Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byMarjane Mones Modified about 1 year ago
1
Wastong Gamit ng mga Salita MARJANE HINGCO-MONES
2
Pretest Pangalan______________________________Puntos______ Kurso/Taon _______________________________ Panuto: Suriin ang mga salitang nakalimbag sa pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung ang mga ginamit na salita ay wasto at salitang Mali kung ang gamit ng salita ay ‘di wasto. Isulat ang sagot sa papel. 1.Subukin mo siya kung ano ang ginagawa. 2.Subukan mong lumapit sa akin kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan. 3.Pinagsisihan daw ng salarin ang krimen na kanyang ginawa ayon sa mga alagad ng batas na humuli sa kanya.
3
4.Nagsalu-salo rin ang mga panauhin sa dala- dala kung pagkain para sa kanila. 5.Tumakbo nang matulin ang bata upang hindi abutin ng mahabang pamalo ng kanyang ama. 6.Kumain lamang nang kumain ang aking alagang manok nang inilagay ko sa kanyang kainan ang butil ng palay. 7.Pinunasan ni Leonor ang botelya na aking ibinigay. 8.Iniusod ko ang lamesa matapos niyang walisin ang lugar na kinalalagyan nito. 9.Ang aking lola ay ooperahin mamyang hapon. 10.Mabilis siyang pumasok sa pintuan.
4
1.1111. pang+dikit 2.1212. pang+labi 3.1313. pang+bata 4.1414. pang+angkop 5.1515. pang+diwa 6.1616. mang+bola 7.1717. mang+asar 8.1818. pang+raket 9.1919. pang+sayaw 10.2020. pang+taya
5
Panuto: Piliin ang wastong salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1.Si Mang Manding ang puno (nang, ng) aming samahan. 2.Makikipag-usap ako (kay, kina) Tito, Vic at Joey. 3.Tapos na ang palabras (nang, ng) pumasok si Mico sa trabaho. 4.May sayawan (daw, raw) sa liwasan. 5.(Pahiran, Pahirin) mo ng palaman ang tinapay na binili ko.
7
WASTONG GAMIT NG MGA SALITA
8
DISIPLINASAPAGBIGKASNGE/ IATO/ U PALITANGE/IatO/U Bahagi sa pagdidisiplina sa ating dila ang tuntunin upang maibukod ang E sa I at O sa U. Pahihintuin ng naturang disiplina ang balbal na ugaling gawing I ang E sa umpisa ng mga salita gaya ng mga sumusunod: iskandalo sa halip na eskandalo istasyon sa halip na estasyon istilo sa halip na estilo
9
*mapipigil din ang ugaling palitan ng U sa O kuryente sa halip na koryente dunasyonsa halip na donasyon kumpanya sa halip na kompanya sumbrero sa halip na sombrero pulitikosa halip na politiko TANDAAN: Ang tamang baybay ang salitang nakalimbag sa itim na titik
10
Mga Karagdagang Kaalaman: babae at hindi babai sampu at hindi sampo buhos at hindi buhus opisina at hindi upisina tradisyonal at hindi tradisyunal tornilyo at hindi turnilyo dayalogo at hindi dialogue
11
Mga Karagdagang Kaalaman: mga painting at hindi mga paintings mga opisyalat hindi mga opisyales mga kompyuter at hindi mga kompyuters Kalalakihan/kababaihan at hindi mga kalalakihan/kababaihan at mas lalong hindi limang kalalakihan/kababaihan. Mas tamang gamitin ang limang lalaki/babae
12
Sa kaso ng E/I, magiging senyas ang E sa mga salitang Espanyol na nagsisimula sa ES upang ibukod sa mga salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S gaya ng mga sumusunod ESPANYOL / FILIPINO escandalo- eskandalo estacion – estasyon especial – espesyal esmarte – esmarte escuela – eskuwela estandarte – estandarte estilo – estilo escolar - eskolar INGLES /FILIPINO scandal - iskandal station – isteysiyon special – ispesyal smart – ismart school – iskul standard – istandard style – istayl scholar - iskolar
13
Sa kaso ng O/U, ipinapahintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag nag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at sa P/F. ESPANYOL / FILIPINO convencion convento confortable confeti konbensiyon konbento konfortable konpeti kumbensiyon kumbento kumportable kumpeti Hindi sakop ng tuntuning ito ang KOMPANYA at KOMPLETO dahil ang COMPANA at COMPLETO ang orihinal sa Espanyol. Malinaw rin na ang mga salitang MONUMENTO ( monumento), KONTRATA (contrata ), KONTROBERSIYA ( controversia ), at KONSUMO ( consumo ) ay mananatili sa O at hindi U.
