Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byLotte Poulsen Modified over 5 years ago
1
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Jannah C. Razon V- Ramon Magsaysay
2
Isa pang patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang polo y servicios o sapilitang paggawa. Sakop nito ang lahat ng kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang, na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol, gaya ng pagtatayo ng tulay, simbahan at paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon.
3
Polo Y Servicios o Sapilitang Paggawa
4
Polista ang tawag sa mga naglilingkod dito
Polista ang tawag sa mga naglilingkod dito. Sila ay nagtatrabaho nang 40 araw sa pamahalaan, ngunit ibinaba ito ng 15 araw noong May ilang polistang isinama ng pamahalaang Espanyol sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
5
Polista
6
Makaliligtas lamang sa polo ang isang Pilipino kung siya ay may kakayahang magbayad ng falla o multa bilang kapalit ng kaniyang hindi paglilingkod. Ngunit dahil sa kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito. Ang may katungkulan sa pamahalaang gaya ng gobernadorcillo, cabeza de barangay, at iba pang miyembro ng principalia ay ligtas din sa polo.
8
Maraming mga polistang Pilipino ang nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pagtatrabaho sa malayong mga lugar. Napabayaan din nila ang kanilang maga sariling kabuhayan at kadalasan ay lumalagpas pa sa takdang araw ang kanilang pagtatrabaho .
9
Dahil sa polo, maraming gusali at gawaing pampubliko ang naitayo
Dahil sa polo, maraming gusali at gawaing pampubliko ang naitayo. Sa katunayan ang mga lumang simbahang makikita mo sa ngayon ay itinayo ng polista. Para sa mga Pilipino noon, ang lahat ng ito ay bunga ng pang-aapi at pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanila. Ito rin ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng tao sa mga gawaing manwal o tinatawag na blue collar job hanggang sa kasalukuyan . Natatak na sa isipan ng marami na ang ganitong uri ng trabaho ay simbolo ng kahirapan at pang-aalipin.
10
Hindi ito nakayanan ng mga Pilipino, kaya ang patakarang ito ay naging isa sa mga sanhi ng pag-aalsa laban sa pamahalaang Espanyol. Halimbawa nito ang pag-aalsa ni Sumuroy sa Samar noong 1649 at 1650.
11
Bukod sa sapilitang paggawa ay sapilitan ding binili ng pamahalaang Espanyol ang mga produkto ng mga magsasaka. Sistemang bandala ang tawag dito. Ang bawat lalawigan ay binigyan ng takdang dami ng mga produktong ipagbibili sa pamahalaan.
12
Sistemang bandala
13
Ang mga produkto ay binibili ng pamahalaan sa murang halagang kadalasan ay hindi pa nababayaran. Ang mga natatanggap lamang ng mga magsasaka ay mga pangakong kasulatan o promissory note. Kapag nasiraan pa ng pananim ang mga magsasaka ay napipilitan silang bumili ng produkto sa ibang lugar upang mabuo ang kotang ibinigay ng pamahalaan na lalong nakadagdag sa kanilang paghihirap.
14
SALAMAT ! ! !
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com Inc.
All rights reserved.