Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Ang Ministry at ANG Simbahan

Similar presentations


Presentation on theme: "Ang Ministry at ANG Simbahan"— Presentation transcript:

1 Ang Ministry at ANG Simbahan

2 Mga Layunin Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay: Magkakaroon ng sapat na pag-unawa ukol sa kahulugan ng ministry at kaugnayan nito sa BEC bilang pahiwatig ng pinagbagong Simbahan; Matukoy ang ugnayan ng iba’t-ibang uri ng ministry tungo sa aktibong pakikilahok sa buhay at misyon ni Kristo bilang mala-pari, mala-hari at mala-propetang komunidad; Mapahalagahan ang papel ng mga pinunong lingkod bilang mga pangunahing tagapagbuo ng komunidad at tagapagsulong ng mga ministry.

3 Daloy Pangkatang Gawain Ang mga Talento at Ministry
Ang mga Ministry ay Hindi hanapbuhay Ang Ministry bilang aktibong pakikilahok sa misyon ni Kristo Ang Mga Ministry ng Simbahan Ang mga Antas ng Pagiging Simbahan Ang BEC at mga Ministry Ang LOMAs Ang Dinamikong Ugnayan ng BEC, Parokya at mga pinunong lingkod Talakayan

4 Gawain: Pangkatang Pagbabahaginan (15-20 minuto)
Mga Gabay na Tanong: Anu-ano ang inyong mga ginagawa o ginagampanang tungkulin bilang kasapi ng Simbahan? Gaano na kayo katagal dito? Paano nakakatulong ang inyong mga gawain o ginagampanang tungkulin sa Simbahan para mapalalim ang iyong relasyon kay Kristo? Panuntunan: Magbuo ng grupo na may 5-6 na kasapi. Mamili ng tagapagpadaloy, tagasulat at tagapag-ulat. Magpakilala sa pangalan at magbigay ng isang talento na magaling ka. Isulat ang sagot sa papel sa pag-uulat.

5 Pangkalahatang Pag-uulat
Panuntunan Ang bawat tagapag-ulat ay may 2-3 minuto lamang. Ipakilala ang kasapi ng grupo. Basahin lamang kung ano ang nakasulat. Bawal ipaliwanag ang nakasulat.

6 Ang mga Talento at Ministry
Ang karisma o natatanging talento ay isang regalo o biyaya. Ang paggamit ng mga biyayang ito para itaguyod ang buhay at misyon ng Simbahan ay tinatawag na ministry. Ang ministry samakatuwid, ay isang uri ng paglilingkod, sinasagawa na tuloy-tuloy at may sapat na batayan, kinilala ng Simbahan at inangkin bilang sa kanya (PCM II, p. 101). Sa personal-pangkomunidad na konteksto, ang ministry ay isa lamang pagsasakatuparan ng “sino-ako-para-sa-iba.”

7 Ang Ministry ay hindi hanap-buhay…
…paggamit ng mga kakayahan at talento para mabuhay, pangalagaan at palaguin ang sariling buhay. Ito ay ginagawa na may katumbas na kita o sahod. Maaaring hindi mo ito gusto pero kailangan mong gawin para mabuhay. Halimbawa: Driver ng bus, singer sa club, dancer sa Eat Bulaga Show, Social worker ng DSWD, nurse, doctor, gardener, karpintero, etc. Mahalaga ang pagkakaroon ng magandang hanapbuhay upang maisagawang maayos ang ministry. … paggamit ng mga kakayahan at talento para sa pagbibigay-buhay sa iba. Ito ay isang uri ng paglilingkod sa kapwa na walang inaasahang kapalit. Choir sa parokya, nagbibisita sa mga maysakit, nagtuturo ng katekesis, nagpapakain sa mga nagugutom, etc. Mahalagang tandaan na ang pagsasagawa ng ministry ay nagkakahulugan lamang kung ito ay nagpapalalim at nagpapalapit ng ating relasyon kay Kristo. Tayo ay mga KATIWALA lamang.

8 Ang Diagram ng Ministry
Talento/ karisma/ kakayahan Trabaho Ginagamit ba ito para sa buhay at misyon ng Simbahan? Oo Hindi May kita ba? ? Ministry Nakakatulong ba ito sa iyong malapit na relasyon kay Kristo? Buhay-Katiwala

9 Ang Ministry bilang aktibong pakikilahok
Ang Ministry ay isang aktibong pakikilahok sa buong misyon ni Kristo: nagpapahayag, naglilingkod at nagpapabanal. Sa katunayan, ito ang unang inspirasyon ng pag-unawa ng WES, na tumutukoy sa pakikilahok ng isang Kristiyano sa pagiging pari (Worship o Pagsamba), propeta (Education o Paghuhubog) at pagiging hari (Service o Paglilingkod) ng kanyang Master (PCM II, p. 107).

