Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2015

Similar presentations


Presentation on theme: "Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2015"— Presentation transcript:

1 http://clarovicente.weebly.com Oct • Nov • Dec 2015
Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2015 powerpoint presentation designed by claro ruiz vicente

2 Dear User…. PLEASE USE AS IS. Adult Sabbath School Bible Study Guide
An Appeal Dear User…. This PowerPoint Show is freely shared to all who may find it beneficial. While intended primarily for personal use, some find it useful for teaching the lesson in church. There are those, however, who add illustrations, change background, change fonts, etc. While their intention may be good, this is not right. Slide #1 says “designed by claro ruiz vicente.” For honest Christians, it is not necessary for another’s creation to be copyrighted in order to be respected. PLEASE USE AS IS.

3 Jeremiah Jeremias Bimre Tokics, Principal Contributor

4 Jeremiah Mi-Yittan Biblical Hebrew is sprinkled with idioms, words, or phrases that mean something different from what they immediately say. An example is mi-yittan, which is composed of two Hebrew words: mi, which is the interrogative “who?” and yittan, which means “will give.” Thus, we have “who will give?” Mi-Yittan. Ang biblikal na Hebreo ay kinalatan ng mga idioma, salita, o kasabihan na nangangahulugang iba mula sa kaagad nilang sinasabi. ¶ Ang isang halimbawa ay mi-yittan, na binubuo ng dalawang salitang Hebreo: mi, na ang pananong na “sino?” at yittan, na nangangahulugang “magbibigay.” Kaya, meron tayong “sino ang magbibigay?”

5 Jeremiah Mi-Yittan In the Hebrew Bible, this phrase expresses the idea of a wish, of a desire, of someone wanting something badly. In Deuteronomy 5:29, going over the history of God’s providences, Moses reminds the children of Israel about their request that he, Moses, talk to the Lord for them, lest they die. Sa Bibliang Hebreo, ang kasabihang ito’y nagpapahayag ng ideya ng isang pangarap, ng isang kagustuhan, ng isa na gustong-gusto ang isang bagay. ¶ Sa Deuteronomio 5:29, binabalikan ang kasaysayan ng kalinga ng Diyos, pinaalalahanan ni Moises ang mga anak ng Israel tungkol sa kanilang kahilingan na siya, si Moises ay kausapin ang Panginoon para sa kanila, nang hindi sila mamatay.

6 The word translated “Oh”? Yes, it is mi-yittan.
Jeremiah Mi-Yittan According to Moses, the Lord, pleased with their request, then said: “ ‘ “Oh, that they had such a heart in them that they would hear Me and always keep all My commandments” ’ ” (NKJV). The word translated “Oh”? Yes, it is mi-yittan. Ayon kay Moises, natuwa ang Panginoon sa kanilang kahilingan, pagkatapos ay sinabi: “ ‘ “Ang kanila nawang isipan ay maging laging ganito, na matakot sa akin, at tuparin ang aking mga utos.” ’ ” ¶ Ang salitang isinalin na “Nawa”? Oo, ito’y mi-yittan.

7 Jeremiah Mi-Yittan This use of mi-yittan reveals that even God won’t trample on free will (because the moment He did, it would no longer be free). If ever one book of the Old Testament revealed the reality of God’s desire for humans to obey Him, and the human tendency not to, it would be the book of Jeremiah. Itong pag-gamit ng mi-yittan ay naghahayag na kahit ang Diyos ay hindi yayapakan ang kalayaan ng kalooban (dahil sa sandaling ginawa Niya ito, hindi na ito magiging malaya). ¶ Kung meron pang isang aklat sa Lumang Tipan na inihayag ang realidad ng kagustuhan ng Diyos para sa tao na sumunod sa Kanya, at ang hilig ng tao na hindi sumunod, ito ang aklat ng Jeremias.

8 Jeremiah Our Goal To read the book of Jeremiah, is to take a journey, a spiritual journey that goes back and forth from the lowest depths of human depravity to the heights and grandeur and majesty of the Lord— the Lord who, from those heights, cries out to all of us: Mi-yittan that such a heart would be in you! Ang Ating Mithiin. Ang pagbasa ng aklat ng Jeremias ay paghayo sa isang paglalakbay, isang espirituwal na paglalakbay na pabalik-balik mula sa pinakamababang kasamaan ng tao tungo sa tayog at kariktan at kamaharlikaan ng Panginoon—ang Panginoon na, mula sa mga kataasan ay humihiyaw sa ating lahat: Mi-yittan na ang ganitong puso ay mapasa inyo!

9 Jeremiah Contents 1 The Prophetic Calling of Jeremiah
2 The Crisis Within and Without 3 The Last Five Kings of Judah 4 Rebuke and Retribution 5 More Woes for the Prophet 6 Symbolic Acts 7 The Crisis Continues 8 Josiah’s Reform 9 Jeremiah’s Yoke 10 The Destruction of Jerusalem 11 The Covenant 12 Back to Egypt 13 Lessons From Jeremiah Unang liksyon

10 The Prophetic Calling of Jeremiah
Lesson 1, October 3 The Prophetic Calling of Jeremiah Ang Propetikong Pagkatawag kay Jeremias

11 The Prophetic Calling of Jeremiah
Key Text Jeremiah 1:5 NKJV “ ‘Before I formed you in the womb I knew you; before you were born I sanctified you; I ordained you a prophet to the nations.’ ” Susing Talata. “Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; hinirang kitang propeta sa mga bansa” (Jeremias 1:5).

