Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byAnne Jasmin Lofranco Modified over 2 years ago
1
Aralin 3.1 Ang Sariling Wika (Tulang Kapampangan)
“Mahalin at ipagmalaki, sariling wika natin”
2
Simulan Natin Ang wika ay ang kaluluwa ng bansa. Ang mabisang paraan upang maiparating ang nararamdaman at naiisip ng tao ay naipadarama o naipahahayag sa pamamagitan nito. Ang pagkakaroon ng isang wika ng isang lugar o bansa ang pangunahing salik kung bakit nagkakabuklod- buklod o nagkakaisa ang mga mamamayan sa kanilang mga layunin at mga adhikain. Ayon sa paliwanag ng isang dalubwika, “ang wika ay isang kabuoan ng mga sagisag na panandang binibigkas sa isang tiyak na lugar o komunidad kung saan sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay-ugnay, nagkakaunawaan, nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.” Yamang ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo, iba’t iba ring mga wika ang nabuo sa bansa. Sa kasalukuyan, may humigit- kumulang sa 110 wika at diyalekto ang ginagamit sa bansa.
3
Mga Pangunahing Wikang Sinasalita sa Bansa
Bilang panimula, magbigay ka ng walong pangunahing wikang sinasalita sa iba’t ibang pulo o lugar sa bansa. Isaulat ang iyong sagot sa Bubble Map. Mga Pangunahing Wikang Sinasalita sa Bansa
4
Alam mo ba? WIKA ang pinakamahalagang bagay na naimbento o nagawa ng tao sa mundo. Mahalaga ito sapagkat ito ang kasangkapang kailangan upang magkaunawaan. Hindi naitala sa kasaysayan kung paano nagsimula ang pagkakaroon ng wika ng mga tao sa mundo. Nagsimulang magtalastasan ang mga tao sa pamamagitan ng mga ungol o tunog na tulad ng sa hayop na sinabayan ng mga kumpas upang mabilis na maihatid ang mensaheng nais ipabatid.
5
Teorya na pinagmulan ng wika
Teoryang “Bow-wow” – ginagaya ng mga tao ang tunog ng kalikasan. Ang mga sinaunang tao diumano ay kulang na kulang sa mga salitang magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutuhan nilang tawagin sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilang kung bakit ang tuko ay tinatawag na tuko dahil sa tunog na nalilikha nito.
6
Teorya na pinagmulan ng wika
Teoryang “Yum-yum” – pinag-uugnay ng teoryang ito ang tunog at ang kilos ng pangangatawan. Ang tao ay tumutugon sa mga bagay na nangangailangan ng paggalaw at ginagaya ito sa pamamagitan ng kanilang bibig. Teoryang “Pooh-pooh” – ang tao ay lumilikha ng tunog na may kahulugan upang maipahayag ang tindi ng damdaming nararamdaman tulad ng galit, tuwa, galak, takot, pangamba, at iba pa.
7
Ayon sa mga pag-aaral ng mga dalubwika, ang mga teoryang nabanggit ay maituturing na may kakulangan upang ganap na maipaliwanag ang kasalimuotang taglay ng pinagmulan ng wika. Gayunpaman, ayon sa pananaw ng mga relihiyoso ang paliwanag dito ay matatagpuan sa Bibliya. Kung ating babasahin ang isinasaad ng Genesis 11:1-9, dito ay mapapansin nating ang wika ay kaloob ng Diyos sa tao. Ang Diyos ang nagtakda ng wika sa bawat bansa. Kaya anumang wika ang ating sinasalita, dapat ito ay ating mahalin at pahalagahan sapagkat sa pamamagitan nito ay ating naipahahayag ang lahat ng nilalaman ng ating puso at isipan.
8
Halina’t iyong tunghayan ang tulang isinulat sa wikang Kapampangan ni Monica R. Mercado na may pamagat na “Ing Amanung Siswan” na isinalin sa Filipino ni Lourdes C. Punzalan na may pamagat na “Ang Sariling Wika” na nagsasaad kung gaano kahalaga ang wika ng isang lugar o bansa.
