Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

LAGNAT O “FEVER”.

Similar presentations


Presentation on theme: "LAGNAT O “FEVER”."— Presentation transcript:

1 LAGNAT O “FEVER”

2 Ice-breaker (Option # 1)
ILARAWAN MO! Resources: Human resources: Interns, Judges, BHWs Material resources: manila paper, pentel pen, prizes Time frame: minutes

3 Game Mechanics: The BHWs will be divided into 2-3 groups. Each team will then be asked to portray certain “values/attitude” that make a good BHW. Each team is given 2-3 minutes to come up with their own interpretation of the said value. One member of the team will then explain their portrait. The portrait that will impress the judges the most will be given 1 point. The team that will first get a score of 2 will win the game. Values: Confidence, Dedication, Initiative, Teamwork , Quick-thinking , Responsible , Compassionate

4 Ice Breaker (Option # 2) ITLOG! ITLOG! Resources:
Human resources: Interns, BHWs Materials: raw eggs, old newspapers, straws, plastic, tape, empty bottle containers, prizes Time frame: minutes Objective: At the end of the activity, the BHWs must be able to exhibit confidence, initiative, quick, thinking, and team-work.

5 Game Mechanics: The group will be divided into 2-3 groups. Each group will be given the materials above. They must use the materials provided to prevent the egg from breaking after dropping it from a height of 7 feet. The members of the team will be given 7 minutes for this activity. Instructions: Bumuo ng 2 grupo Bawat isang grupo ay bibigyan ng 1 itlog at magkaparehang dami at uri ng materyal. Ang layunin ng larong ito ay hindi mabasag ang itlog matapos ihulog mula sa taas na 7 talampakan. Maaring gamitin ang lahat o piling gamit lang upang masigurong hindi mababasag ang itlog.

6 INAASAHAN MULA SA TRAINING NA ITO
Metacards

7 PRE – TEST (10 questions)

8 LAYUNIN NG PAG-AARAL Mailahad ang depinisyon ng lagnat
Itala ang mga karaniwang sanhi ng lagnat Magawa ang tamang pagkuha ng temperatura Malaman ang mga dapat gawin sa isang taong may lagnat Isagawa ang tamang paraan ng pagpupunas Matukoy ang dalawang sakit na nakamamatay na nagdudulot ng lagnat (Tigdas at Dengue) Maisagawa ang tamang pagsasagawa ng tourniquet test Malaman ang klasipikasyon ng Tigdas at Dengue Malaman ang mga dapat gawin sa isang taong may Tigdas o Dengue Pagsasagot sa bahagi ng “Lagnat” sa IMCI

9 LAGNAT (FEVER)

10 Pakisagot ang mga sumusunod:
Ano ang lagnat? Bakit nagkakalagnat ang isang tao? Paano ito malulunasan? Paano ito maiiwasan?

11 Maghati-hati po tayo sa grupo na hindi hihigit sa 5 na BHW’s sa bawat grupo

12 Ano ang Fever o Lagnat? Ang “Fever” o “Lagnat” ay isang sintomas
Ito ay reaksyon ng ating katawan bilang paglaban sa impeksyon Ang normal na temperatura ng katawan ng isang bata ay batay sa kanyang gulang: Sanggol (<1 yr old) 36.80C – 37.20C Bata ( 1 yr old – 5 yr old) 36.50C – 37.50C

13 Karaniwang sakit na nagdudulot ng lagnat
Kahit anong impeksyon dulot ng Mikrobyo Karaniwang Ubo at Sipon (Viral Upper Respiratory Tract Infection) Impeksyon sa Ihi (UTI) Tuberculosis (TB) Trangkaso Pulmonya Dengue Tigdas Typhoid

14 Ang Tamang Pagkuha ng Temperatura gamit ang Mercury Thermometer
Ihanda ang thermometer, alcohol, at bulak. Maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. Linisin ang thermometer gamit ang alcohol at patuyuin. Ilagay ang thermometer sa kili-kili ng bata sa komportableng posisyon.

15 Ang Tamang Pagkuha ng Temperatura gamit ang Mercury Thermometer
Alalayan ang bisig para hindi matanggal ang thermometer. Maghintay ng isang 3 – 4 minuto. Basahin ang sukat ng temperatura na kapantay ang mata. Linisin muli ang thermometer gamit ang alcohol at ilagay sa tamang lalagyan.

16 Ang Tamang Pagkuha ng Temperatura gamit ang DIGITAL Thermometer
Ihanda ang thermometer, alcohol, at bulak. Maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. Linisin ang thermometer gamit ang alcohol at patuyuin. Ilagay ang thermometer sa kili-kili ng bata sa komportableng posisyon.

