Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

KAKAYANAN: NASUSURI ANG MAHAHALAGANG PAGBABAGONG POLITIKAL, EKONOMIKO AT SOSYO-KULTURAL SA PANAHON RENAISSANCE.

Similar presentations


Presentation on theme: "KAKAYANAN: NASUSURI ANG MAHAHALAGANG PAGBABAGONG POLITIKAL, EKONOMIKO AT SOSYO-KULTURAL SA PANAHON RENAISSANCE."— Presentation transcript:

1 KAKAYANAN: NASUSURI ANG MAHAHALAGANG PAGBABAGONG POLITIKAL, EKONOMIKO AT SOSYO-KULTURAL SA PANAHON RENAISSANCE

2 A.PAGBASA / PAGTALAKAY PAG-USBONG NG RENAISSANCE Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika- 11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe.

3 Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang papa, hari o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker.

4 Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 siglo,isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.

5 BAKIT SA ITALY?  Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano kaysa sa mga Romano, o alinmang bansa sa Europe.  Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay ang magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe.

6  Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.  Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sap ag-aaral.

7 ANG MGA HUMANISTA Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pag-ekonimiya ay tuluyan ng nagwakas. Nagbigay daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo.

8 Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan at pilosopiya at maging ang Matimatika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanist ana dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa asignaturang ito.

9 Ang humanism ay isang kilusang intelektuwal noong Reniassance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.

10 MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T- IBANG LARANGAN;

11 LARANGAN NG SINING AT PANITIKAN

12  FRANCESCO PETRARCH (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook”, isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura

13  GIOVANNI BOCCACIO (1313-1375 Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksiyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.

14  WILLIAM SHAKESPEARE (1564-1616) Ang “Makata ng mga Makata”. Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga isinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: “Julius Caesar”, “Romeo at Juliet”, “Hamlet”, “Anthony at Cleopatra”, at “Scarlet”.

15  DESIDERIOUS ERASMUS (1466-1536) “Prinsipe ng mga Humanista”. May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

16  NICOLLO MACHIEVELLI (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince”. Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” “Wasto ang nilikha ng lakas”.

17  MIGUEL DE CERVANTES (1547-1616) Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha”, aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.

18 LARANGAN NG PINTA

19  MICHELANGELO BOUNAROTTI (1475-1564) Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang Krusipikasiyon.

20  LEONARDO DA VINCI (1452-1519) Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero, at pilosoper.

21  RAPHAEL SANTI (1483-1520) “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the Child”, at “Alba Madonna”.

22 SA LARANGAN NG AGHAM SA PANAHON NG RENAISSANCE

23  NICOLAS COPERNICUS (1473-1543) Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric:, “Ang pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw”. Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng Simbahan.

24  GALILEO GALILEI (1564-1642) Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitutulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Coernican.

25  ISAAC NEWTON (1642-1727) Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang Batas ng Universal Gravitation, ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.

26 ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE

27 ISOTTA NOGAROLA ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si LAURA CERETA mula sa Brescia nabago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan.

28 Sa pagsulat ng tula, mahalagang personalidad ng Renaissance sina VERONICA FRANCO mula sa Venice at si VITTORIA COLONNA mula sa Rome. Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina SOFONISBA ANGUISSOLA mula sa Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si ARTEMISIA GENTILESCHI, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allegory of Painting (1630).

29 MARTIN LUTHER, AMA NG PROTESTANTENG PAGHIHIMAGSIK Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg ang nabagabag at nagsimulang magduda nang Mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng Simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan…”Ang pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya” (Romans 1:17)

30 Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng mga relikya ay kaniyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Rome noong 1571. Ang nagpasiklab ng galit ni Luther ay ang kasuklam-suklam na gawain ng mga simbahan, ang pagbebenta ng indulhensiya. Ito ay isang kaperasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao.

31 Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng Simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng Oktubre, 1517 ang kaniyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Ninety-five theses).

32 Ipinanganak si Luther noong Nobyembre 10, 1483, sa Eisleben, Germany. Ang kaniyang ama, si Hans Luther ay isang magsasaka na naging minero ng tanso, samantalang ang ina niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri.

33 Kumalat sa iba-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang protestasyon – na siyang pinagmulan ng salitang Protestante. Sila ay ang mga sumasalungat sa mamamayang Katoliko at sa emperador ng Banal na Imperyong Romano. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng Protestante at Katoliko Romano na humantong sa digmaan, ito ay tinapos ni Charles V sa pamamagitan ng paglagda ng Kapayapaang Augsburg noong 1555. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ng mga hari o namumuno ang malayang pagpili ng relihiyon ang kanilang nasasakupan.

34 KONTRA - REPORMASYON

35 Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregory VII (1037-1085), na lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno sa tatlong pagbabago sa Simbahan. 1.Bawal sa mga pari ang mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos.

36 2. Pag-aalis ng simony. 3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno. Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinawag ang kilusang ito na Catholic Reformation o Counter Reformation. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus).