9
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat (F7PT-IIIa-c-13)
Panuto: Pangkatin ang mga salitang nakasulat sa kahon batay sa kung saang kaisipang nakatala sa ibaba maaaring iugnay ang mga ito. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ito ang iyong ginawang pagpapangkat. buhay hiyas halaga diwa kagandahan panghalina ginto katangian sigla Kayamanan Kaluluwa Kariktan Paliwanag:
10
Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. dumadaloy d. paunlarin b. lambing e. sagisag c. malaman f. tunog na nalilikha sa paglipad ng ibon ______ 1. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ang kaluluwa ng lahi natin. ______ 2. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating Inang- Bayan gamit ang mga salitang kaysarap pakinggan. ______ 3. Kailangang mabatid ang bawat Pilipino na ang wika ay tuladd ng isang gintong pamana sa ating ng ating mga ninuno. ______ 4. Ang sariling wika ng isang lahi ay may taglay na aliw-iw at himig na kahali-halina. ______ 5. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa himpapawid.
11
Tulang/Awiting Panudyo Tugmang de-Gulong Bugtong Palaisipan
Mga Kaalamang Bayan Tulang/Awiting Panudyo Tugmang de-Gulong Bugtong Palaisipan
12
1. Tulang/Awiting Panudyo
Akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam. Kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula. Halimbawa: Ako ay isang lalaking matapang Huni ng tuko ay kinatatakutan. Nang maligo, kinuskos ng gugo. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo.
13
2. Tugmang de-Gulong Mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay binuo ni Dr. Paquito Badayos. Halimbawa: 1. Ang di magbayad sa kanyang pinanggalingn ay di makabababa sa paroroonan. 2. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na. 3. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang bayad ka na.
14
3. Bugtong Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi lamang. Noon karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay aliw sa mga namatayan ngunit nang lumaon ay kinagigiliwan na ring laruin kapag may mga handaan o pistahan. Halimbawa: 1. Nagtago si Pilo Nakalitaw ang ulo. (Sagot:pako) 2. Pagsipot na sa liwanag, Kulubot na ang balat. (Sagot:ampalaya)
15
4. Palaisipan Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito na pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas ng oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo. Ang ganitong uri ng panitikan ay laganao pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat ito’y talaga namang nakapagpapatalas sa isipan ng mga mag-aaral. Ito ay hindi na lamang pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa usapan sa Internet. Halimbawa: May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lamang nagalaw ang sombrero? (Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)
16
Sumulat ng paghahambing ng mga katangian ng akdang patulang tinalakay sa araling ito.
17
Mga Katangian ng Akdang Patula
Tulang Panudyo Tulang de-Gulong Bugtong Palaisipan
18
KASANAYAN PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA
Basahin ang iba pang halimbawa ng tulang panudyo, de-gulong, at palaisipan sa ibaba. Tulang Panudyo Kotseng kakalog-kalog Sindihan ng posporo Sa ilog ilubog. Batang makulit Palaging sumisitsit Sa kamay mapipitpit.
19
Tulang De-Gulong Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi, tayo’y hihinto. Huwag dume-kuwatro sapagkat dyip ko’y di mo kuwarto. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga. God know’s Hudas not pay. Mga pare, please lang kayo’y tumabi pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala—ang aking manibela.
20
Bugtong/Palaisipan Isang pinggan, abot bayan.
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Ano ang nasa gitna ng dagat? Paano mo ilalagay o isusuot ang sinulid sa butas ng karayom sa likod ng iyong batok?
21
Pag-isipan at Pag-usapan
Tungkol saan ang mga tulang panudyo sa itaas? Malinis nga kaya ang makaririnig o pagsasabihan ng mga nasabing tula? Ano ang kahulugan ng mga tulang de-gulong na iyong nabasa? Bigyan ng pagpapaliwanag ang bawat isa. Sagutin ang mga bugtong at palaisipan sa itaas. Napag-isip ka ba nang husto sa pagsagot nito? Paano nakatutulong sa iyo ang mga ganitong uri ng akda? Ipaliwanag ang iyong sagot.
22
Basahing muli ang mga tula sa itaas ngunit sa pagkakataong ito ay huwag lagyan ng damdamin o buhay ang pagbigkas. Gawing isang tono lamanag ang pagbigkas nito. Anong napansin mo habang binibigkas ito nang walang damdamin?
23
Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit.
A. 1. Totoo? Maganda siya? Totoo! Maganda siya. 3. Mahal ka niya? Mahal ka niya. 2. Magagaling? Sila? Magagaling sila. B.1. May bisita tayo bukas? May bisita tayo bukas. 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari? Ikaw ang may-sala sa nangyari.
24
Sagutin : Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga pahayag sa B1 at B2? Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2? Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.