17 Ang Tamang Pagkuha ng Temperatura gamit ang DIGITAL Thermometer
Alalayan ang bisig para hindi matanggal ang thermometer. Hintayin ang tunog na “beep” matapos ang ilang minuto. Basahin ang sukat ng temperatura sa “screen” ng digital thermometer. Linisin muli ang thermometer gamit ang alcohol at ilagay sa tamang lalagyan.

18 Ano ang dapat gawin sa mga taong nilalagnat
Tamang pagpunas Sapat na pahinga Pag-inom ng maraming tubig Pag-inom ng tamang dami ng Paracetamol na angkop sa timbang (para sa temperatura na higit sa 37.8 °C)

19 Tamang paraan ng pagpupunas sa batang may lagnat

20 Tamang paraan ng pagpupunas sa batang may lagnat:
Maglagay ng malinis at malamig na tubig sa isang malinis na palanggana. Huwag lagyan ng alcohol ang tubig na pamunas. Maghanda ng isang malinis na bimpo. Ilubog ang bimpo sa inihandang tubig at pigaing mabuti bago ito ipunas sa bata. Punasan ang bata mula ulo hanggang paa (mukhaleegbraso at kamay  dibdib likod hita at paa. Mag iwan ng malamig na bimpo sa sumusunod na parte ng katawan upang mapabilis ang pagbaba ng temperatura (noo  leeg  kili-kili  singit

21 DEMO/RETURN DEMO Ang bawat BHW ay dapat magawa ang tamang paraan ng pagpunas sa batang may lagnat BHWs (humanap ng kaparehang BHW) Ang bawat BHW ay naatasang magdala ng bimpo/pamunas Time: 5 minutes

22 Mga Dapat Bantayan sa isang taong may lagnat

23 Dalawang halimbawa ng sakit na nakamamatay na nagdudulot ng lagnat
Tigdas Dengue

24 tigdas

25 Tigdas Ito ay isang impeksyon na sanhi ng isang uri ng mikrobyo -- “virus” Naipapasa ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Pinapahina nito ang resistensya ng katawan matapos ang ilang araw ng pagkakasakit. Maari itong magdulot ng komplikasyon na maaaring ikamatay ng pasyente

26 Mga Sintomas ng Tigdas Lagnat Mapupulang butlig o rash sa katawan
Singaw Paglaki at pagdami ng mga kulani sa leeg. Pamumula ng mata.

27 Paano ito maiiwasan? Palagiang maghugas ng kamay
Ugaliing takpan ang bibig kung may umuubo o bumabahin sa paligid Iwasang malapit ang bata sa isang pasyenteng kumpirmadong may measles

28 IMCI KLASIPIKASYON

29 Mayroon kahit isang “General Danger Sign” Pamumuti sa itim ng mata
SENYALES AT SINTOMAS KLASIPIKASYON Mayroon kahit isang “General Danger Sign” Pamumuti sa itim ng mata Malalalim na singaw sa bibig. MALALANG KUMPLIKADONG TIGDAS Nana sa mga mata ng pasyente. Singaw TIGDAS NA MAYROONG KOMPLIKASYON SA MATA O BIBIG Mayroong Tigdas ngayon o sa nakaraang 3 buwan TIGDAS

30 MGA DAPAT GAWIN (IMCI management)
KLASIPIKASYON MALALANG KUMPLIKADONG TIGDAS Dalhin at i-REFER AGAD SA OSPITAL upang mabigyan ng sapat na lunas. Maari pang gawin habang naghihintay ng kaukulang lunas: Magbigay Vitamin A Magbigay ng paracetamol na naayon sa timbang Tetracycline ointment para sa impeksyon sa mata

31 PAGBIGAY NG VITAMIN A Age Vitamin A caps (100,000 IU) (200,000 IU)
6 -12 mons 1 1/2 12 mons-5 years -

32 MGA DAPAT GAWIN (IMCI management)
KLASIPIKASYON TIGDAS NA MAYROONG KOMPLIKASYON SA MATA O BIBIG Magbigay ng Vitamin A at paracetamol na naayon para sa timbang. Tetracycline ointment para sa impeksyon sa mata Gentian violet para sa singaw sa bibig. Bumalik matapos ang 2 araw.

33 MGA DAPAT GAWIN (IMCI management)
KLASIPIKASYON TIGDAS Magbigay ng Vitamin A at paracetamol na naayon para sa timbang. Ipagpatuloy ang pagpupunas ng katawan, pag- inom ng maraming tubig at kumain ng masusustansyang pagkain. Dalhin sa RHU o sa ospital kung kinakitaan ng komplikasyon.

