang mga binhi sa tudling.

14 Sabog-tanim Modified Direct Dry Seeding
Maglagay ng pamatay damo 1-2 araw matapos magsabog ng binhi. Siguraduhin na ang lupa ay basa. Ang pamamaraang ito ay gawin din sa lipat tanim kapag ang binhi ay sumibol na.

15 Direktang pagpupunla Sabog tanim Patudling na pagpupunla
Direktang pagsasabog ng binhi sa basang lupa Direktang pagsasabog ng binhi sa tuyong lupa Modified dry direct seeding Patudling na pagpupunla Pagpupunla gamit ang drum seeder

16 Patudling na pagpupunla
Drum seeding Linisin at patagin ang bukid na tatanmnan. Pasibulin ang mga binhi subalit huwag hayaang masyadong humaba ang mga ugat at talbos nito. Pahanginan para matuyo ang mga pinasibol na binhi sa isang lilim na lugar sa loob ng minuto bago ipunla. Ito ay para madaling magkahiwa-hiwalay ang mga binhi. Ang mga basang binhi ay maaaring magkadikit-dikit na nakakaapekto sa tamang pagsabog ng makina o drum seeder.

17 Patudling na pagpupunla
Drum seeding Bago magpunla, tanggalin ang sobrang tubig sa lupa ngunit huwag hayaan na ang lupa ay matuyo. Maglagay ng kanal sa paligid ng pinitak para mabilis na makapagbawas ng tubig. Isilid ang mga binhi sa drum seeder sa sapat na dami na kaya pang takpan. Sa gayon, ang mga binhi ay makakagulong pa sa loob ng drum cylinder habang nagsasabog tanim.

18 Patudling na pagpupunla
Drum seeding I-adjust ang drum seeder ayon sa dami ng binhi na nais isabog (40-80 kilos kada ektarya). Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagtatakip ng isang linya ng drum seeder gamit ang rubber band na nasa cylinder.

19 Patudling na pagpupunla
Drum seeding Para sa drum seeder na hatak ng tao, i-pwesto ang seeder sa lugar na may tuwid na pilapil at sa may mahabang bahagi ng pinitak. Para naman sa seeder na hatak ng traktora, mag-iwan ng bahagi sa gilid ng pilapil na mararaanan ng isang pasada (ito ay huling sasabugan sa pagtatapos ng bawat pinitak).

20 Patudling na pagpupunla
Drum seeding Isabog ang mga binhi gamit ang drum seeder sa pamamagitan ng mabilis na paglalakad. I-pwestong muli ang seeder para sa pabalik na pagsasabog, kadalasan na may espasyong 20 sentimetro. Ipagpatuloy ang pabalik-balik na pagsasabog sa buong taniman. Maaring lagyang muli ng binhi ang drum seeder kapag ubos na ang laman nito.

21 Patudling na pagtatanim
Drum seeding Huwag patutubigan ang bukid pagkatapos magsabog ng binhi. Sundin ang rekomendadong pamamaraan ng paggamit ng pamatay damo (pre- at post emergence) para sa direktang pagpupunla o sa gumamit ng rotary weeder DAS. Magsabog ng pataba 10 DAS (na may bahagyang patubig) o bago mag-alis ng damo gamit ang weeder. Ito ay upang mahalong mabuti ang pataba at masiguradong sulit at lubos na nagamit ang pataba.

22 Pagsasabog tanim Pagtatanim
Prerequisite to this module is knowledge on: methods of crop establishment, methods in seedling preparation, preparation of seeds for sowing and transplanting.

23 CREDITS Ms. Glenn Ilar Note:
Instructional presentation designer: Ms. Ev Parac Sources of technical content/reviewers of presentation: Ms. Glenn Ilar Note: Adapted from powerpoint presentations developed by: Mr. Salvador Yabes You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are PhilRice staffers. Produced in 2011 Text:


Download ppt "Pagsasabog tanim Pagtatanim"

Similar presentations


Ads by Google