14
HUWAG BAGUHIN ANG OO AT UO Iminumungkahiang paggalang sa ilang salita na may dobleng O o UO kahitsinusundanng hulapi. Narito ang mga halimbawa: poot – kapootan Buo-kabuoan Salimuot - kasalimuotan TANDAAN Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang ugat ano-ano, alon-alon, taon-taon ngunitnagaganap ang pagpapalitng I sa Eat O sa U kapag walang gitling ang inuulit na salita at nagdudulot ito ng bagong kahulugan
15
salo – salo- magkakasama at magkasabay na kumain salusalo – isang pagtitipon o piging halo – halo- pagsasama-sama ng mgabagay-bagay o sangkap haluhalo – pagkaing pampalamig na may yelo
16
Isa’t isa – tumutukoy sa pariralang isa at isa. Hindi ito inuulit na salita na dapat lagyan ng gitling sa pagitan dahil may katagang AT sa pagitan ng inuulit na salitang isa. Inilalagay ang kudlit upang mapasama sa unang salita ang at. * Napakasaya ko dahil isa’t isa ay may regalo. Iba’tiba – Tumutukoy sa pariralang iba at iba. Tulad ng isa’t isa hindi na ito ginigitlingan * Iba’t iba ang regalong natanggap ko Ibang-iba –Nilalagyannggitlingdahilinuulitang salitang iba. Batay sa tuntunin, kung may kahulugan ang kaputol sa salita dapat na itong gitlingan sa pagitan ng dalawang magkaparehong salita kung paghihiwalayin. * Ibang-iba siya sa kaniyang nakababatang kapatid.
19
Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang pangungusap dahil halos magkasintunog ang dalawang salita. Nguni't sa pormal na pagsusulat, nararapat na malaman ang tamang gamit ng "nang" at "ng". NANG 1. Ginagamit sa unahan ng pangungusap a. Nang dumating ang guro, nagtakbuhan ang mga bata sa loob ng klasrum. b. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda. 2. Gamit sa pang-abay na pamaraan a.Lumakad siya nang dahan-dahan. b.Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim. 3. Gamit kapag ang pandiwa ay inuulit a.Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan. b.Kanina pa siya ikot nang ikot
20
4. Katumbas ng WHEN sa Ingles a. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting b. Tapos na ang palabas nang pumasok si Tiyo Berting sa tanghalan. 5. Panghalili saPARA oUPANG a. Magsumikap ka nang umasenso ang buhay mo. b. Ipasa mo ang iyong mga proyekto sa tamang oras nang matuwa naman ang iyong guro. NG 1. Katumbas ng OFsa Ingles a. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan. b. Isa siya sa magagaling na mananayaw ng aming paaralan. 2. Ginagamit sa kaganapang layon ng pandiwa a. Umiinom ako ng gatas bago matulog. b. Naglalaro ng chess ang mga bata sa plaza.
21
3. Nagsasaad ng pagmamay-ari a. Napakagara ng bahay ng mga Dela Cruz. b. Ang palad ng mayayaman ay napakanipis. 4. Ginagamit sa kaganapang tagaganap ng pandiwa a. Ikinalungkot ng mga Pilipino ang pagkatalo ni Pacman. b. Ikinagalit ng matanda ang maingay na videoke.