34 Iba pang komplikasyon ng Tigdas
Pulmonya Impeksyon sa mata at tenga na maaaring magkaroon ng nana. Impeksyon sa utak. Ito ang tinatawag na Encephalitis Kombulsyon Panghihina Pag-iba ng ugali o pagkawala sa sarili

35 Unang kaso

36 Si Juday ay 5 buwang gulang….
May bigat na 5 kilo. Dinala siya sa health center dahil sa lagnat. Kaya niyang uminom. Hindi siya nagsuka, kinumbulsyon, walang problema sa pagtulog at hindi mahirap gisingin. Hindi siya nagtatae.

37 Si Juday ay 5 buwang gulang…
Ang dalawang araw na paglalagnat ay may taas na temperaturang 37.7oC Walang panganib ng malarya sa kanilang lugar. Hindi pa nagkakatigdas si Juday sa nakalipas ng 3 buwan.

38 Si Juday ay 5 buwang gulang.
May mga mapupulang butlig si Juday sa buo niyang katawan. May maliliit na mga singaw ngunit hindi malalim sa kaniyang bibig. Mapula ang kanyang mga mata ngunit walang lumalabas na nana. Walang pamumuti sa itim ng mga mata.

39 Pangalawang kaso

40 Si KC ay 3 taong gulang... Siya ay may bigat na 10 kilo.
Dinala siya sa Health Center dahil sa paglalagnat. Si KC ay kayang uminom tubig o gatas, hindi sumusuka, at nagkukumbulsyon. Maayos ang kaniyang pagtulog at hindi mahirap gisingin. Hindi siya sinisipon, inuubo at nagtatae.

41 Si KC ay 3 taong gulang. 3 araw nang may lagnat si KC na may kasamang tuloy tuloy na pananakit ng tiyan, panghinina at kawalan ng gana sa pagkain. Walang mga rash o butlig sa katawan. Hindi mapula ang kaniyang mga mata. Wala rin siyang singaw sa bibig.

42 Si KC ay 3 taong gulang. Hindi dumudugo ang kanyang gilagid at ilong.
Walang pagsusuka o pagdumi na may kasamang dugo.

43 Ikatlong kaso

44 Si Santino ay 4 na taong gulang.
May bigat na 16 kilo. Dinala siya sa health center dahil sa lagnat. Kaya niyang uminom. Hindi siya nagsuka, kinumbulsyon, walang problema sa pagtulog at hindi mahirap gisingin. Hindi siya inuubo, sinisipon at nagtatae.

45 Si Santino ay 4 na taong gulang.
Ang dalawang araw na paglalagnat ay may taas na temperaturang 37.7oC Walang panganib ng malarya sa kanilang lugar. Hindi pa nagkakatigdas si Santino sa nakalipas ng 3 buwan.

46 Si Santino ay 4 na taong gulang.
May mga mapupulang butlig si Santino sa buo niyang katawan. Mayroon din sya ng pamumuti sa itim ng mata Napansin mo din na mayroon siang malalalim na singaw sa bibig Wala syang nana sa mata

47 Picture/role-playing/Video
May magpapanggap na may tigdas at magpapatingin sa BHW

48 dengue

49 Dengue Ito ay sanhi ng isa ring uri ng “virus.”
Ang sakit ay naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Ang lamok na ito ay nabubuhay sa malinis na tubig na hindi dumadaloy kagaya ng tubig na naiipon sa mga drum o balde, gulong, paso at iba pa.

50 Paano naisasalin ang dengue virus sa tao
Ang lamok na may virus ay kakagat ulit at maisasalin ang virus sa ibang tao Ang taong may dengue ay kakagatin ng lamok We all know by now that the Aedes mosquito spreads the dengue virus, but how exactly do they do it? Mosquitoes cannot transmit the dengue virus amongst themselves, they need to first bite a person who is already infected with the dengue virus. The infected mosquito will then carry the dengue virus and pass it onto a healthy person when it bites him/her and causing them to fall sick. The cycle then continues with the new victim. Kasama ng dugong nasipsip ng lamok ay ang dengue virus

51 Mga Sintomas ng Dengue Lagnat na tumatagal mula 2-7 araw Panghihina
Pananakit ng ulo Pananakit ng tiyan Maliliit na mapupulang marka sa balat Pagdurugo: Ilong Gilagid Pagsusuka na may kasamang dugo Duming may bahid o kasamang dugo (maitim na dumi)

52 PAGSASAGAWA NG TOURNIQUET TEST

53 Paano ginagawa ang tourniquet test?
Kunin ang blood pressure ng pasyente. Hal: 100/80 mmHg Pagsamahin (i-add) ang systolic at diastolic blood pressure. Hatiin ang sagot sa dalawa. Hal: = 180 180 ÷2 = 90 mmHg

54 Paano ginagawa ang tourniquet test?
Palobohin ang sphygmomanometer hanggang sa nakuhang sagot at panatilihin itong nakalobo sa loob ng 3-5 minutes. Hal: Dapat naka-inflate ang cuff sa 90mmHg sa loob ng 3-5 mins. Pagkatapos ng 3-5 minuto, tanggalin ang blood pressure cuff at suriin ang balat sa sa ibaba ng pinagtanggalan ng sphygmomanometer cuff.