37 Nagtagumpay ang mga Heswita sa pagbawi sa Bohemia, Hungary, Poland, at timog Germany para sa Simbahang Katoliko. Sila ang naging makapangyarihang lakas ng Katolisismo sa kanlurang Europe. Nagtatag sila ng mga paaralan at naging dalubhasang mga guro. Pinilit din nilang magkaroon ng malaking kaugnayan sa politika ng Europe. Naging tagapayo sila at katapatang-loob ng mga hari at reyna ng mga kahariang Katoliko. Nagtamo sila ng matataas na karangalan sa pamamagitan ng kanilang nagawa bilang mga iskolar at mga siyentista. Sa panahon nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ipinatupad ang Inquisition laban sa mga erehe at Hudyo at nakidigma sa mga Muslim ng Granada. Maging ang Simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at reyna.

38 EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON

39 Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 daangtaon, kung saan maraming mga gawi at turo ng Simbahan ang tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng Simbahan. Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng Simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang Simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng Simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.

40 Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante ay nagdulot ng sumusunod na epekto:  Nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante samantalang ang mga timog naman ay nananatiling Katolik;  Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian, at iba;

41  Gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning panrelihiyon upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon at;

42  Ang pagpapanumbalik ng katuruang espiritwal sa Kristiyanism, ang pagpapalaganap ng Bibliya, at ang doktrina ng kaligtasan base sa Bibliya. Isinasaad dito na ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa Simbahan kundi sa pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.

43 PAGTATAYA GET ¼ SHEET OF PAPER. : ¼ ma’am? YES, ¼ !

44 Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

45 1.Sino sa mga sumusunod ang naging mitsa para sa kilusang repormasyon? a. John Wycliffec. Martin Luther b. Huss John d. Urich Zwingli

46 2. Lahat ay mga bahagi ng puna ni Martin Luther sa Simbahang Katoliko, maliban sa: a. Ang paniniwala ng simbahan sa pre-determination b. Ang labis na kapangyarihan ng Santo Papa c. Ang pagmamalabis ng simbahan d. Ang pagbebenta ng indulhen

47 3. Saan nanghihiram ng salapi ang papa, hari o panginoong maylupa kung sila ay nangangailangan ng pera? a. Aristokrasya b. Nagmamay-ari ng barko c. Aristokrasya at nagmamay-ari ng barko d. Mangangalakal at banker

48 4. Alin sa mga ito ang naging salik sap ag-usbong ng Renaissanace? a. Ang mayayaman at makapangyarihang angkan ng mangangalakal b. Ang bagong transisyon ng Bibliya c. Ang pag-unlad ng Protestante d. Ang pag-unlad ng oil painting

49 5. Ano ang kahulugan ng Renaissance? a. Rearrange b. Rebirth c. Rebaptize d. Recycle

50 6. Repormasyon: Alemanya; Renaissance: ________ a. France b. Italy c. Netherlands d. England

51 7. Sino ang nagpinta ng “Huling Hapunan”? a. Michelangelo Bounarotti b. Galileo Galilei c. Leonardo da Vinci d. Miguel de Cervantes

52 8. Siya ang tinaguriang “Prinsipe ng mga Humanista”. a. Francesco Petrarch b. William Shakespeare c. Giovanni Boccacio d. Desiderious Erasmus

53 9. Siya ay tinaguriang pinakamahusay na pintor ng Renaissance. “Alba Madonna”, ang isa sa kanyang mga obra maestra. a. Raphael Santi b. Miguel de Cervantes c. Nicolas Copernicus d. Nicollo Machievelli

54 10. Siya naman ang may-akda ng Dialogue on Adam and Eve noong 1451. a. Laura Cereta b. Veronica Franco c. Isotta Nogarola d. Vittoria Colonna

55 PAGPAPAYAMAN: Panuto: 1. Lumikha ng isang poster o editorial na naglalaman ng mga pamana sa kabihasnan ng Simbahang Katoliko, Renaissance at Repormasyon. Maging malikhain sa laman ng iyong gawain. 2. Gamitin ang mga sumusunod na rubriks o criteria.

56 CRITERIA NAPAKAGALING 3 MAGALING 2 MAY KAKULANGAN 1 MARKA Impormatibo/ Praktikalidad Nakapagbibigay ng kompleto, wasto at napakahalagang impormasyon Nakapagbibigay ng wastong impormasyon Kulang sa sapat na impormasyon Malikhain Ang pagkakadisenyo ng poster o editorial cartoon May kakulangan anga element ng pagdesinyo ng poster o editorial cartoon Katotohanan Nagpapakita ng makatotohanang pangyayari. Ang nilalaman nito ay may bisa/dating sa madla Nagpapakita ng pangyayari. Ang laman nito ay may dating sa madla Nagpapakita ng iilang pangyayari. Ang laman nito ay walang dating sa madla.

57


Download ppt "KAKAYANAN: NASUSURI ANG MAHAHALAGANG PAGBABAGONG POLITIKAL, EKONOMIKO AT SOSYO-KULTURAL SA PANAHON RENAISSANCE."

Similar presentations


Ads by Google