10 Ang mga Ministry ng Simbahan
Ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga ministry ay nagpapakita ng patuloy na pastoral na paghahangad para sa pag-uugnay at pagpapanibago. Sa Christifideles Laici, 20 taon pagkatapos ng Vatican II, ipinahayag ni Papa Juan Pablo II na ang mga tanda ng panahon noong 1987 ay iba mula sa panahon ng Vatican II. Kaya, ang Simbahan ay nagninilay at nagbubuo ng mga ministry upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan, at upang pananagutan na sila ay nagpapayaman, imbis na nagpapahina, sa kaisahan at misyon ng Simbahan (PCM, p. 102).

11 Ang Mga Ministry ng Simbahan
Renewed Formation/Education Renewed Social Apostolate Renewed Worship ORGANIZING – strategic component of integral evangelization

12 Ang Mga Ministry ng Simbahan
Renewed Formation (Prophetic) Organizing Renewed Social Apostolate (Kingly) Renewed Worship (Priestly)

13 Ministry ng Paghuhubog (Prophetic)
Renewed Formation/ Education Education Ministry Family and Life Ministry Youth Ministry Stewardship Ministry

14 Ministry ng Paglilingkod (Kingly)
Renewed Social Apostolate Social Services and Development Ministry Land and Housing Livelihood Ministry Public Affairs Ministry Labor Ministry Pastoral Care for Women and Children

15 Mga Ministry ng Pagsamba (Priestly)
Renewed Worship Liturgical Ministry LeCom Greeters and Collectors Music Ministry Extra-ordinary Ministers of the Eucharist Altar Servers Mga Ministry ng Pagsamba (Priestly)

16 Antas ng Pagiging Simbahan (Ecclesiality)
Bilang organisasyon, ang buong bahagi ng mananampalataya sa buong mundo ay bumubuo ng tinatawag na Simbahang Unibersal na siyang pinamunuan ng Santo Papa. Ngunit, para sa pagpapanibago ng Simbahan at pagiging epektibo ng gawaing ebanghelisasyon, kinilala natin ang tatlong antas ng pagiging Simbahan: 1. Basic Ecclesial Community (BEC) 2. Parish Community 4. Diocesan Community

17 Antas ng Pagiging Simbahan (Ecclesiality)
Ang Simbahang Unibersal ay umiiral at nararanasan sa Simbahang Lokal – Diyosesis. Ang Simbahang Lokal – Diyosesis ay umiiral at nararanasan sa Parokya. Ang Parokya ay umiiral at nararanasan sa komunidad sa ibaba – BEC.

18 LAY LEADERS Antas ng Pagiging Simbahan B I S H O P PARISH PRIEST BEC
U N I V E R S A L C H U R C H D I O C E S E PARISH BEC B I S H O P PARISH PRIEST LAY LEADERS Pope

19 Ang BEC at Mga Ministry Ang BEC, bilang pangsimbahang komunidad sa ibaba at bagong paraan ng pagiging simbahan, ay nakikilahok sa misyon ni Kristo bilang mala-pari (priestly), mala-hari (kingly) at mala-propetang (prophetic) komunidad. Ang mga BEC (komunidad ng mga alagad) ay nagbibigay ng kanilang panahon, kakayahan at kayamanan para sa gawaing paglilingkod (ministry) bilang aktibong pakikilahok sa buhay at misyon ng Simbahan.

20 PCP II Vision of Renewed Church
Genetic Elements of BECs Prophetic (Witnessing) Priestly (Worship) Community of Disciples Kingly (Service) Church of the Poor Kingdom of God PCP II Vision of Renewed Church

21 Renewed Social Apostolate
Renewed Worship Bible Sharing Area Mass Novena Block rosary Fiesta, Holy week, etc Renewed Social Apostolate Feeding Educational assistance Pabahay Home visitation Livelihood Pakikilahok sa pagbabago ng lipunan Renewed Formation Katekismo Bible study Paghuhubog sa pamilya Pag-aaral sa panlipunang kalagayan Pag-aaral sa turo at doktrina ng simbahan BEC (Maliit na Simbahan sa Kapitbahayan)

22 LAY ORGANIZATIONS, MOVEMENTS AND ASSOCIATIONS (LOMAs)
Ayon sa PCP II (1991) at PCM II (1996), ang mga lay organizations, movements and associations (LOMAs) ay nagbibigay ng kalikasan para sa pag-unlad at tulong para sa apostolikong pagsisikap ng mga layko. Halimabawa: Apostleship of Prayer (AP); Catholic Women’s Legue (CWL); Mother Butler's League (MBG), Knights of Columbus (KoC); El Shaddai; Couples for Christ (CFC); Soldiers of Christ; Legion of Mary; Neo Catechumenate, etc. Ang mga BEC ay hindi kailangan nagwawalang bisa sa kanila, dahil ang nauna ay may mas malawak na saklaw ng paglilingkod at ng mga kasapian sa parokya.

23 LAY ORGANIZATIONS, MOVEMENTS AND ASSOCIATIONS (LOMAs)
Ang mga LOMAs ay potensyal na pamamaraan ng pagpapanibago ng Simbahan. Sa partikular, sila ay maaaring linangin para sa pagsusulong ng mga BECs. Ang mga LOMAs ay patuloy na magiging specialized “task forces” batay sa kanilang partikular na mga apostolikong layunin. Halimbawa: Si Clarita ay isang masipag na kasapi ng CWL. Nang pinakiusapan siya ng kanyang kura na magiging Parish BEC Coordinator, tinanggap niya ito ng walang pag-alinlangan at mahusay na ginagawa ang tungkulin na hindi kailangang umalis bilang kasapi ng CWL.

