Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Noli me tangere NI JOSE P. RIZAL

Similar presentations


Presentation on theme: "Noli me tangere NI JOSE P. RIZAL"— Presentation transcript:

1

2 Noli me tangere NI JOSE P. RIZAL
KABANATA 3 Noli me tangere NI JOSE P. RIZAL

3 MGA TAUHAN

4 Crisostomo Ibarra - tampok na panauhin ni Kapitan Tiago at para sa kanyang pagdating ang inihandang hapunan

5 Padre Damaso - inakalang siya pa rin ang pinaka-importanteng panauhin sa handaang iyon at mapagkunwaring inialok ang kabisera ng upuan kay Padre Sibyla. Nagpakita siya ng hindi mabuting asal sa harap ng mga panauhin lalong lalo na kay Ibarra. Nagngitngit ito lalo sa galit ng mapunta sa kanya ang mga pangit na parte ng tinola

6 Maria Clara - dumating din ng gabing iyon si Maria Clara mula as kumbento. Ang kanyang pagdating ay kinahanga ng lahat dahil sa angkin niyang kagandahan

7 Padre Sibyla - nasisiyahan sa okasyon at tagasaway ni Padre Damaso kapag hindi nito mapigilan ang kagaspangan ng ugali Tinyente Guevarra - hindi mapigilang magmasid sa kulot na buhok ni Donya Victorina. Donya Victorina de Espadaña - Inis na inis sa Tinyente ng matapakan nito ang kola ng kanyang saya.

8 KABANATA 3 “Ang Hapunan”

9 BUOD Kabanata 3: Ang Hapunan Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at natamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapagpainis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan. Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera.

10 Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola.

11 Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari
Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag- aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkakaalam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang

12 Noli me tangere NI JOSE P. RIZAL
KABANATA 4 Noli me tangere NI JOSE P. RIZAL

13 MGA TAUHAN

14 1. Don Rafael Ibarra - Siya ang ama ni Crisostomo Ibarra. Siya ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan at ginagalang siya ng karamihan. Gayunpaman, siya din ay kinaiinggitan ng ilan, lalo na ng mga Kastila at mga pari. 2. Crisostomo Ibarra - Siya ay ang binatang anak ni Don Rafael Ibarra na nag-aral sa Europa. Sa kabanatang ito, kanyang inalam ang tunay na nangyari sa kanyang ama. Napansin nya din ang mabagal na progreso at pagbabago sa kanyang bayan. 3. Tinyente Guevarra - Isa siyang matapat na tinyente. Siya ang nagsalaysay kay Crisostomo Ibarra ng mga tunay na pangyayari bago namatay ang kanyang amang si Don Rafael Ibarra.

15 Binanggit din sa kwento ang mga sumusunod na tao/ personalidad:
 Padre Damaso - Siya ay isang kurang pransiskano at nabanggit sa kwento na isa sa mga nakaalitan ni Don Rafael Ibarra. Ang Artilyero  - Siya ang maniningil ng buwis na naging dahilan ng pagkakakulong ni Don Rafael Ibarra. Ang grupo ng mga bata - Sila naman ang naging dahilan ng pagkagalit ng artilyero na nauwi sa pagtatalo nito at ni Don Rafael Ibarra. Kapitan Tiyago - Siya ang mangangalakal ng Binondo na binanggit ni Tinyente Geuvarra na maaaring magkwento kay Crisostomo Ibarra ng iba pang mga pangyayari ukol sa kanyang ama.

16 Dagdag Kaalaman: Ang erehe at filibustero na tinutukoy sa nobela ay si Don Crisostomo Ibarra. Ang isang tao ay tinuturing na erehe kung siya ay sumasalungat sa mga utos ng simbahan. Halimbawa nito ay ang hindi pangungumpisal ni Don Crisostomo Ibarra matapos niyang makaalitan si Padre Damaso. Ang pagiging pilibustero naman ay yaong mga naghihimagsik laban sa mga batas na pinaiiral ng mga paring Kastila noong mga panahong iyon.

