Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byrazel ingal Modified about 1 year ago
1
ANG PAMILYA BILANG LIKAS NA INSTITUSYON
2
Learning Objective
3
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: Una, natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili EsP8PB-Ia-1.1
4
Ikalawa, Na susuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood
5
MOTIVATION Ano sa palagay ninyo ang mga nasa larawan?
6
This PhotoThis Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA- NCCC BY-SA- NC This PhotoThis Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NCCC BY-NC This PhotoThis Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NCCC BY-NC
7
REVIEW Ano ang natatandaan ninyong mga aralin nuong kayo ay nasa ika-pitong baitang?
8
Sa ikapitong baitang ay malalim ang naging pagtalakay tungkol sa sarili, sa pagkilala, at pagpapaunlad ng iyong pagkatao. Ngayon naman, inaasahang ikaw ay handa nang lumabas sa iyong sarili at ituon ang iyong pansin sa mga tao sa iyong paligid, ang iyong kapwa. At ang pinakamalapit mong pamilya ay ang iyong kapwa.
9
PRE-ASSESSMENT Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
10
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t-ibang institusyon o sektor. Alin sa mga sumusunod na institusyon sa lipunan angitinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit? a. Paaralan c. Pamahalaan b. Pamilya d. Barangay
11
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan? a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan. b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya. c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama ng habambuhay. d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
12
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas? a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. b. Pinag-aaral ng magulang ang mga anak para pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya. c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela. d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang mga anak.
13
4. “Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito? a. Ang pamilya ang salamin ng bansa. Kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya, ganoon din sa lipunan. b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan. c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa dahil ito ang bumubuo sa lipunan. d. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya, siya rin ang lipunan.
14
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito? a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao. b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba. c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-loob at maayos na pakikitungo sa kapwa. d. Kapwa wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata
15
6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya? a. Pinagsama ng kasal ang magulang b. Pagkakaroon ng mga anak c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan d. Mga patakaran sa pamilya
16
7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan? a. Buo at matatag b. May disiplina ang bawat isa c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
17
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)? a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan napag-aralin ang mga anak. b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa. c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan. d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ngating buhay.
18
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya? a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya. c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya. d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
19
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay? a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao. b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema. c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa tao. d. Madaling matanggap ng kapwa ang isag tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
20
Basahin at unawain: Ang Aking Pamilya ni: Julie Ann F. Rosario
21
1. Anong mga katangian ng isang pamilya ang isinasabuhay sa tula? 2. Ano-ano ang mga gampanin ng mga magulang ang isinasabuhay sa tula? Ano-ano ang mga gampanin ng mga anak?
22
Hatiin ang klase sa apat na grupo at isagawa ang gawaing “Ang Aking Pananaw tungkol sa Pamilya”. Sundin ang sumusunod na gawain sa paglalarawan ng inyong pamilya. Gamitin ang rubric sa susunod na pahina sa paglalarawan ng pananaw o pakahulugan ng pamilya. Bigyan ng apat (4) na minuto ang bawat pangkat sa pagbabahagi sa klase ng kanilang gawain. Matapos ang gawain, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutan ang katanungan sa ibaba. (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)
23
Pangkat I : Gumuhit ng larawan o di kaya’y gumupit ng mga larawang maaaring magamit sa paglalarawan ng inyong pamilya. Pangkat II : Pumili ng isang Tagalog o Ingles na awiting naglalarawan sa inyong pamilya. Ipaliwanag ang kaugnayan nito Pangkat III : Sumulat ng dalawang saknong na tulang naglalarawan sa inyong pamilya. Pangkat IV : Lumikha ng isang maikling dula ng paglalarawan ng inyong pamilya.
24
a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag. b. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang tungkulin? Ipaliwanag
25
sagawa ang gawaing “Ang Gampanin ng bawat Kasapi ng Pamilya”. Isa-isahin ang mga naiambag ng mga kasapi ng iyong sariling pamilya para sa sarili, sa mga kasapi ng pamilya at sa pamayanan. Sundin ang sumusunod na hakbang sa pagsasagawa ng gawain. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Integrative approach) 1. Gumuhit sa notbuk ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito. 2. Gamitin ang istruktura ng bahay at ang ilang kagamitang naririto upang ilarawan mo ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang mahahalagang kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi ng pamilya o sa buong pamilya.