25
Pagpapayamang Pangkomunikatibo
Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang padamdam. Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba, diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.
26
HALIMBAWA: 3_ ga 1. 2 2. 3 la 2 ta 1 la ta 1 ga 3_ pon 3. 2 ka 1 4. 3
1. 2 2. 3 la 2 ta 1 la ta 1 ga 3_ pon 3. 2 ka 1 4. 3 ha 2 ka ha 1 pon
27
Mga gabay na tanong: Bago ang talakayan, aalamin na muna natin ang ibig sabihin ng Ponemang Suprasegmental at ano ang pinagbubuhatan ng salitang ito upang lubos na maunawaan natin ang aralin. Ano ang ponema? Ano ang kahulugan ng suprasegmental? Ano naman ang ibig sabihin ng segmental?
28
Alam mo ba na…. Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mahahalagang tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos magkakatulad ang kaligirang baybay. Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa maagham na paraan.
29
Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na
taglay ang kahulugan samantalang graphemes pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon. Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa naman ang tawag sa kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
30
Ang salitang “Ponema” ay mula sa salitang Griyego na “Phoneme” na
nangangahulugang makatuturang tunog at ng “Phone” na nangangahulugang salitang tinig (boses) na naaasimila sa wikang Filipino bilang Ponema. Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog samantalang ang suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa ponemang segmental na ang tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)
31
Halimbawa: Sinigang Baboy, Sa pagluluto natin ng alin kaya dito ang
maihahalintulad sa tunog o ponema?Alin ang pinakaprinsipal na sangkap o ang segmental at alin naman ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental? Ang ponema rito ay ang sinigang, ang pinakaprinsipal na sangkap ay ang baboy o ang segmental at ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental ay ang lahat ng mga rekados na nagpapasarap sa nilutong sinigang na baboy. Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang pagkakalahad ng kahulugan, layunin at intensyon kung wala ang mga pantulong sa pagbubuo nito na ginagampanan ng apat na suprasegmental: tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)
32
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita. 1. Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. -Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
33
Mga halimbawa: a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY / = humihinga pa lamang b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /= nakahihigit; nangunguna 2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas. Mga Halimbawa: a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag b.) Talaga Talaga = 213, pag-aalinlangan = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
34
Antala/ Hinto - Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling ( - ). Mga Halimbawa: Hindi/ ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.) Hindi ako, si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua.) Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)
35
Karagdagang Kaalaman:
= nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan ? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas halimbawa: /SU:ka?/ =vinegar /BA:ga?/ = lungs / BA:ta?/ = child h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga halimbawa: /SU:kah/ = vomit /BA:gah/ = for instance, or for example (for explaining something) / BA:tah/ = robe, damit na sinusuot upang di malamigan
36
: = banayad na pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba sa pagbigkas ng salita
. = ang kagyat na pagbigkas ng salita Halimbawa: / bu:hay/ = magiging mahaba ang pagbigkas sa bu kapag ang tinutukoy na kahulugan ng salita ay life / bu.hay/ = ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay nangangahulugang humihinga pa. / pu:no?/ = tree / pu.no?/ = full / ta:nan/ = umalis nang walang paalam / ta.nan/ = nangangahulugang lahat sa Cebuano na tanggap na sa Filipino
37
Gawain : Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang
may iba-ibang diin. Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito. /BU:kas/= / bu:KAS/ = /LI:gaw/= / li:GAW/ = /GA:lah/= / ga:LAH /= 4./PU:la?/= / pu:LAH/ = 5./BU:koh/= / bu:KOH/ =
38
Mga kahulugan ng salita ayon sa diin.