17 KABANATA Ang Erehe at Pilibustero

18 BUOD Sa plasa ng Binondo ay nagpalakad-lakad si Ibarra at napansin nito na wala man lang pinagbago ang kanyang bayan sa kabila ng matagal na panahon niyang pangingibang-bansa. Tila wala man lang ipinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay palaisipan pa rin kay Ibarra ang sinapit ng ama. Sinundan naman siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael na ama ng binata ay isa sa pinakamayaman sa bayan ng San Diego. Siya ay matulungin at marami ang nagmamahal sa kanya.

19 Sa kabila ng pagiging mabait ay marami din umano ang naiinggit dito
Sa kabila ng pagiging mabait ay marami din umano ang naiinggit dito. Kabilang na diyan ang mga pari sa simbahan sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil dito, minabuti diumano ni Don Rafael na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila noon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinagkakatuwaan ng lahat na hinirang ni Don Rafael bilang isang kolektor. Isang araw ay ‘di nakapagpigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya naman inakma niyang saktan ang mga ito.

20 Tumakbo ng mabilis ang mga bata ng nang hindi niya maabutan ay ibinalibag niya ang baton at may tinamaang isa. Natumba ang bata at walang awang pinagsisipa ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael kaya inawat niya ito. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan diumano ng Don ang Kastila hanggang sa tumama ang ulo nito sa malaking bato. Natulungan ni Don Rafael ang binata samantalang ang Kastila ay sumuka ng dugo hanggang sa natuluyang mamatay. Dahil sa pangayayaring iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon ang mga gwardya sibil. Ikinulong nila si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway.

21 Pinaratangan siya ng pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago diumano ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog. Nangawala at tumalikod ang mga dating kaibigan ng Don. Sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na si Tinyente Guevarra ay nasisiraan ng bait, tanging siya na lamang ang naging kakampi ni Don Rafael.

22 Ayon sa pakiusap ng Don, ang Tinyente rin ang humanap ng Kastilang abugado para dito. Sa kabila ng kahusayan ng abogado ay tumagal at naging masalimuot ang kaso dahil na rin sa pagsulputan ng mga kalaban ng Don. Ang masaklap pa dito, hindi pa man tapos ang paglilitis ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas si Don Rafael. Dahil sa mga pangyayaring iyon ay labis na naapektuhan ang Don kung kaya’t ito ay nagkasakit. Tuluyang namatay sa bilangguan si Don Rafael. Wala man lamang nakiramay na kapamilya o kaibigan ang nasirang Don.

23 Sino Ako? HULAAN NIYO!

24 IV. PAGSUSURI

25 Saykolohikal/Sikolohikal
TEORYA PATUNAY MORALISTKO Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga alaala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Saykolohikal/Sikolohikal Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari.

26 Teoryang Arkitaypal Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiago.

27 Teoryang Realismo Teorya Patunay
Pinaratangan siya ng pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago diumano ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.

28 Teorya Patunay Naturalismo
Ito ay ang panahon na kung saan si Don Rafael ay ipinakulong sa salang 'di niya ginawa. Lahat ng mga inggit sa kanya ay nagsipaglabasan sa pangunguna ni Padre Damaso, ang matalik niyang kaibigan ngunit isang lihim na kaaway.

29 B. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman
1. Kalagayang Sosyal/Pangkabuhayan Sa ipinakitang ilustrasyon sa kabuuang bahay ni kapitan Tiyago kung saan naganap ang pagsasalu-salo na dinaluhan ng mga kastila at ilang mga Pilipino, mababatid sa kabanata ang mataas na kalagayang sosyal at pangkabuhayan. 2. Kulturang Pilipino Ang kulturang masasalamin sa ikatlong kabanatang “Ang Hapunan” ay ang pag-aalok ng upuan sa may pinakamataas na posisyon sa lipunan tulad kina Padre Damaso at Padre Sibyla. Ang ganitong pangyayari ay makikita sa bahay ng pamilyang Pilipino na kung saan ang kadalasang nakaupo sa panguluhan ng hapagkainan ay ang tatay o ‘di kaya’y nanay.

