Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published bymaria criselda caringal Modified about 1 year ago
1
Modyul #1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT
2
Layunin: NATUTUKOY ANG ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.
3
PAGTUKLAS NG KAALAMAN:
Gawain #1: 1. Sumulat ng mga paglalarawan sa isang MATIWASAY na LIPUNAN. 2. Mahalaga ba na ang isang lipunan ay maging matiwasay? Ipaliwanag. (gawin sa loob ng 10 minuto sa portpolyo)
4
PAGPAPALALIM LIPUNAN = nagmula sa salitang ugat na “LIPON” na ang ibig sabihin ay “PANGKAT”. Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na mayroong IISANG TUNGUHIN o LAYUNIN. Hal: pangkat ng mga mamamahayag na ang layunin ay maghatid ng mga bagong balitang nagaganap saan mang sulok ng daigdig.
5
KOMUNIDAD = mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na ang ibig sabihin ay “ COMMON” o nagkakapareho. Binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng ugali, interes o mga pagpapahalaga at paniniwala. Dito mas nabibigyang halaga ang katangian ng bawat kasapi Hal.: Dalawang guro na nagtuturo sa magkaibang paaralan. Hindi sila magkakilala ngunit nang magtagpo ay may iisang paniniwala na ang Edukasyon ang susi sa kaunlaran para sa hinaharap.
6
SOSYAL ? ? ? ? = Nilikhang sumasa lipunan, isang panlipunang nilalang.
“ WALANG SINUMANG TAO ANG MAARING MABUHAY PARA SA KANYANG SARILI LAMANG ” “ ANG BUHAY NG TAO AY PANLIPUNAN “ -Dr. Manuel Dy Philosophy Professor Ateneo De Manila University
7
Ang ating gawain ay PANLIPUNAN sapagkat natututunan natin ito kasama sila (kapwa) at ginagawa natin ito para sa kanila (kapwa). Hal.: ang simpleng gawaing paglilinis ng bahay ay hindi makakasanayang gawin ng isang bata kung hindi itinuro ng pamilya. Nakalakihan itong ginagawa ng pamilya nang tulong-tulong. Mas nangingibabaw kaysa sa halaga ng kalinisan ang pagsasama-sama at pagtutulungan. Bilang anak, iniaalay mo ang gawaing ito sa iyong magulang dahil alam mong ito ang makapagpapasaya sa kanila.
8
Ang PAGNANAIS NA MAKAPAG-ISA ay panlipunan din.
“Ang pagiging KASAMA ng KAPWA ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao.” -Dr. Manuel Dy Ang pagiging KASAMA ng KAPWA ay makakamit kung ikaw ay makikilahok at makikipamuhay sa lipunan.
9
Ayon kay JACQUES MARITAIN, manunulat ng aklat na THE PERSON AND THE COMMON GOOD (1966), hahanapin talaga ng tao ang mamuhay sa lipunan sa 2 mahalagang dahilan: 1. dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at dahil likas para sa kanya ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal. 2. dahil sa kanyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan, mahalagang makipag ugnayan sa kapwa upang matugunan ang pangangailangan at mapunuan ang kakulangan.
10
“ SA PAMAMAGITAN LAMANG NG LIPUNAN MAKAKAMIT NG TAO ANG LAYUNIN NG KANYANG PAGKAKALIKHA “
St. Thomas Aquinas
11
ANO ANG TUNAY NA LAYUNIN NG LIPUNAN?
Ang tunay na layunin ng lipunan ay ang KABUTIHANG PANLAHAT.
12
Ano ang KABUTIHANG PANLAHAT?
Ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan. Ito ay ang kabutihan ng LAHAT, hindi ng NAKARARAMI.
13
Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Nangangahulugan ito ng pagiging tugma ng personal na kabutihan sa kabutihang panlahat.
14
Ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. -John Rawis American Philosopher
15
MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. 2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. 3. Ang kapayapaan.
