Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIYOGRAPIYA

Similar presentations


Presentation on theme: "PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIYOGRAPIYA"— Presentation transcript:

1 PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIYOGRAPIYA
12-ICT Edilisa Peñero & Josche David Hernandez

2 BIBLIOGRAPIYA Ang Talasanggunian o Bibliyograpi ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na nagpapakita ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na pinagsasanggunian o pinagkukunan ng impormasyon. Mahalagang magkaroon ng isang bibliyograpi ang isang pananaliksik sapagkat ito ay mga katibayan ng katotohanang taglay ng binubuong pananaliksik.

3 MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI
Nakasulat sa hiwalay na papel. Naka-double spaced gaya ng sulatin. Ang pangalan ng may akda ay dapat nagsisimula sa apelyido kasunod ang ininsyal na pangalan. Kapag higit sa anim ang may akda, dapat lamang isulat ang anim at pagkatapos ng anim ay lagyan ng et.al upang mabatid nila na may iba pang manunulat.

4 MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI
Kailangang sunod-sunod ayon sa apelyido ng may akda ang nakalagay sa bibliyograpi. Kung marami ang artikulo at isa lamang ang manunulat, ang petsa ng pagkakalimbag ang dapat na pagbatayan. Isulat lamang sa malaking letra ng pamagat ang unang letra pagkatapos ng tutuldok o dash at proper nouns.

5 MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI
Isulat sa malaking letra ang lahat ng mahahalagang salita sa pamagat ng journal. I-italize ang pamagat ng mahabang sulatin gaya ng libro. Huwag i-italize, guhitan o lagyan ng marka ang pamagat ng ma-iigsing sulatin gaya ng artikulo sa journal o sa mga na-edit na sulatin.

6 MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI
Ang unang linya ay hindi dapat nakapasok, ang sumunod na linya ang dapat na naka-indent na may sukat na ½ inch. Ilagay ang petsa ng pagkakalathala sa loob ng parentisis na nasa format na taon, buwan, ara pagkatapos ng pangalan ng may akda. Lagyan ng tuldok pagkatapos ng parentisis.

7 MGA IMPORMASYONG DAPAT MATUKOY SA PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI
Awtor o mga awtor Pamagat Lugar ng publikasyon Pablisyer o tagalimbag Petsa o taon ng pagkalimbag Editor, tagasalin, consultant(kung mayroon)

8 PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI: APA FORMAT
APA Format – Madalas ginagamit sa mga disiplinang siklohiya at iba pang kaugnay na disiplina. Binuo at pinaunlad ito ng American Psychological Association (APA), sa paggamit nito ay mahalagang tandaan ang mga sumusunod: Sa pagbanggit ng pinagmulan ng sanggunian, ilalagay ang apelyido ng may akda at ang taon kung kailan nailathala ang teksto. Kung dalawa o higit pa ang mga akda, kailangang gumamit ng et.al karugtong ng unang pangalan. Kapag walang petsa, (n.d) ang ilagay.

9 APA Format: Halimbawa Aklat – Mga may akda. (taon ng pagkalimbag). Pamagat ng aklat: Subtitle ng libro. Lungsod ng Palimbagan: Panagalan ng Palimbagan. Arogante, J.A. (2000). Retorika at masining na pagbasa. Navotas:Navotas Press. Taon ng pagkalimbag Awtor Pamagat Palimbagan Naka-indent ang pangalawang linya Lugar ng palimbagan

10 APA Format: Halimbawa Format: Mga may akda. (petsa ng pagkakalathala). Pamagat ng artikulo. Pamagat ng peryodikal, bolyum(isyu), pahina Encyclopedia Bergmann, P.G. (1993). Relativity. The new encyclopedia Brittania (Vol. 26, pp ). Chicago:Encyclopedia Britannica. Mga artikulo sa peryodiko Garalda, J. (2014). Halaga. Anag-ag, bolyum 1.(p.12)

11 Mga hanguang elektroniko
APA Format: Halimbawa Artikulo sa magasin Henry, W.A., III. (1990, April 9). Making the grade in today’s school, Time, 135, Mga hanguang elektroniko Burgess, P. (1995). A guide for research paper:APA style. Dive, R. (1998). Lady freedom among us. The Electronic Text Center. Retrieved June 19, 1998, from Alderman Library, University of Virginia website:

12 PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI: MLA FORMAT
MLA Format – Mula ito sa pagbuo at pagpapaunlad ng Modern Language Association (MLA), sa paggamit nito ay mahalagang tandaan ang mga sumusunod: Ang estilong ito ay nagsisimula sa awtor-pamagat na pormat. Kung magagamit naman sa buong teksto ang apelyido ng manunulat, maaari nang pahina na lamang ang ipaloob sa panaklong.

13 PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI: MLA FORMAT
Ang petsa ay inilalagay sa dulong bahagi. Kung parehas na akda lamang din ang babanggitin, hindi na kailangang isama ang apelyido ng may akda sa panaklong, bagkus ay ang pamagat na lamang. Kung tatlo o higit pa ang mga akda, maaaring mabanggit ang lahat ng tatlong apelyido o gumamit na lamang ng et.al. Kung saan naka-alpabetikal na pagkakasunod-sunod ang apelyido ng mga awtor.

14 MLA FORMAT: HALIMBAWA Format:Pangalan ng awtor. Pamagat ng aklat. Dagdag na impormasyon. Lugar ng palimbagan: Palimbagan, petsa ng pagkakalathala. Allen, Thomas B. Vanishing Wildlife of North America. Ed. Darwin T. Turner. Washington, D.C.: National Geographic Society, 2000. Pamagat Awtor Lugar ng palimbagan Palimbagan Taon ng pagkalimbag

15 MLA FORMAT: HALIMBAWA Artikulo sa magasin Kalette, Denise. “California Town Counts Down to Bug Quake.” USA Today vol July 1986: pp Encyclopedia Pettingill, Olin Sewal, Jr. “Falcon and Falconary.” World Book Encyclopedia Mga hanguang Elektroniko Devitt, Terry. “Lightning injuries four at music festival.” The Why? Files. 2 August Jan

16 TUNGKULING GINAGAMPANAN NG BIBLIOGRAPI
Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga ideya, ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o sa mga materyales na hinalaw. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman. Nagbibigay ng karagdagang impormasyon para sa mambabasa na nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik.

17 TUNGKULING GINAGAMPANAN NG BIBLIOGRAPI
Nagbibigay oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik, at Nagbibigay ng kredibilidad sa pananaliksik na isinasagawa.


Download ppt "PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIYOGRAPIYA"

Similar presentations


Ads by Google