30 3. Pilosopiyang Pilipino Ang Pilosopiyang Pilipino na nakapaloob sa kabanata ay ang pagkain ng sabay-sabay ng isang pamilya tulad ng nakita sa kabanata 4 na “Ang Hapunan”.

31 4. Mga Tayutay na Napapaloob sa Kathang Sinuri
Simili o Pagtutulad (Simile) Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya.  Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra.

32 5. Simbolismong Pilipino
1. LEEG – pananakal ng mga Kastila sa mga Pilipino 2. PAKPAK – kawalan ng kalayaan, si padre Damaso ay isang kastila na sumasakal sa atin at kumuha sa kalayaan natin. 3. LAMANG-LOOB – sumisimbolo sa pag-asa ng mga Pilipino 4. Si IBARRA ay isang simbolo ng kabataan na magdadala ng pag-asa para makalaya ang Pilipinas.

33 C. Bisang Pampanitikan BISA SA ISIP at BISA SA DAMDAMIN Ang kabanatang ito ay nag-iwan ng epekto sa mga mambabasa. Ilan sa bisa sa isip ng akdang ito ay nagbigay kaalaman sa mga mambabasa kung paano inalipusta at ininsulto ang isang edukadong Pilipino sa harap ng maraming tao lalo na ng isang pari. Dahil dito, ang bisa sa damdamin ng akdang ito ay ang pagkakaroon ng ilang mga Pilipino ng paghihimagsik at pagtataguyod ng karapatan laban sa ‘di makataong pagtrato sa mga Pilipino.

34 BISA SA KAASALAN Sa kabanatang ito ipinakita kung paano nagpakumbaba si Ibarra sa pang-iinsultong ginawa sa kanya ni Padre Damasa habang siya ay nagkuwekuwento tungkol sa kanyang naging karanasan.

35 BISA SA LIPUNAN Hanggang sa kasalukuyang lipunang Pilipino ay masasalamin ang mga ‘di kanais-nais na lipunang Kastila. Katulad na lamang ng kabulukan ng sistema ng pulitika sa bansa na kabi-kabilang korupsyon. Katumbas ito ng mga pagkamkam ng lupa at iba pang di mabuting paggamit ng kapangyarihan ng mga prayle. Ngayon ay ginagawa naman ito ng mga pulitiko. Gayun din, ang impluwensya ng simbahan ay hindi pa rin natatanggal na kung uugatin ay babalik sa panahon ng mga Kastila. May kanser pa rin nga ang lipunan hanggang sa kasalukuyang panahon. Ibang klase nga lamang ito dahil ito ay komplikasyon nalang ng dating kanser noong panahon ng Kastila. Ito ay ang kanser ng kahirapan na komplikasyon ng kabi-kabilang korapsyon sa gobyerno at hindi mahusay na pamamahala.

36 Nakita sa kabanatang ito ang unang bagong kaisipang hango sa Europa ang isang bansang malaya ay umuunlad samantalang ang isang sakop na bansa ay patuloy na naghihirap. - Ibarra

37 Mga Katanungan: Ano ang pamagat ng dalawang kabanata? Sino ang nagtalo tungkol sa kung sino ang dapat na maupo sa kabisera? Ano ang inihain sa hapunan?

38 Mga Katanungan: 4. Anong parte o mga parte ng manok ang nakuha ni Padre Damaso? 5. Ano naman ang nakuha ni Crisostomo Ibarra?

39 Sagot: Ang Hapunan at Ang Erehe at Pilibustero Padre Damaso at Padre Sibyla Tinola Leeg at Pakpak Lamang loob


Download ppt "Noli me tangere NI JOSE P. RIZAL"

Similar presentations


Ads by Google