26
Pagninilay: Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan ng ama’t ina na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga bahaging ginagampanan na makatutulong upang mapalago at mapanatiling matatag ang kanilang samahan.
27
Learning Objective
28
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama, namasid o napanood. EsP8PBIa-1.2 2. Naibabahagi ang mga karanasan tungkol sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensiya sa sarili. 3. Naiuugnay ang mga karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa tao
29
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek (√) ang pangungusap kung ito at tama at ekis (×) kung ang pangungusap ay mali. Isulat Ang sagot sa inyong sagutang papel.
30
____1. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas-palad at bayanihan. ____2. Ang mabuting pagtanggap na kailangan nating ugaliin ay ang pagbubukas ng pintuan sa mga nangangailangan. ____3. Positibo lamang ang dulot ng labis na pagka-makapamilya. ____4. Dapat tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naabot ng tulong ng pamahalaan. ____5. Dapat ituro sa pamilya kung paano mamuhay ng simple.
31
____6. Ang pagtataguyod ng mga programang may kaugnayan sa pangangalaga ng kapaligiran ay tungkulin ng Department of Environment and Natural Resources lamang. ____7. Ang pagkapantay-pantay ay paglabag sa kaatarungang panlipunan. ____8. Ang pagsasabatas ng diborsyo o aborsyon ay ilan lamang sa mga sumisira sa pamilya bilang pangunahing institusyon ng lipunan. ____9. Hindi maaring magpunta sa ibang lugar ang isang Pilipino. ____10. Dapat ingatan ng pamahalaan ang panlipunang seguridad ng mga mamamayan nito.
32
Mga sagot 1. √6. x 2. √7. x 3. x8. √ 4. √9. x 5. √10. √
33
Ilagay ang mga miyembro ng pamilya at ang kanilang mga tungkulin sa tahanan
35
b. Pagtalakay sa paksa: Makinig sa maikling sawikain ni dating Kalihim Jesse Robredo tungkol sa kanyang mga aral na natutuhan sa kanyang pamilya na babasahin ng guro. Magbahagi ng sariling karanasan na natutuhan mo mula sa iyong pamilya na patuloy na isinasabuhay mo sa kasalukuyan.
36
“Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid, at ang pamumuhay ng simple. Sa aking ama, natutuhan ko na ang pangangalaga sa integridad ng aking pagkatao at ang karangalan ang pinakamahalaga sa lahat.” -Dating Kalihim Jesse Robredo
37
c. Pagganap: 1. Isa-isahin mo ang iyong karanasan sa pamilya na iyong kapupulutan ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensiya sa iyong sarili. 2. Suriin mo kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ng pakikipag-kapwa. Isa- isang itala sa iyong notbuk ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon mo tungkol dito. 3. Lumikha ng isang scrap book. Maaaring gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin at gamitin ang mga ito upang ipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri. Ibahagi.
38
V. Pagninilay: Ang pamilya ang pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na namamagitan sa mag-asawa na nakakapagbigay-buhay dahil sa pagmamahalan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi ang makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya
39
Learning Objective
40
1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. EsP8PBIb-1.3 2. Natatalakay ang mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya. 3. Naibabahagi nang wasto ang mga dahilan kung bakit itinuturing na intitusyon ng lipunan ang pamilya.
41
Suliranin na lumabas na pinakauna Plano kung paano makatutulong ang iyong pamilya sa mga suliraning ito
42
Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan 1. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas-palad at ang diwa ng Bayanihan. Ngunit hindi sapat na panatilihin lamang ito sa pamilya. Kaya nga may pagkakataon na hindi nagiging positibo ang Pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino.
43
Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya natututuhan na ang pagkakawanggawa ay katumbas ng pagpapamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao.
