Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Key Check 8. Gumapas at gumiik ng palay sa tamang panahon.

Similar presentations


Presentation on theme: "Key Check 8. Gumapas at gumiik ng palay sa tamang panahon."— Presentation transcript:

1 Key Check 8. Gumapas at gumiik ng palay sa tamang panahon.
Harvest Management Key Check 8. Gumapas at gumiik ng palay sa tamang panahon. Part 1: Understanding the PalayCheck System

2 Aling saging ang nais mong kainin?
Hindi ka masisiyahan sa sobrang hinog o hilaw na saging. Gayon din sa palay.

3 Anihin ang palay sa TAMANG PANAHON.
Upang masiyahan, Anihin ang palay sa TAMANG PANAHON. MASYADONG MAAGA HULI Butil na di pa hinog butil na walang laman Mababang porsiyento ng bigas (low milling recovery) maraming malulugas maraming mawawala dahil sa pagkadurog sa panahon ng paggiling.

4 Key Check 8 Gumapas at gumiik ng palay sa tamang panahon.
Ang tamang paggapas at paggiik ay nakapagdudulot ng magandang kalidad na butil, mahal na presyo sa merkado, at pagkagusto ng mga mamimili. Ang paggapas sa hindi tamang panahon ay nakakaakit ng mga ibon at daga, at nagpapababa sa kalidad ng mga butil.

5 Tandaan: Paano makakamit ang Key Check 8?
Patuyuin o alisan ng tubig ang bukid 7-10 araw bago ang inaasahang araw ng pag-ani. Para sa pantay na pagkagulang o pagkahinog Upang maiwasan ang pagkabasa ng butil sa panahon ng pag-ani Para sa maayos na pamamahala sa bukirin

6 Paano makakamit ang Key Check 8?
hinog 1 2 3 4 5 Mag-ani na kung… 1/5 o 20% ng mga butil sa dulo ng uhay ay malapit nang mahinog (hard dough stage) Karamihan sa mga butil sa uhay ay golden yellow. Anihin ang palay kung ang moisture content (MC) nito ay nasa 20-25% MC (tag-ulan) o 18-21% (tag-araw). Gumamit ng grain moisture meter.

7 PARAAN Suriin kung ang butil ay nasa hard dough stage sa pamamagitan ng pagpisil ng butil mula sa uhay gamit ang hinlalaki at hintuturo. Kung may lalabas na mala-gatas na katas, ang palay ay nasa milky grain stage (yugto ng pagmamalagatas) at hindi pa puedeng anihin.

8 Paano malalaman ang MC o moisture content?
PARAAN Paano malalaman ang MC o moisture content? Ang mga magsasakang bihasa ay tumitingin sa kulay ng palay, sinasalat ang mga butil, at kinakagat upang malaman kung ang util ay basa o tuyo.

9 TANDAAN: Huwag isalansan ang inaning palay sa bukid nang higit sa isang araw upang maiwasan ang pangingitim at pagbaba ng kalidad ng bigas.

10 Paggigiik Paano makakamit ang Key Check 8?
Giikin agad ang palay ng hindi lalagpas sa isang araw pagkaani kapag tag-ulan at 2 araw kapag tag-araw Iwasang giikin ang basang palay gamit ang mechanical thresher upang maiwasan ang pagkalugi dahil sa hindi magandang paglilinis ng butil Sundin ang rekomendadong bilis ng paggiik o threshing speed (800 rpm) upang maiwasan ang pagkasira ng mga butil

11 Upang maiwasan ang pagkalugi, sundin ang:
TAMANG moisture content TAMANG temperatura TAMANG paggulang Protektahan ang mga butil sa: Mga microbyo at insekto Mga halo Mechanical stress

12 Ikaw ay nakapaggapas at nakapaggiik sa tamang oras, KUNG…
Ang karamihan sa mga butil ng inaning palay mala-ginto (golden yellow) o 20% ay nasa hard dough stage (matigas na at walang lalabas na katas pag pinisil) Ang palay ay nagiik nang hindi hihigit ng isang araw pagkaani para sa tag-ulan at hindi hihigit ng 2 araw para sa tag-araw.

13 INPUT OUTPUT OUTCOME Pag-ani sa 80-85% na gulang Tamang haba ng panahon para sa pagsalansan o pagbunton Gumiik sa tamang panahon at bilis (threshing speed) Tamang pagtutuyo Maiiwasan ang pagkadurog at mga butil na walang laman Maiiwasan ang pangingitim at pagkadurog ng mga butil Maiiwasan ang peste at pagkadurog ng mga butil Magandang kalidad ng butil (mataas na milling recovery, at halaga sa merkado)

14 Key Check 8. Gumapas at gumiik ng palay sa tamang panahon.

15 CREDITS Instructional presentation designer: Ms. Ella Lois Bestil Sources of technical content/reviewers of presentation: Dr. Manny Regalado, Dr. Eulito Bautista, Engr. Artemio Vasallo, Dr. Josue Falla, Dr. Caesar Joventino Tado Note: Adapted from a powerpoint presentation developed by: Dr. Caesar Joventino Tado, Dr. Ricardo Orge You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are PhilRice staffers. Produced in 2011. Text:


Download ppt "Key Check 8. Gumapas at gumiik ng palay sa tamang panahon."

Similar presentations


Ads by Google