26
Ginagamit ang kungbilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap.Katumbas itongifsa Ingles. a.Matutulog ako kung tatahimik na ang mga tao sa labas. b.Papasok ako bukas kunghindi uulan. Ginagamit ang kong bilang panghalip na panao sa kaukulang paari. Buhat ito sa panghalip na KO na inangkupan ng pang-angkop na NG. a.Nabasa ang binili kong aklat. b.Nais kong makatapos ng pag-aaral.
27
a.Mag-ingat ka kung ikaw ay magmamaneho ng kotse. b.Mag-ingat ka namankapag ikaw aynagmamaneho ng kotse. a.Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang dating ng mga bisita. b.Dumarating ang mga bisita kapag araw ng Sabado.
28
Ginagamit ang maykapag ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng panalita: PANGNGALANG PAMBALANA, PANDIWA, PANG- URI, PANGHALIP NA PAARI, PANTUKOY na MGA, PANG-ABAY a.May tao akongnakita sa dilim. b.May kumakatok sa pinto. c.May matalino siyang anak. d.May kaniya-kaniya tayong ambisyon sa buhay. e.May mga mananayaw sa plaza. f.May bukas pa.
29
Ginagamit ang mayroonkapag ito’y sinusundan ng mga KATAGA o INGKLITIK, PANGHALIP NA PANAO at kapag ito ay nangangahulugang ng pagiging “ MAYAMAN” a.Mayroon ba siyang talento sa pagsayaw? b.Mayroonakongbagong kotse.. c.Ang pamilya ko ay mayroonsa aming probinsiya.
30
Ang KUNG ‘DI ay galing sa salitang kung hindioif notsa Ingles a.Hindi ako aalis kung ‘di tayo magsasabay. b.Hindi ka makakapasa kung ‘di dahil sa tulong ko. c.Kung ‘di ka dumating, malamang kanina pa sila nagsuntukan. Ang KUNDI ay nangangahulugangmaliban sa o except sa Ingles a.Walang sinoman ang puwedeng pumasok sa sinehankundi iyong mga may tiket lamang. b.Walang ibang puwedeng sumama kundi ako lang.
31
HABANG/ SAMANTALANG Ginagamit ang HABANG kung ang isang kalagayan ay mahaba o walang tiyak na hangganan a.Kailangang matutong makibagay sa iba habang nabubuhay. b.Habang may buhay may pag-asa. Ginagamit ang SAMANTALA kung ang isang kalagayan ay may taning o pansamantala lamang a.Nakikitira ako sa bahay ng aking mga magulang samantalang wala pa akong trabaho. b.Mainit ang kanyang ulo samantalang hinihintay na magsiuwian ang kanilang mga bisita. Ginagamit din ang SAMANTALA sa pagtatambis ng dalawang kalagayan a.Bakit ko gagawin ang lahat ng mga gawaing iyan samantalang ikaw ay tila prinsesang nakaupo lamang? b.Ang iba ay nagpapakasaya sa parti samantalang ang iba ay halatang nababagot.
35
PAM, MAM,SIM 1.PAMPALO 2.MAMBOLA 3.SIMPUTI PAN, MAN,SIN 1.PANLIMA 2.MANDAYA 3.SINTIGAS PANG, MANG,SING 1.PANG-ALIS 2.MANGHAKOT 3.SINGKAPAL
36
Kalilinis lang namin ng bahay nang siya ay dumating. Nakasusulat ng talumpati ayon sa paksang ibinigay. Sa iyo ko natutunan kung papaano magmahal. Sa’yo ko natutunan kung papaano magmahal. Ang bag na iyan ay sa akin. Ang bag na iyan ay sa’kin.
41
Tanggapin ninyo ang regalong ito. Tanggapin n’yo ang regalong ito.
46
Huwag n’yo na lang akong isama mamaya. Nais na naman niyang kumain. Kumakain pa rin siya hanggang ngayon.
47
Naisnilang kumain sa labas. Ang bahay na iyan ay pagmamay- ari nina Ana at Maria.
