Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byJhoana Marie Asis Modified about 1 year ago
2
LAYUNIN: Naipamamalas ang pang- unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.
3
Ano-ano ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa?
4
Bakit sinasabing ang Pilipinas ay isang bansa?
5
Iugnay ang bansa at mga taong naninirahan dito.
7
Ang tao o mga mamamayan ang pinaka importanteng elemento ng pagkabansa. Ito ay ang grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.
8
*Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, sa kanilang pinakahuling taya noong 2015, ang bilang ng taong naninirahan sa Pilipinas ay umabot na sa 100,981,437.
9
Teritoryo
10
Ang pangalawang pinakaimportanteng elemento ng pagkabansa ay ang teritoryo. Tumutukoy ito sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan nito. Ito rin ay tumutukoy sa lupang tinitirahan at nasasakupan nito kung saan kinukuha ang mga likas na yaman na kailangan ng mga mamamayan.
11
Pamahalaan
12
Ito ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay organsisasyong politikal na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng sibilisadong lipunan.
13
Ito ang nagpapatupad ng mga batas at mga tuntunin ng isang bansa at nagpapahayag ng saloobin ng mga mamamayan ng bansa.
14
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay pinamumunuan ng ating pangulo, Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
15
Ganap Na Kalayaan O Soberanya
16
Ang isang bansa ay hindi maituturing na ganap na isang bansa kung ito ay walang soberanya. Ang soberanya ay tumutukoy sa pinakamataas na kapangyarihan ng bansa at pamahalaan. Layunin nito na maipatupad ang anumang batas para sa kanyang nasasakupan.
17
Ito rin ay tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programa na hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
18
Dalawang anyo ng soberanya: Panloob - pangangalaga sa sariling kalayaan Panlabas - pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.
19
Ang bansa ay hindi maituturing na bansa kung may isa o higit pang kulang sa anumang mga binanggit na elemento ng pagkabansa o katangian ng pagiging bansa.
20
Ang Pilipinas ay kabilang sa halos mahigit 200 na bansa na nagtataglay ng apat na elemento ng pagkabansa kung kaya ito ay maituturing na bansa
21
Patunay nito ay ang pagiging kasapi ng ating bansa sa mga organisasyong kinikilala ng buong mundo tulad ng United Nations(UN), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), at iba pa.
22
Ang ilan pang mga lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United States of America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, China, Canada, Indonesia, Thailand at marami pang iba.
23
Bilang isang mag-aaral na kasapi ng ating bansang Pilipinas, paano mo maipapakita na ipinagmamalaki mo ang iyong bansa?
24
Bakit nasasabing ang Pilipinas ay isang bansa?
25
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng isang bansa, maliban sa isa. Ano ito? A. Australia B. China C. Manila D. USA
26
2. Ilang elemento ang kailangan upang maituring na isang bansa? A. isa B. dalawa C. tatlo D.apat
27
3. Ito ay tumutukoy sa grupo ng naninirahan sa isang lugar na bumubuo sa populasyon ng bansa. A. pamahalaan B. tao C. teritoryo D. soberanya o ganap na kalayaan
28
4. Ang isang bansa ay maituturing na tunay na nagsasarili o malaya kapag ito ay may _________? A. mga mamamayan B. mga pamahalaan C. sariling teritoryo D. soberanya o ganap na kalayaan
29
5. Alin ang itinuturing na teritoryo ng isang bansa? A. Ang lahat ng lupa, katubigan, at himpapawid na nasasakupan nito. B. Ang lupang tinitirahan ng mga tao na sakop nito. C. Ang lahat ng lupang nasasakop nito. D. Ang lupang hindi tinirhan.
31
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng isang bansa, maliban sa isa. Ano ito? A. Australia B. China C. Manila D. USA
32
2. Ilang elemento ang kailangan upang maituring na isang bansa? A. isa B. dalawa C. tatlo D.apat
33
3. Ito ay tumutukoy sa grupo ng naninirahan sa isang lugar na bumubuo sa populasyon ng bansa. A. pamahalaan B. tao C. teritoryo D. soberanya o ganap na kalayaan
34
4. Ang isang bansa ay maituturing na tunay na nagsasarili o malaya kapag ito ay may _________? A. mga mamamayan B. mga pamahalaan C. sariling teritoryo D. soberanya o ganap na kalayaan
35
5. Alin ang itinuturing na teritoryo ng isang bansa? A. Ang lahat ng lupa, katubigan, at himpapawid na nasasakupan nito. B. Ang lupang tinitirahan ng mga tao na sakop nito. C. Ang lahat ng lupang nasasakop nito. D. Ang lupang hindi tinirhan.
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.