44
Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan Ang pagiging bukas palad ay maipapakita ng pamilya sa pamamagitan ng gawaing panlipunan. Dapat tumutulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naabot ng tulong ng pamahalaan. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud
45
Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan Ang bayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Naipapakita ang bayanihang ito sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Isa rin sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap sa mga panauhin. Ang mabuting pagtanggap na higit na kinakailangan nating ugaliin ay ang pagbubukas ng ating pintuan sa mga nagangailangan.
46
Pangangalaga sa Kalikasan Tungkulin din ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program na nagtataguyod ng mga proyektong tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga nabubulok sa di nabubulok na basura, ang 3Rs(reduce,re-use,recycle) at iba pa
47
Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan Ang bayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Naipapakita ang bayanihang ito sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Isa rin sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap sa mga panauhin. Ang mabuting pagtanggap na higit na kinakailangan nating ugaliin ay ang pagbubukas ng ating pintuan sa mga nagangailangan.
48
Karapatan ng Pamilya
49
1. Karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng tao na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.
50
2. Karapatang isakatuparan ang kanyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak.
51
3. Karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag- asawa at buhay pamilya.
52
4.Karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal
53
5. Karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito..
54
6. Karapatang palakihin ang mga anak ayon sa tradisyon, pananampalataya, at pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan, pamamaraan at institusyon.
55
7. Karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal at panlipunang seguridad.
56
8. Karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
57
9. Karapatan upang magpahayag at katawanin sa harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping pangekonomiya, panlipunan, o kultural.
58
10.Karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at samahan, upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat- dapat at madali.
59
11.Karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa..
60
12.Karapatan sa kapaki- pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga pagpapahalagang pampamilya.
61
13.Karapatan ng mga matatanda sa karapat- dapat na pamumuhay at kamatayan.
62
14. Karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay.
63
isagawa
64
Panuto: Ikaw, bilang miyembro ng pamilya at bahagi ng isang pamayanan, ano kaya ang mga konkretong gawain ang iyong ginagawa upang makatulong na masolusyunan ang problemang kinakaharap ng ating lipunan, ang Covid 19?. Isulat ang iyong mga kasagutan sa loob ng kahon
65
ASSESSMENT
66
A. EDUKASYONB. MABUTING PAGPAPASYA C. PANANAMPALATAYA 1. PAGPAPAENROL SA SENIOR HIGH SCHOOL 2. PAGGALANG SA INANIBANG RELIHIYON 3. PAGPILI NG MAPAPANGASAWA 4. HUWAG MAGPADALUS-DALOS NG DESISYON 5. PAGTUTURO NG TAMANG PAGDARASAL 6. PAGBOTO NG TAMANG KANDIDATO 7. PAGSISIMBA NG MAGKAKASAMA 8. PAGTULONG SA ASIGNATURA NG KAPATID 9. PAGTUTURONG BUMASA AT SUMULAT 10. PAGDEDESISYON KUNG ANO ANG TAMA AT MAKAKABUTI
67
A. KARAPATAN SA PAGIGING PRIBADO NG BUHAY B. Karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan. C. Karapatan sa katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal D. Karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya E. Karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal at panlipunang seguridad. F. Karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, G. Karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya. H. Karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay
68
1. KASALANG BAYAN 2. PALARUAN AT PARKE 3. HINDI PINAGTSITSISMISAN ANG MGA KAPITBAHAY 4. LIBRENG PABAHAY 5. PAGPUNTA SA IBANG LUGAR DULOT NG PANGANIB SA BUHAY 6. PAGTATRABAHO SA ABROAD DAHIL WALANG PINAGKAKAKITAAN SA PILIPINAS 7. PAGBIBIGAY DISKWENTO AT BENEPISYO NG SA SENIOR CITIZEN 8. PAGKAKALOOB NG LIBRENG BAKUNA AT GAMOT SA CENTER 9. PAGLALAGAY NG CHECKPOINT AT CCTV SA MGA DAAN 10. PAGGALANG SA PANINIWALA NG KINABIBILANGANG RELIHIYON
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.