Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byJessica Oli Modified over 2 years ago
1
MAGING LAGING HANDA SA MGA KARANIWANG PINSALA HEALTH 5 Ikaapat na Markahan JESSICA G. OLI
2
Karaniwang Pinsala at Kondisyon SUGAT Karaniwang Pinsala at Kondisyon Karaniwang hindi nangangailangan ng daliang pagdadala sa ospital. Maaaring gawin ang mga sumusunod na pamamaraan: a. Hugasan ang mga kamay na nasugatan ng malinis na tubig at sabon. b. Pagpapatigil sa pagdurugo gamit ang malinis na tela o bulak. c. Linising mabuti ang sugat mas mainam na patagalin ang sabon sa loob ng sugat upang maiwasan ang mikrobyo, banlawang mabuti.
3
Karaniwang Pinsala at Kondisyon SUGAT Karaniwang Pinsala at Kondisyon d. Lagyan ng gamot o antibiotic. e. Takpan ang sugat ng bandage. f. Palagiang palitan ang mga bandage ng sugat isang beses sa isang araw. g. Kung malalim ang sugat nangangailangan itong tahiin sa malapit na health center o ospital. h. Suriing mabuti ang sugat at palagiang tingnan ang mga sintomas o palatandaan ng impeksiyon. Kung may impeksyon paturukan ng anti-tetanus ang pasyente.
4
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Pagdur- ugo ng Ilong Karaniwang Pinsala at Kondisyon Ang balinguyngoy o pagdurugo ng ilong ay isang karaniwang kondisyon ng nangangailangan din ng karampatang lunas. a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa sandalan ng upuan. Kinakailangan ito upang mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng ilong at maiwasan ang pagdaloy ng dugo pabalik sa iyong katawan
5
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Pagdur- ugo ng Ilong Karaniwang Pinsala at Kondisyon b. I masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig habang ito ay isinasagawa. Ito ay isinasagawa upang maiwasan ang patuloy na pagdurugo ng ilong. c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang pagsinga at huwag yumuko nangangailangan ang ganitong kondisyon na mapanatili na mas mataas ang iyong ulo kaysa sa iyong puso. d. Sa patuloy na pagdurugo gumamit na ng nasal sprayer at sumangguni sa doktor.
6
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Kagat ng Insekto Karaniwang Pinsala at Kondisyon Karamihang reaksiyon ng kagat ng insekto ay ang pamumula, pangangati at pagkairitable. a. Alisin sa lugar ang pasyente kung saan ito nakagat. b. Hugasan ang bahaging nakagat ng insekto. c. Maglapat ng cool compress o kaya ay isang tela na may malamig na tubig o puno ng yelo.
7
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Kagat ng Insekto Karaniwang Pinsala at Kondisyon d. Ilapat ang isang cream, gel o lotion sa bahaging nakagat upang maiwasan ang pangangati. Kung wala ka sa bahay nito maaaring gumamit ng baking soda. e. kung tuluyang lumala ito dalhin sa pinakamalapit ng health center o ospital.
8
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Kagat ng Hayop Karaniwang Pinsala at Kondisyon a. Kung ang sugat ay mababaw lamang at walang rabbies, hugasan ang sugat ng sabon at malinis na tubig, lagyan ng antibiotic at takpan ang sugat. b. Kung ang sugat naman ay malalim takpan ang sukat na isang malinis na tela upang maampat ang dugo, talian ito at daliang dalhin sa doktor. c. Kung may mapapansin kang palatandaan ng may impeksyon, tulan ng pamamaga, pamumula, nadagdagan ang sakit, dalhin kaagad sa pinakamalapit na health center o ospital.
9
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Paso Karaniwang Pinsala at Kondisyon Nangangailangan ng agarang pansin ang isang pasyenteng napaso kung ito ay malubha at magdudulot sa pasyente ng iritableng pakiramdam at labis ng sakit. a. Dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 minuto upang maibsan ang sakit.
10
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Paso Karaniwang Pinsala at Kondisyon b. Kung mayroong mga Iintos, huwag itong tusukin. Panatilihin itong tuyo at malinis. Huwag bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw. Takpan ang may pinsalang bahagi ng malinis na damit. Plantsahin muna ito bago gamitin. c. Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan. Huwag gagawa ng anuman sa pasyente. Pahigain at takpan siya ng malinis na damit upang manatiling mainit.
11
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Paso Karaniwang Pinsala at Kondisyon d. Kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng 20 minuto pagkaraan ng 24 oras. Haluan ng ½ tasang asin ang isang palanggana o kaya'y isang timba ng mainit-init na tubig. Ibabad ang napasong bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang matuyo ang paso. e. Sabunin at hugasan ang sabila. Dikdikin ito at katasin. Lagyan ng katas ng sabila ang bahaging may pinsala pagkatapos na maibabad sa malnit- init na tubig na may asin, minsan isang araw.
12
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Pagka- lason sa Pagkain Karaniwang Pinsala at Kondisyon Ang pagkalason sa pagkain sa nagmumula o sanhi sa mga kagamitang ginamit at sa uri ng pagkaing kakainin. Narito ang ilang paraan upang bigyan ng pangunang lunas ang taong nalason. a.Tiyakin na nakainom ng maraming tubig upang mapanatili ang iyong katawan na hydrated at magpahinga.
13
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Pagka- lason sa Pagkain Karaniwang Pinsala at Kondisyon b. Kumuha ng isang basong mainit-init na tubig, magdagdag ng ilang patak ng lemon o kalamansi at lagyan ng kaunting asukal at asin, ipainom ito sa pasyente. c.Kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya upang mapigilan ang lason. d. Kung ngtagal pa ang pagsusuka at pagtatae ng higit sa isang araw sumangguni na sa doktor.
14
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Pamu- mutla at Pagka- himatay Karaniwang Pinsala at Kondisyon Ang pagkahimatay at pamumutla ng isang tao ay nangyayari kapag hindi sapat ang supply ng dugo sa iyong utak. Ito ay kalimitang maikling oras lamang. a. Kung sa iyo ito mangyayari, maaaring ikaw ay humiga o umupo upang dagliang mawala ang panlalabo at pagkahilo. b. Umupo at ilagay ang iyong ulo sa pagitan ng iyong mga tuhod.
15
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Pamu- mutla at Pagka- himatay Karaniwang Pinsala at Kondisyon c. Kung nangyari naman ito sa ibang tao, itaas ang mga binti ng mas mataas kaysa sa ulo, paluwagin ang sinturon o collar ng damit ng pasyente. d. Buhatin ang pasyenteng nahimay ng dahan-dahan lamang. e. Maaring gumamit ng gamot na ammonia na ipaaamoy sa pasyente.
16
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Sprains/Ba li Karaniwang Pinsala at Kondisyon Ang sprain o bali ay isang pinsala sa isang litid na nagkakaroon ng siwang kung kayat nagkakaroon ng pamamaga. a. Ipahinga ang bahagi ng katawan na may sprains o bali. b. Lapatan ng yelo ang bahaging may sprain o bali ng 15 – 20 minuto upang maiwasan ang pamamaga.
17
Karaniwang Pinsala at Kondisyon Sprains/B ali Karaniwang Pinsala at Kondisyon c. Balutan ng bandage ang bahaging may sprains o bali, siguraduhing masikip ang pagkakatali ng bandage d. Dalhin sa pinakamalapit na health center o ospital kung kinakailangan.
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.