51
Kila at Kina Walang salita na KILA. Ang KINA ay maramihan ng kay 1.Pakidala ang laruang ito kina Anne at Brylle. 2.Mag-uusap tayo kina Vic at Mona mamaya. IKIT at IKOT Ginagamit ang IKIT para maipakita ang kilos mula labas patungo sa loob. Nakakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba. Ginagamit ang IKOT para maipakita ang kilos mula loob patungo sa labas. Paikot-ikot sila sa loob ng tunnel bago sila tuluyang nakalabas.
52
ang DAHIL ay ginagamit bilang pangatnig a.Hindi ako nakapasok dahil sumakit ang aking ulo. b.Masaya ako dahil may nagpapasaya sa akin. c.Umiiyak ang bata dahil pinagalitan siya ng kanyang ate. ang DAHILAN ay ginagamit bilang pangngalan a.Hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. b.May mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan. c.Kabiguan ang dahilan ng kanyang kamatayan. ang DAHILSA/ DAHILKAYay ginagamit bilang pang-ukol a.Ang dating magkakaibigan ay nagtatalo dahil sa tsismis. b.Pinagalitan ako ng guro kanina dahil kay Vina. c.Sumakit ang aking ulo dahil sa ulan.
53
IBAYAD/IPAGBAYAD Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran a.Isandaang piso ang ibabayad ko sa iyo. b.Dahil ako ay hindi pa kumikita, titulo ng aking lupa ang ibabayad ko sa iyo. Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao a.Ipagbayad mo muna ako sa sine. Babayaran kita bukas. b.Ipagbayad mo na rin kami. Masyadong mataas ang pila. SUBUKIN/SUBUKAN Subukin- pagkilatis, to test, to try sa Ingles a.Huwag n’yo akong subukin. b.Susubukin ko ang bagong labas na model ng kompyuter na kasalukuyang inaanunsyo sa telebisyon. Subukan- pagtingin nang palihim, to spy sa Ingles a.Ibig kong subukan ang ginagawa ng mga katulong kapag wala ang kanilang mga amo. b.Subukan mo si Ana sa kuwarto na hindi ka nakagagawa ng kahit na kaunting kaluskos na maaari niyang ikagulat.
54
HATIIN/HATIAN Hatiin – to divide, partihin a.Hatiin mo sa anim ang egg pie. b.Ang natitirang pagkain ay hatiin ninyong magkakapatid. Hatian - to share, ibahagi a.Hatian mo siya ng iyong burger. b.Hatian mo ng iyong baon ang batang pulubi. INIWAN/INIWANAN Iniwan-to leave something or somebody – huwag isali o isama a.Iniwan ni Ana ang kotse sa garahe. b.Ang hindi dumating sa tamang oras ay iniwan na nila. Iniwanan-to leave something to somebody, nagbigay a.Iniwanan ko na sila ng panggastos habang ako ay wala. b.Ang batang pulubi ay iniwanan ko ng pagkain.
55
OPERAHIN/OPERAHAN Operahin- tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan na titistisin a.Ooperahin ang tiyan ni Ana sa Lunes. b.Sira na ang iyong kanang mata kaya marapat lamang na ito ay operahin. Operahan - tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis a.Si Rey ang ooperahan bukas. b.Kahit labag sa loob ko, pumapayag na akong operahan si Inay. WALISIN/WALISAN Walisin-to sweep the dirt tumutukoy sa mga bagay na aalisin o lilinisin a.Walisin mo ang mga dahon sa bakuran. b.Ang mga basura sa kalye ay walisin mo. Walisan-to sweep the place, tumutukoy sa lugar a.Walisan mo ang bakuran. b.Sa dami ng mga basurang dala ng bagyong Yolanda, kinakailangan na talagang walisan ang mga kalye.
56
NABASAG/BINASAG BUMILI/MAGBILI Bumili-to buy a.Ang ina ng bata ay bumili ng insurance sa akin. b.Bumili ng tsokolate ang aking kaklase. Nabasag - tumutukoy sa kilos na hindi sinadya o hindi ginusto a.Umiiyak ang bata dahil nabasag niya ang plorera. b.Nagmamadali siyang maghugas kaya nabasag niya ang mamahaling baso. Binasag - tumutukoy sa kilos na sinadya o ginusto a.Galit na galit na binasag ng lalaki ang salamin ng kotse. b.Binasag ni Tatay ang mga baso nang nag-away sila ni Nanay. Magbili-to sell a.Trabaho ng ina ng bata ang magbili ng insurance. b.Ang aking kaklase ay mahilig magbili ng tsokolate tuwing tanghalian.
