Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Mga Bahagi ng Pahayagan

Similar presentations


Presentation on theme: "Mga Bahagi ng Pahayagan"— Presentation transcript:

1 Mga Bahagi ng Pahayagan
FILIPINO Mga Bahagi ng Pahayagan

2 Bantay-basa Isang gabi ay ginising si Adela ng kanyang ina. Nang idilat ni Adela ang kanyang mga mata ay biglang siyang napasigaw. Nakita niya ang kanyang ina na nanginginig ang buong katawan satakot. Nasa likuran niya ang isang lalaking hindi niya kilala. Kinuha niya ang baso ng tubig sa mesa at mabilis na ininom.

3 Mga tanong: Sino ang mga tauhan ng talata?
Ano ang nakita ni Adela sa likod ng kanyang ina? Bakit kya natatakot ang knyang ina? Ibigay ang iyong palagay.

4

5

6

7

8 mga bahagi ng pahayagan:
1. Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita editoryal 2. Editoryal o Pangulong Tudling 3. Balitang Pandaigdig/Pambansa 4. Balitang Pampamayanan 5. Pitak Pantahanan 6. Balitang Panlipunan 7. Panlibangan 8. Patalastas sa Pagkamatay o Obitwaryo 9. Anunsyo Klasipikado 10. Palakasan

9 Balita Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari

10 Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita
Ito ay ang balitang nakaimprenta nang malaki sa harap ng pahayagan upang makatawag pansin sa mga mambabasa. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para sa araw ng labas ng pahayagan

11 Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita

12 Editoryal Ito ay mahalaga sa anumang pahayagan. Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago. Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang kartung editoryal.

13

14 Editorial cartoon

15 Balitang Pandaigdig/Pambansa
Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

16

17 Balitang Pampamayanan
Naglalaman ito ng mga balita tungkol sa mga pangyayari o mga proyekto sa iba’t ibang dako ng bansa.

18 Pitak Pantahanan Nagtataglay ito ng mga resipe at iba pang mga tulong sa pag-aayos ng tahanan o paglutas ng mga suliraning pantahanan.

19

20 Balitang Panlipunan Nababasa dito ang tungkol sa mahahalagang salu-salo na kinabibilangan ng tanyag na mga mamamayan lalo na iyong mga nabibilang sa mataas na lipunan.

21

22 Panlibangan Dito nakikita ang talatakdaan ng mga palabas sa telebisyon, sinehan, at mga teatro at pitak artista.

23

24 Patalastas sa Pagkamatay o Obitwaryo
Nababasa rito ang anunsyo ng pagkamatay ng isang tao na ibig ipagbigay-alam sa kanyang mga kamag-anak o mga kaibigan.

25

26 Anunsyo Klasipikado Dito mababasa ang mga kalakal na ipinagbibili, mga pinauupahan, talaan ng mga espesyalista, o pagkakataon sa pagtatrabaho.

27

28 Palakasan Naglalaman ang bahaging ito ng mga balitang may kinalaman sa larangan ng palakasan maging sa loob o sa labas ng bansa.

29

30 Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlong
bahagi: a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg. b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan. c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng awtor.

31 Opinyon Paglalahad ng sariling saloobin at paninindigan
tungkol sa isang isyu

32 Lathalain (Feature Story)
Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na naglalayong tumuon sa isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay maaaring nagmumula sa sariling pananaw ng may-akda nito. Ito ay hindi kinakailangang laging nagsasaad ng isang katatapos na pangyayari lamang. Marahil ay pinakamalayang bahagi ng pahayagan. Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism, reviews, entertainment at culture pages ay nasa anyong lathalain.

33

34

35 Sabihin kung saang bahagi ng pahayagan ang mga sumusunod:
1. Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari . 2. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para sa araw ng labas ng pahayagan. 3. Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang kartung editoryal. 4. Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. 5. Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism,

36 Isulat kung anong bahagi ng pahayagan ang ipinakikita sa larawan.
5


Download ppt "Mga Bahagi ng Pahayagan"

Similar presentations


Ads by Google