16
Ipinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari nang kusa. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, nangangailangan ng sama samang pagkilos ng lahat ng tao, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.
17
Ayon kay Dr. Manuel dy, binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan.
- binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagsilang nito ay nariyan na ang pamilyang umaaruga at gumagabay sa kanyang paglaki. Nariyan din ang kapwa, ang paaralan, ang simbahan ang batas na kanyang sinusunod na may kani-kaniyang ambag sa paghubog ng iba’t-ibang aspekto ng kanyang pagkatao. - ang tao naman ang bumubuo sa lipunan sapagkat matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
18
MGA HADLANG SA KABUTIHANG PANLAHAT
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. 2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin. 3. Ang pakiramdam na sya ay nalalamangan o mas malaki ang naiambag nya kaysa sa kanyang kapwa.
19
MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT.
1. Ang lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo,pagmamahal at katarungan. 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay dapat mapangalagaan. 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan.
20
“ HUWAG MONG ITANONG KUNG ANO ANG MAGAGAWA NG IYONG BANSA PARA SA IYO, KUNDI ITANONG MO KUNG ANO ANG MAGAGAWA MO PARA SA IYONG BANSA”. -John F. Kennedy President, United States of America
21
Pagtataya. 1. Ano ang kahulugan ng lipunan?
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? 3. Paano makatutulong ang lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao. 4. Paano malalampasan ang mga balakid sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan. 5. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan?
22
Gawain #2: Paghinuha sa konsepto
Pp.15
23
Gawain#: Panuto: Magsagawa ng pagsusuri sa mga pagkakataon sa iyong buhay bilang isang mag-aaral kung saan (1) napangibabaw mo ang kabutihang panlahat, (2) napangibabaw mo ang kabutihang pansarili. Pagkakataong nangibabaw ang kabutihang panlahat Naging bunga Paraan kung paano ito mas mapapagyaman 1. 2. Pagkakataong nangibabaw ang kabutihang pansarili Naging bunga Nararapat gawin upang mas mapanaig ang kabutihang panlahat
24
TAKDANG ARALIN #2 June 21,2016 Sagutan ang PAGNINILAY ( GAWAIN 5-A ) sa kwaderno. Sundin ang pormat na chart na makikita sa aklat. PP
25
WRITTEN ACT #2 Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba.
Anu-anong konsepto o kaalaman ang pumukaw sa akin? Ano ang aking pag-kaunawa sa konsepto o kaalamang ito? Anong mga hakbang ang aking gagawin upang maisagawa ang aking natutunan sa totoo kong buhay?
26
PAGBABALIK ARAL: (panimulang katanungan)
Ilan ang element ng kabutihang panlahat? Isa-isahin ito. Anu ang kabutihang panlahat?
27
Layunin ng aralin Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
28
MAIKLING PAGSUSULIT TAMA O MALI
Ang kabutihang panlahat ay iba kaysa sa kabutihan para sa nakararami. Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang latin na lipon na ang ibigf sabihin ay pangkat. Ang pagiging kasama ng kapwa ay isang pagpapahalagnag nagbibigay sa tunay na kaganapan ng tao. Makakamit ng isang tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha sa tulong lamang ng kanyang pamilya. Ang layunin ng lipunan ay ang kabutihang palahat.
29
6. sa lipunan nagkakaroon ang tao na maipakita ang kanyang pagmamalasakit at pagtulong sa panahon ng pangangailangan. 7. Ang salitang komunidad ay mula sa salitang ugat na komunis na ang ibig sabihin ay common o nagkakpareho. 8. Ang lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakilos ng Malaya gabay ang pagmamahal at katarungan. 9 Magbigay ng dalawang element ng kabutihang 10 panlahat.
30
Key: 1.Tama 6.tama 2. Mali 7. mali 3. Tama 8. tama
Mali 9. PAGGALANG SA TAO Tama KATARUNGAN KAPAYAPAAN
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.