57
PAHIRIN o PAHIRAN/ PUNASIN o PUNASAN SUNDIN/SUNDAN Sundin-to obey, pagsunod sa payo o pangaral a.Sundin mo ang sinasabi ng iyong mga magulang. a.Dapat ay lagi mong sundin ang sinasabi ng mga mas nakatatanda sa’yo. Sundan-to follow, gayahin o pumunta sa pinupuntahan ng iba a.Sundan mo siya at baka maligaw. b.Sundan mo ang kabayanihang ginawa ng ating mga ninuno. Pahirinat Punasin –nangangahulugang alisin o tanggalin a.Pahirin mo ang luha sa iyong mga mata. b.Punasin mo ang pawis sa iyong likod. Pahiranat Punasan –nangangahulugang lagyan a.Pahiran mo ng palaman ang tinapay. b.Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
58
KUMUHA/MANGUHA AGAWAN/AGAWIN Agawan-sinusundan ng pang-ukol na NG a.Huwag mong agawan ng laruan ang bata. b.Ang bata ay huwag mong agawan ng laruan. Kumuha-to get a.Kumuha ka ng pera sa aking pitaka. b.Ang mga bata ay kumuha ng kanin sa kaldero. Manguha-to collect, to gather a.Nanguha ng kabibe ang mga bata sa dalampasigan. b.Ang mga bata ay nanguha ng impormasyon sa internet. Agawin-sinusundan ng pantukoy na ANG a.Huwag mong agawin ang aking minamahal. b.Maling agawin ang mga bagay na hindi mo pagmamay-ari.
59
Abutin-sinusundan ng pantukoy na ANG a.Magsikap kang abutinang iyong mga pangarap sa buhay. b.Hindi madaling abutin ang iyong mga pangarap. HAGIS /IHAGIS Hagis-ginagamit bilang pangngalan o noun a.Ang hagis ng bola ay napakataas. IHAGIS -ginagamit bilang pandiwa o verb a.Ihagis mo ang bola. ABUTAN/ABUTIN Abutan-sinusundan ng pang-ukol na NG a.Huwag mong abutan ng pera ang batang namamalimos.. b.Bawal kang abutan ng gabi sa daan.
60
BILHAN /BILHIN Bilhan-sinusundan ng pang-ukol na NG a.Marapat lamang na bilhan mo ng bagong damit ang mga bata. b.Bilhan mo ng pagkain ang mga mananahi. Bilhin-sinusundan ng pantukoy na ANG a.Bilhin mo ang relo na iyon. b.Huwag mong bilhinang inilalako ng taong iyan. PUSPUSAN/PUSPUSIN Puspusin-pandiwang nangangahulugang pagkalooban a.Mabait ang mag-asawang iyan. Nawa’y puspusin ang kanilang anak ng mga biyaya mula sa Maykapal. Puspusan-ginagamit bilang pang-abay a.Puspusan ang ginagawang pag-eensayo ng mga guro at batang mamamahayag para sa gaganaping RSPC 2015.
61
HARAPAN /HARAPIN HARAPAN-pangngalan tumutukoy sa bahagi ng isang bagay a.Maaliwalas ang harapan ng kanilang bahay. b.Mayroon daw itinatayong bagong bahay sa harapan ng plaza. HARAPIN-pandiwa tumutukoy sa hindi pagtalikod sa isang sitwasyon a.Harapin mo ang iyong mga kalaban. b.Huwag mong talikuran ang iyong mga problema. Harapin mo ito.
