Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019

Similar presentations


Presentation on theme: "Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019"— Presentation transcript:

1 Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019
ANG KUMPAS NG BUHAY

2 Di inaasahang pagbabago Pagbabago Pakikipag-ugnayan
“Sa bawa't bagay ay may kapanahunan…” (Ecclesiastes 3:1). Ginawa ng Dios ang oras at kumpas na namamahala sa buhay sa Lupa (pananim, mga hayop at mga tao). Ang mga kumpas na iyon ay pareho sa bawat isa, ngunit hindi nabubuhay ang lahat sa parehong paraan. May mga pagbabagong may iba-ibang epekto sa mga tao. Ang mga pagbabagong ito ay humuhubog sa ating buhay. PAIKOT NA PAGBABAGO Ayos at kumpas Ang kumpas ng buhay HINDI-PAIKOT NA PAGBABAGO Di inaasahang pagbabago Pagbabago Pakikipag-ugnayan

3 AYOS AT KUMPAS “Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi.” (Genesis 8:22) Sang-ayon sa Genesis 1, nilikha ng Dios ang Lupa at binago niya ito mula sa di-ayos tungo sa kasakdalan. May Sistema Niyang hiniwalay ang araw sa gabi, hinati ang tubig, pinalabas ang tuyong lupa, Pinatubo ang mga pananim at ginawa ang mga ilaw sa langit na magtatatag ng kumpas ng buhay (araw, buwan, taon). Sa maayos na paraan, Pinuno Niya ng buhay ng nilikha ang Lupa, at nagbigay ng kaayusan sa kanilang buhay (upang lumaki at dumami). “Kaayusan ay unang batas ng Langit.” (ST, June 8, 1908). Kahit nagdulot ng kaguluhan ang kasalanan dito sa ating mundo, ang kumpas na tinatag ng Dios sa simula ay nananatiling namamahala sa ating buhay.

4 ANG KUMPAS NG BUHAY “Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.” (Kawikaan 20:29) Gaya ng sinabi ni Solomon, mayroon “Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan.” (Ecclesiastes 3:2). Mayroong ilang kumpas o cycle sa gitna na dalawang sandaling iyon sa ating buhay: Pagkabata (Hukom 13:24; Lucas 2:40) Kabataan (Awit 71:5; 1 Timoteo 4:12) Tamang Gulang (Genesis 41:46; Gawa 7:23) Katandaan (Awit 90:10; Filemon 1:9) Ang mga kumpas na iyon ay pareho sa lahat, ngunit hindi pareho ang pamumuhay ng bawat isa. Magkakaiba tayo at nabubuhay tayo sa iba’t ibang yugto. Gayunpaman, bawat isa ay mahalaga at may maikakaloob.

5 HINDI INAASAHANG PAGBABAGO
“At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.” (Job 1:21) Lahat tayo ay may sariling kumpas at kalakaran. Minsan, nababago ito ng mga hindi inaasahang pagbabago. Matindi ang kaso ni Job (Nawala ang mga ari-arian nya, manggagawa nya, mga anak nya, kalusugan nya, at suporta ng asawa at mga kaibigan nya). Gayunpaman, bawat isa ay maaaring makaranas ng lubusang pagbabago sa buhay (sa ikakabuti o sa ikakasama. Si Abel ay namatay bigla, si Jose ay ibinenta ng kanyang mga kapatid bilang alipin. Kung mananatili tayo sa Dios at magtitiwala sa Kanya, mahaharap natin ang mga hindi inaasahang pagbabagong iyon at kunin ang mga pinakamagandang bagay mula sa mga bagong kalagayan (Genesis 50:20).

6 PAGBABAGO “Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo.” (Filipos 1:6) Ang pagbabago ang nagtatakda ng yugto ng buhay: pagkabata, kabataan, tamang gulang, matanda. May pagbago din sa ating espiritwal na buhay. Dinadala tayo ng Dios mula sa pagbabalik-loob tungo sa lubos na pagiging ganap na espiritwal (Hebreo 5:12-14). Pag-aralan natin ang pagbabagong naranasan ni Pablo (AA, pp. 119, 120): Ang kailalimang kaisipan at emosyon ng kanyang puso at binago ng biyaya ng Dios. Ang mas maamo niyang kakayahan ay nagdala ng pagkakaisa sa walang hanggan hangarin ng Dios. Si Kristo at ang Kanyang katuwiran ay naging mas mahalaga kay Pablo kaysa sa buong mundo.

7 PAKIKIPAG-UGNAYAN “At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.” (Efeso 4:32) Ang ating buhay ay palaging apektado ng kung paano nakikitungo ang mga tao sa atin. Naaapektuhan din natin ang iba ayon sa ating pakikitungo sa kanila. Ang mga pakikipag-ugnayang iyon ay nagbibigay ng pagbabago, maaaring tungo sa kabutihan o sa kasamaan. Bilang Kristyano, dapat lagi nating sikaping maging mabuting impluwensya sa iba (Roma 12:18). Ang positibong pakikitungo natin ay magiging malakas na impluwensya. Maari itong makaapekto sa buhay ng iba na papasalamatan nila si Kristo dahil sa Kanyang mga gawa sa pamamagitan natin. Ang ating relasyon ay dapat palaging pinaghaharian ng pag-ibig at kabutihan.

8 “Ang buong puso ay kailangang ipakupkop sa Diyos, kung hindi ay hindi mangyayari sa atin ang pagbabago na sa pamamagitan niyao’y masasauli tayo sa Kanyang wangis… Ninanais ng Diyos na tayo’y pagalingin, at tayo’y palayain. Subali’t dahil sa ito’y nangangailangan ng isang ganap na pagbabago, pagbabago ng ating buong pagkatao, ay nararapat na lubos nating ipakupkop sa Kanya ang ating mga sarili.” E.G.W. (Steps to Christ, cp. 5, p. 43)


Download ppt "Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019"

Similar presentations


Ads by Google