55 Paano ginagawa ang tourniquet test?
Tingnan kung may umulpot na maliliit na mapupulang marka na parang mga tuldok sa nasabing bahagi. Positibong Tourniquet test: 20 na butlig o higit pa sa isang kwadradong pulgada.

56 Itsura ng positibong tourniquet test
} 1 inch / pulgada

57 Komplikasyon ng Dengue
Dahil sa matindi at tuloy-tuloy na pagdurugo maaring bumagsak ang blood pressure ng pasyente. Nanlalamig ang mga kamay at binti ng isang pasyente Mabilis na pagtibok ng puso Pulsong mahina o hindi na makapa Mahirap gisingin o tulog ng tulog

58 KLASIPIKASYON NG DENGUE
SENYALES AT SINTOMAS KLASIPIKASYON Walang senyales ng malalang dengue hemorrhagic fever LAGNAT/ HINDI MALALANG DENGUE HEMORRHAGIC FEVER Pagdurugo sa ilong o gilagid Dugo sa dumi o suka Butlig-butlig na pula sa balat Malamig at namamasang mga kamay / paa “Capillary refill” ay mas higit pa sa 3 segundo Tuloy-tuloy na pananakit ng tiyan o pagsusuka Positibong (+) Tourniquet test MALALANG DENGUE HEMORRHAGIC FEVER

59 HINDI MALALANG DENGUE HEMORRHAGIC FEVER
DAPAT GAWIN LAGNAT/ HINDI MALALANG DENGUE HEMORRHAGIC FEVER PANGANGALAGA SA BAHAY Tamang pagpunas Sapat na pahinga Pag-inom ng maraming tubig Pagkain ng masustansyang pagkain Pag-inom ng tamang dami ng Paracetamol na angkop sa timbang (para sa temperatura na higit sa 37.8 °C) Huwag magbigay ng ASPIRIN. Bumalik matapos ang 2 araw kung ang lagnat ay hindi nawala o kung magkaroon ng senyales ng pagdudugo ng kusa.

60 MALALANG DENGUE HEMORRHAGIC FEVER
DALHIN AGAD SA PINAKAMALAPIT NA OSPITAL Huwag magbigay ng ASPIRIN. Kung patuloy na nagsusuka, sumasakit ang tiyan at may mapupulang butlig sa katawan at positibong tourniquet test, MAGBIGAY NG ORS (PLAN B). Kung may pagdudugo, ITO AY DAPAT AGAD NA MASUWERUHAN. Maaring magbigay ng ORS habang dinadala sa ospital.

61 PANGAPAT NA KASO

62 Si Sam ay 4 taong gulang... Siya ay may bigat na 25 kilo.
Dinala siya sa Health Center dahil sa lagnat. Kaya niyang uminom ng tubig. Hindi siya nagsuka at nagkumbulsyon. Maayos ang kaniyang pagtulog at hindi mahirap gisingin. Hindi siya sinisipon, inuubo at nagtatae. Walang singaw sa bibig.

63 Si Sam ay 4 taong gulang. 4 na araw nang may lagnat si Sam na may kasamang panghihina at kawalan ng ganang kumain. Walang panganib ng malarya sa lugar. Si Sam ay may mga maliliit na mapupulang marka sa balat sa buong katawan.

64 Si Sam ay 4 taong gulang. May pagdudugo sa kaniyang mga gilagid.
Nanakit ang kaniyang tiyan.

65 Picture/role-playing/Video
May magpapanggap na may dengue at magpapatingin sa BHW

66 PAGSASAGOT SA BAHAGI NG “LAGNAT” SA IMCI
Demo-Return Demo Halimbawang kwento

67 Habang hinihintay ang ibang grupong matapos ay ipagpatuloy lamang ang pag-pa-practice sa paggamit ng form

68 PAGSUSUMA NG MGA NATUTUNAN

69 PAGTATASA SA BUONG SESYON
Post-test Mailahad ng bawat mag-aaral ang kanilang mga suhestiyon at saloobin tungkol sa buong sesyon evaluation sheets


Download ppt "LAGNAT O “FEVER”."

Similar presentations


Ads by Google