1. /BU:kas/= tomorrow 2./LI:gaw/= _to court 3./GA:lah/=long sleeve shirt 4./PU:la?/= to criticize 5./BU:koh/= _coconut / bu:KAS/ = open / li:GAW/ = _wild / ga:LAH /= palaboy / pu:LAH/ = _red color / bu:KOH/ = being discovered
39
Pagsasanay 1: Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas. 1. / SA:ka/ - / sa:KA/ - 2. / BU:hay/- / bu:HAY/ /ki:tah/ / ki:TA?/ /ta:lah/ /ta:la?/ /ba:lah/- /ba.la?/
40
PAGSASANAY 2: TONO Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa sagutang papel. Kanina kanina mayaman mayaman magaling magaling kumusta kumusta Ayaw mo Ayaw mo = , pag-aalinlangan = , pagpapatibay, pagpapahayag = , pagtatanong = , pagpapahayag = , pagpupuri = , pagtatanong na masaya = , pag-aalala = , paghamon
41
PAGSASANAY 3: DIIN Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa diin. Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also) 1. /BA:ba/ - /ba:BA/ - 2. /BA:ta?/ - / ba:TAH/ - 3. /BA:gah/ - /ba:GA?/ - 4. /LA:bi// - / la:BI/ - 5. /BA:sah/- / ba:SA?/ -
42
1./BA:ta?/ = child_ / ba:Tah/ = robe_
Mga Kasagutan sa pagsasanay 3: 1./BA:ta?/ = child_ / ba:Tah/ = robe_ 2./BA:gah/= ningas ng apoy /ba.GA?/ = lungs 3./LA:bi?/ = lips / la:BI? / = corpse 4./BA:sah/= to read / ba:SA?/ = wet_ 5./BA:ba?/= jaw / ba:BA?/ = _go down
43
PAGSASANAY 4: HINTO/ ANTALA
Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko. Hindi siya ang kaibigan ko.
44
PAGLALAHAT Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay ng kahulugan, layunin at intensyon? Ipaliwanag.
45
Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan. (F7PS-IIIa-c-13) Bigkasin nang malakas ang mga tulang sinuri sa lunsarang pangwika. Gamitin ito ng wastong tono, intonasyon, antala, pagkumpas ng kamay, at galaw ng mata at katawan sa pagbigkas. Gamitin ang rubric bilang gabay at pagmamarka sa gawaing ito.
46
Kotseng kakalog-kalog Sindihan ng posporo Sa ilog ilubog.
Tulang Panudyo Kotseng kakalog-kalog Sindihan ng posporo Sa ilog ilubog. Batang makulit Palaging sumisitsit Sa kamay mapipitpit.
47
Tulang De-Gulong Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi, tayo’y hihinto. Huwag dume-kuwatro sapagkat dyip ko’y di mo kuwarto. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga. God know’s Hudas not pay. Mga pare, please lang kayo’y tumabi pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala—ang aking manibela.
48
Bugtong/Palaisipan Isang pinggan, abot bayan.
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Ano ang nasa gitna ng dagat? Paano mo ilalagay o isusuot ang sinulid sa butas ng karayom sa likod ng iyong batok?
49
RUBRIK sa Pagbigkas MGA PAMANTAYAN PUNTOS AKING PUNTOS
Maliwanag na nabigkas at nalapatan ng may wastong ritmo (tono, diin, at antala ang pagbigkas.) 10 puntos Angkop ang bawat kilos at ekspresyon ng mukha sa tula; kumpas ng kamay, galaw ng mata, labi at iba pa. Kabuoang puntos 20 puntos 10 – napakahusay – di-mahusay 8 – mahusay – nangangailangan pa ng pagsasanay 6 – katamtaman
50
Sariling Tula, Isulat at Bigkasin
Nakasusulat ng sariling tula/awiting panudyo,tugmang de-gulong, at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan at nakapag-aangkop ng wastong tono o intonasyon sa pagbigkas nito.(F7PU-IIIa-c-13) May paligsahan sa inyong paaralan para sa pagsulat ng tula/awiting panudyo,tugmang de-gulong, at palaisipan. Bahagi ito ng proyektong ng Departamento ng Filipino sa inyong paaralan na makapagtipon ng iba’t ibang panitikang naglalarawan sa pagkakakilanlang Pilipino. Lahat kayo sa inyong klase ay naatasan ng inyong gurong lumahok sa pagligsahan kaya’t kailangan mong paghusayan ang iyong paggawa. Gamitin mo ang lahat ng kaalamang natutuhan mo sa araling ito sa pagbuo ng sariling akda gayundin ang rubric na makikita mo sa ibaba.
51
RUBRIK MGA PAMANTAYAN PUNTOS AKING PUNTOS
May orihinalidad at akma sa paksa ang mga tulang nabuo 10 puntos Kompleto ang tulang nabuo (tulang panudyo, tugmang de-gulong, at palaisipan) Naiangkop ang tamang intonasyon, diin, at antala sa pagbigkas. Angkop ang bawat kilos at ekspresyon ng mukha sa tula; kumpas ng kamay, galaw ng mata, labi at iba pa. Kabuoang puntos 40 puntos 10 – napakahusay – di- masyadong mahusay 8 – mahusay – nangangailangan pa ng pagsasanay 6 – katamtaman
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.