24 LAY ORGANIZATIONS, MOVEMENTS AND ASSOCIATIONS (LOMAs)
Ang mga LOMAs na ito ay nagbibigay ng pamumuno na kailangan upang bigyang-buhay ang mga paghuhubog ng mga maliliit ng kristiyanong komunidad sa kanilang bawat komunidad na kinabilangan. Ang mga LOMAs ay instrument ng totoong pagbabalik- loob, lugar ng mapagbagong pakikipagtagpo sa Panginoon. Sila ay paaralan ng evangelical zeal. Halimbawa: Dahil sa Neo-Catechumenate Formation Program, si Nelia ay mas napalapit sa Diyos at tumitingkad ang kanyang pagnanais na maglingkod sa Simbahan . Siya ngayon ay kumikilos bilang Parish BEC Coordinator na nangunguna sa pagsusulong at pagbubuo ng BEC sa buong parokya.

25 Ugnayan ng BEC, Ministry at mga Pinunong-lingkod ng Parokya
Ang parokya bilang komunidad ng mga komunidad (community of communities) ay nagsusulong at nagbubuo ng BEC bilang pastoral na prioridad. Ang mga pinunong-lingkod ng parokya ay sama-samang gumagampan ng tungkulin bilang tagapanguna (pastoral agents) para sa pagsusulong at pagtaguyod ng buhay at misyon ni Kristo (ministry). Ang ministry ay hindi maaaring angkinin ng iisang pinuno lamang. Ang mga BEC ay nagsasabuhay at nakikilahok sa buong ministry bilang mala-pari, mala-propeta at mala-haring komunidad, ngunit hindi maaaring ikahon sa iisang ministry lamang ang BEC, bagkos ang BEC ay mahalagang daan sa paglilinang ng mga pinunong-lingkod.

26 Dinamikong Ugnayan ng BEC, Parokya at ng Pinunong-Lingkod
MINISTRIES (Ministry Teams) Community of Disciples DIRECTION PARISH PPC COMMUNITY BUILDING (BEC Pastoral Team) BEC (Small Church at the base) LEADERSHIP LOMAs (Task Forces) Church of the Poor The Pastoral Agents: Team of Servant Leaders Loci: Arena for Service

27 PARISH PASTORAL COUNCIL (PPC) Organizational Chart (2011)
EXECOM President (Parish Priest) Chairperson Chapel / Kawan V-Chairperson Secretary Treasurer Auditor Education Worship SSDM Temporalities (Finance) Youth Family & Life Stewardship BEC Pastoral Team Coordinator EOMHC, LCM, MM, AC, MBG, AP, LOM, Greeters and Collectors, others CM, MA, BA, MedA/RDIT, PPEX, LCF, Charismatic, Cursillo, LLP, Retreat/ Recollection, Trans-parochial Organization EAP, LP, HFP, PAM, PPCRV, RJ, JPEC, WCP, PWD, PCSE, MM, LD, LH, CWL, KC, DMI FRC, Columbary Development, CPD Pre-Cana, MPP, MEP, PP, FCP, RNPFPP, SAP Vocation Promotion, Campus Ministry, PYM, OSY, Young Pro-fessionals SOS, Balik-handog

28 Dynamic Team of Servant Leaders
BASIC ECCLESIAL COMMUNITIES EXECOM President (Parish Priest) Chairperson Chapel / Kawan V-Chairperson Secretary Treasurer Auditor Education Worship SSDM Temporalities (Finance) Youth Family & Life Stewardship BEC Pastoral Team Coordinator EOMHC, LCM, MM, AC, MBG, AP, LOM, Greeters and Collectors, others CM, MA, BA, MedA/RDIT, PPEX, LCF, Charismatic, Cursillo, LLP, Retreat/ Recollection, Trans-parochial Organization EAP, LP, HFP, PAM, PPCRV, RJ, JPEC, WCP, PWD, PCSE, MM, LD, LH, CWL, KC, DMI FRC, Columbary Development, CPD Pre-Cana, MPP, MEP, PP, FCP, RNPFPP, SAP Vocation Promotion, Campus Ministry, PYM, OSY, Young Pro-fessionals SOS, Balik-handog Ang mga kristiyanong pinuno ay mga pinunog naglilingkod at hindi pinaglingkuran.

29 Malayang Talakayan 1. Paano ninyo inuunawa ang inyong papel bilang pinunong lingkod na may tungkuling tagapagbuo ng pinagbagong Simbahan at pangunahing tagapagsulong ng mga ministry? 2. Paano nakakatulong ang mga inyong ginagawa sa parokya tungo sa inyong malapit na ugnayan kay Kristo?


Download ppt "Ang Ministry at ANG Simbahan"

Similar presentations


Ads by Google