62
NAPATAY /NAMATAY NAPATAY-may tiyak na tao o hayop na pumaslang / sinadya a.Napatay nila ang aking alagang aso kagabi. b.Maraming tao ang napatay dahil sa umaatikabong bakbakan ng mga rebelde at sundalo. NAMATAY-kung ang isang tao ay binawian ng buhay dahil sa sakit, katandaan o anomang dahilang hindi sinasadya a.Namatay ang aking lolo dahil sa sakit na TB. b.Ang matandang bangkero daw ay namatay dahil sa masamang bangungot. MAGSAKAY /SUMAKAY MAGSAKAY-to load a.Ayaw kong magsakay ng karagdagang pasahero ngayon. b.Magsakay ka ng sampung kahon ng mangga sa kariton. SUMAKAY-to ride a.Ayaw kong sumakaysa sasakyan ng kaskasirong drayber. b.Bilisan nating sumakay dahil malapit na tayong mahuli.
63
IWAN /EWAN ( pares minimal ) IWAN-nangangahulugang paglisan o pag-alis ng isang tao sa isang lugar malayo man o malapit a.Iwan mo na siya kung kinakailangan. b.Bakit ba nais mo akong iwan tuwina? EWAN-ekspresyong nangangahulugan ng pagkainis a.Hay naku! Ewan ko sa iyo. b.Ewan ! Ang kulit mo talaga.
64
a.May kumakatok. Buksan mo ang pinto. b.Bukas ang pinto.Pumasok ka na. c.Natanggal ang pinto sa pintuan. d.Tumayo ka sa may pintuan.
65
a.Nagmamadaling inakyat ni Susan ang hagdan. b.Mag-ingat ka at baka mahulog ka sa hagdan. c.Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana. d.Ang susi ng bahay ay nakatago sa likurang bahagi ng hagdanan.
66
KITA /KATA KITA-Kapag ang isa ay siyang gaganap para sa kausap a.Ibibili kita ng pagkain bukas. b.Kakausapin kita. KATA-Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa. a.Kata ay magsisimba bukas. b.Maghugas katang pinggan sa kusina. SILA, NILA,SINA, NINA SILA/NILA-Panghalip na panao at hindi na susundan ng noun a.Sila ay aalis na bukas ng gabi. b.Nais na nilang umalis bukas ng gabi. SINA/NINApantukoy na maramihan na sinusundan ng noun a.Sina Ana at Maria ay pawang magaganda. b.Binilisan nina Ana at Maria ang paglalakad.
67
Upang lubos ninyong "maunawaan ang wastong gamit ng mga salita kayo’y aatasang sumulat ng isang maikling katha. Nasa sa inyo na kung anong magiging paksa kailangan lamang na ito ay naglalaman ng wastong gamit ng mga salita. Gawain
68
RUBRIK SA PAGSULAT PAMANTAYAN LAANG PUNTOS NAKUHANG PUNTOS Organisasyon 3.5 Pagbaybay, Gramatika, at Bantas 3.5 Nilalaman 3 KABUOANG PUNTOS10
69
KASUNDUAN Sa isang buong papel, sumulat ng isang repleksyon tungkol sa isyung mapapanood ninyo sa telebisyon o kaya’y sa internet gamit ang wastong gamit ng mga salita. Itala kung anong petsa ninyo ito napanood, ano ang paksa o isyu at ang inyong rekasyon. Sa susunod na pagkikita ay irerepresenta ang isinagawang repleksyon sa pamamagitan ng pagsasadula kalakip niyo ang paglalapat ng pagkilos, iba’t ibang emosyon at pagsasaawit dito.
70
RUBRIK SA PAGSULAT NG REPLEKSYON PAMANTAYAN LAANG PUNTOS NAKUHANG PUNTOS Organisasyon 3.5 Pagbaybay, Gramatika, at Bantas 3.5 Nilalaman 3 KABUOANG PUNTOS10
71
RUBRIK SA PAGSASADULA PAMANTAYANLAANG PUNTOSNAKUHANG PUNTOS Ekspresyon ng Mukha 5 Pagpili ng mga salitang ginamit 5 Pagkamalikhain 5 Dating sa manonood 5 KABUOANG PUNTOS20
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.