A picture is worth a thousand words. PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO.

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Dr. Sudhir Shah M.D., D.M. (Neurology)
Advertisements

The Intelligent Choice
The Low-cost Idea The low-cost idea has to start in people´s mind!
Forward looking statement
Manfred Mudelsee Department of Earth Sciences Boston University, USA
Swyx Technology Conference 2011
PowerPoint Historical Review
Presentation transcript:

A picture is worth a thousand words

PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika- 12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan. Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano.

 Nagsimula noong 1889 kung saan pormal na inilipat ng mga Kastila ang pamamahala ng bansa sa mga Amerikano.  Sa kabila ng pagsisikap na makamtan ang tunay na kalayan ay nagwakas lamang at namayani parin ang mga puti sa kanilang pananakop. Ang pagkaunsiyami ng mga Pilipino sa paghahanap ng kalayaan ay naibsan ng dumating ang mga puting Thomasites.  Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang nagging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.

MGA THOMASITES Isang pangkat ng mga grupong Amerikano na may misyong magturo at magbigay ng bagong sistema ang edukasyon sa mga Pilipino.

●Pinayabong nila at pinaunlad ang mga araling hindi binigyang pansin at ipinagkait ng mga kolonyalismo ng Kastila sa mga Pilipino. ●Nagpatayo sila ng “normal schools” na ang layunin ay hubugin ang kasanayan ng mga guro. ●Nagbigay sila ng libreng pag-aaral sa High School.

Dumami ang mga babasahin, nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag. Sa paraan ng pamamahala, pinaghiwalay ang simbahan at estado na naging dahilan ng pagkakaroon ng bagong sistema sa lipunan – ang sistemang malaya at demokrasya ang pinairal.

Mga Katangian ng Panitikan 1.Hangaring makamit ang kalayaan 2.Marubdob na pagmamahal sa bayan 3.Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo

DIWANG NANAIG SA PANAHON NG AMERIKANO 1.Nasyonalismo 2.Kalayaan sa pagpapahayag 3.Paglawak ng karanasan 4.Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP 1)Pagpapatayo ng mga paaralan 2)Binago ang sistema ng edukasyon 3)Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan 4)Ipinagamit ang wikang Ingles 5)Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan 6)Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan

MGA PAHAYAGAN EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900 EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900 Manila Daily Bulletin EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900

3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT 1.Maka-Kastila 2.Maka-Ingles 3.Maka- Tagalog

MGA DULANG IPINATIGIL 1.KAHAPON, NGAYON AT BUKAS sinulat ni Aurelio Tolentino 2.TANIKALANG GINTO ni Juan Abad 3.MALAYA ni Tomas Remegio 4.WALANG SUGAT ni Severino Reyes

PANITIKAN SA KASTILA 1.CECILIO APOSTOL –may pinakamabuting papuri kay Jose Rizal; A Rizal 2.FERNANDO MA. GUERRERO – unang hari ng panulaan sa Kastila; Crisalidas (Mga Higad) 3.JESUS BALMORI – “Batikuling”- nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila; El Recuerdo y el Olvido 4.MANUEL BERNABE – makatang liriko 5.CLARO M. RECTO – Bajo los cocoteros (sa lilim ng niyugan) 6.TRINIDAD PARDO DE TAVERA – ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang pilipino

PANITIKAN SA TAGALOG Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA” ni Modesto Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog.

Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog; Makata ng Puso: Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado; Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio Makata ng Buhay: Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandes Makata ng Dulaan: Aurelio Tolentino; Patricio Mariano; Severino Reyes; Tomas Remegio

 Lope K. Santos – Ama ng Balarilang Tagalog; Banaag at Sikat  Jose Corazon de Jesus – Huseng Batute; Isang Punongkahoy  Florentino Collantes- Kuntil Butil; Lumang Simbahan  Amado V. Hernandez – Makata ng mga Manggawa; Isang Dipang Langit; Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday  Valeriano Hernandez-Pena – Tandang Anong at Kintin Kulirat ; Nena at Neneng  Inigo ed Regalado – Odalager; Damdamin

ANG DULANG TAGALOG  Severino Reyes – Lola Basyan; Ama ng Dulang Tagalog; Walang Sugat  Aurelio Tolentino – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan; Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas  Hermogenes Ilagan- nagtayo ng samahang “Compana Ilagan” na nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon  Patricio Mariano- sumulat ng “ Ninay ” at “ Anak ng Dagat ” na siya nang obra maestra  Julian Cruz Balmaceda – “ Bunganga ng Pating ”

PANITIKANG PILIPINO SA INGLES  Jose Garcia Villa- “ Doveglion ”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles  Jorge Bacobo- sinulat “ Filipino Contact with America ”; A vision of Beauty  Zoilo Galang – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “ A Child of Sorrow ”  Zulueta De Costa – nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “ Like the Molave ”  Nvm Gonzales – may akda ng “ My Islands ” at “ Children of the Ash Covered Loom ”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India

 Angela Manalang Gloria- umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komonwelt  Estrella Alfon – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingkes bago magkadigma sinulat niya ang “Magnificence” at “Gray Confetti”  Arturo Rotor – may akda ng “The Wound And The Scar” – kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild

IBA PANG PANITIKAN Pedro Bukaneg- Ama ng Panitikang Ilokano; Bukanegan- kasingkahulugan ng balagtasan Claro Caluya – Prinsipe ng mga Mkatang Iloko; kilala sa pagiging makata at nobelista Leon Pichay- kinikilala bilang “pinakamabuting Bukanegero” Juan Crisostomo Soto – Ama ng Pantikang Kapampangan; Crisostan- kasingkahulugan ng Balagtasan Eriberto Gumban – Ama ng Panitikang Bisaya

Panitikang Patula sa Panahon ng Amerikano

Ang tula ay isang paraan ng masining na pagpapahayag na may layuning magpalutang ng isang uri ng damdamin na maaring pagpuri, paghanga, pag-awit, pag-ibig at pakikipagtalo. --- ito ay nagtataglay ng mahalagang sangkap  Tugma  Sukat  Talinghaga  kariktan

Apat na Uri ng Tulang Nakilala 1.Tulang pangkalikasan 2.Tulang liriko o pandamdamin 3.Tulang pasalaysay 4.Tulang Pandulaan

Sa panahon ng bagong mananakop ay nagging malakas ang hila ng tulang pandulaan. Kinalulugdan namalsak ang tulang pagtatalo – ang Balagtasan. Balagtasan ay isang uri ng patulang pagtatalo at tagisan ng katwiran sa masining na paraan na ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. hango sa pangalan ni Francisco Balagtas, ang tinaguriang “Ama ng Panitikang Pilipino” at ang “Sisne ng Panginay”.

 isa uri rin ng tulang pandulaan na itinanghal bilang parangal kay Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute). ANG BATUTIAN Ito ay isang uri rin ng tulang patnigan na nagbibigay diin sa matulang kaanyuan at mga aral tulad ng Balagtasan.

Ang Panitikang Tuluyan sa panahong ito, ang napagbuhusan ng panahong sulatin ay ang sanaysay, nobela o kathambuhay,maikling kwento at dula.

MAY NATUTONAN O MAY KATANUNGAN?

Maraming Salamat TAGAPAG-ULAT: ABONITA, KAREN L.