Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byjessica bola Modified about 1 year ago
7
Epekto ng Lindol 1.Pagkawala ng buhay ng mga tao. 2. Pagkasira ng mga property (bahay, sasakyan). 3. Pagkasira ng normal na takbo ng buhay ng tao. 4. Pagkasira ng mga building, infrastructure. 5. Pagkasira ng mga offices at agencies.
8
Mga Panganib na dulot ng lindol Mayroong iba't ibang panganib na maaring idulot ang lindol: ang pagyanig (ground shaking), ang pagbitak ng lupa (rupture), ang paglambot ng lupa (liquefaction), ang pagguho ng lupa (landslide), at tsunami. 1. Pagyanig Ito ang paggalaw ng lupa, bahay, at iba pang nararamdaman kapag may lindol; ito ay magiging sanhi ng pinsala o tuluyang pagguho sa mga gusali. Halimbawa: Gumuhong Hyatt Hotel sa siyudad ng Baguio noong Hulyo 16, 1990.
9
2. Pagbitak ng lupa Ito ang paglikha ng bagong bitak o muling paggalaw ng mga bitak sa lupa (fault) na nakapagitan sa dalawang bloke ng lupa na gumagalaw nang palihis o sa magkabilang direksyon. Halimbawa: Ang pagbitak na naganap sa kahabaan ng Digdig Fault noong Hulyo 1990.
10
3. Paglambot ng lupa Ito ang pagbabago ng katangian ng lupa mula sa pagiging matigas at solidong buhangin tungo sa pagiging parang likido; dahil dito, ang gusali o bahay na nasa ibabaw ay maaaring tumagilid o lumubog. Halimbawa: Pagtagilid ng gusali dahil sa "liquefaction" sa Dagupan City, Hulyo 16,1990.
11
4. Pagguho Ito ang pagguho ng lupa at bato sa matarik na bahagi ng bundok sanhi ng pagyanig ng lupa dahil sa lindol. Halimbawa, mga pagguho na naganap sa siyudad ng Baguio matapos ang lindol noong Hulyo 1990.
12
5. Tsunami Ito ang sunod-sunod na pagdating ng alon sa dagat na nalilikha ng isang lindol na ang epicenter ay nasa ilalim ng dagat o malapit sa baybay-dagat. Halimbawa: Dingding at bubong ng kubo tinangay ng tsunami sa Brgy. Malaylay, Lumang Baco, Oriental Mindoro.
13
Bakit mahalagang paghandaan ang lindol? Kailangang paghandaan ang lindol upang mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan. Hindi man natin alam kung saan at kung kailan maaaring mangyari ang lindol, maaari naman nating matutuhan at maituro ang mga kaukulang kilos upang mapaghandaan ang posibleng pagtama nito. Sa pagiging handa ay maiiwasan natin ang mas malalang pinsala ng sakunang ito.
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.