12 1. Jeremiah, the Levite (Jeremiah 1:1-5a)
The Prophetic Calling of Jeremiah Quick Look 1. Jeremiah, the Levite (Jeremiah 1:1-5a) 2. Jeremiah, the Prophet—1 (Jeremiah 1:4, 5) 3. Jeremiah, the Prophet—2 (Jeremiah 1:6-9) 1. Si Jeremias, ang Levita (Jeremias 1:1-5a) 2. Si Jeremias, ang Propeta—1 (Jeremias 1:4, 5) 3. Si Jeremias, ang Propeta—2 (Jeremias 1:6-9)

13 The Prophetic Calling of Jeremiah
Initial Words We know more about the life of Jeremiah than we do about any other Old Testament prophet. The biographical facts in his book help us understand better his work as a prophet. Jeremiah had such an effect on history that, even at the time of Jesus, he was a revered prophetic figure. . Panimulang Salita. Mas marami tayong alam sa buhay ni Jeremias kaysa ibang propeta ng Lumang Tipan. ¶ Ang mga katotohanang biyograpikal sa kanyang aklat ay tumutulong sa atin na mas maunawaang mabuti ang kanyang gawain bilang isang propeta. Gayon na lang ang epekto ni Jeremias sa kasaysayan na kahit sa panahon ni Jesus, siya’y isang iginagalang na tao ng propesiya.

14 The Prophetic Calling of Jeremiah
1. Jeremiah, the Levite Jeremiah 1:1-5a NKJV “The word of Jeremiah the son of Hilkiah, of the priests who were in Anathoth, in the land of Benjamin, to whom the word of the Lord came in the days of Josiah..., king of Judah. ... Then the word of the Lord came to me saying: ‘Before I formed you in the womb I knew you....’ ” 1. Si Jeremias, ang Levita. “Ang mga salita ni Jeremias na anak ni Hilkias, isa sa mga pari na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin, na sa kanya dumating ang salita ng Panginoon nang mga araw ni Josias..., na hari ng Juda.... ¶ Ngayon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na sinasabi, ‘Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita...’ ” (Jeremias 1:1-5a).

15 The prophet had an exalted lineage.
1. Jeremiah, the Levite Family Background The prophet had an exalted lineage. “A member of the Levitical priest-hood, Jeremiah had been trained from childhood for holy service. In those happy years of preparation he little realized that he had been ordained from birth to be ‘a prophet unto the nations’....”—Prophets and Kings 407. Nakaraan ng Pamilya. Ang propeta ay may dinakilang angkan. ¶ “Isang miyembro ng Levitikal na pagkapari, si Jeremias ay sinanay mula pagkabata para sa banal na paglilingkod. Sa mga masasayang taon ng paghahanda, natanto niya na siya’y itinalaga mula sa pagkapanganak na maging ‘isang propeta sa mga bansa’....”—Prophets and Kings 407.

16 1. Jeremiah, the Levite Family Background The priests were to be the moral and spiritual leaders of the nation; they had been given important roles that impacted most every area of the nation’s spiritual life. Some had been faithful to that task; others abused and violated it in ways that we can’t imagine. Ang mga pari ay dapat maging moral at espirituwal na lider ng bansa; nabigyan sila ng mahahalagang papel na umipekto sa halos lahat ng lugar ng espirituwal na buhay ng bansa. ¶ May mga naging tapat sa tungkuling ‘yon; ang iba’y inabuso at nilapastangan ito sa mga paraang hindi natin maiisip.

17 1. Jeremiah, the Levite Family Background As we will soon read in the book of Jeremiah, the prophet had very strong words to speak against these unfaithful priests, who had proved unworthy of the responsibilities and calling that they had been entrusted with. Gaya nang mababasa na natin sa aklat ni Jeremias, ang propeta ay may mabibigat na salita laban sa mga di-tapat na paring ito, na nagpatunay na di-karapat-dapat sa mga pananagutan at pagkakatawag na naipagkatiwala sa kanila.

18 I ordained you a prophet to
The Prophetic Calling of Jeremiah 2. Jeremiah, the Prophet—1 Jeremiah 1:4, 5 NKJV “Then the word of the Lord came to me, saying: ‘Before I formed you in the womb I knew you; before you were born I sanctified you; I ordained you a prophet to the nations.’ ” 2. Si Jeremias, ang Propeta—1. “Ngayon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na sinasabi, ‘Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; ¶ hinirang kitang propeta sa mga bansa’ ” (Jeremias 1:4, 5).

19 2. Jeremiah, the Prophet—1 The Prophets The prophets, according to their calling, were determined protectors of God’s law. They stood on the ground of the covenant and the Ten Commandments (Jer. 11:2–6). Micah 3:8 gives one summary of the prophets’ work, which was “to declare unto Jacob his transgression, and to Israel his sin.” Ang mga Propeta. Ang mga propeta, ayon sa kanilang pagkatawag, ay mga determinadong tagapagtanggol ng kautusan ng Diyos. Tumindig sila batay sa tipan at sa Sampung Utos (Jeremias 11:2-6). ¶ Nagbibigay ang Mikas 3:8 ng isang buod ng gawain ng mga propeta, na “upang ipahayag sa Jacob ang kanyang pagsuway, at sa Israel ang kanyang kasalanan.”

20 did not represent the truth, God’s judgment could also come upon them.
2. Jeremiah, the Prophet—1 The Prophets This task involved great responsibility: if they told the truth, these powerful people could kill them; but if they did not represent the truth, God’s judgment could also come upon them. To be a prophet is a heavy calling, and from what we can tell from the Bible, those given that call took it seriously. Ang tungkuling ito’y kabilang ang malaking pananagutan: kung sinabi nila ang katotohanan, maaaring patayin sila nitong makakapangyarihang tao; kung hindi nila kinatawanan ang katotohanan, ang paghuhukom ng Diyos ay maaaring sumakanila rin. ¶ Ang maging isang propeta ay isang mabigat na pagkakatawag at mula sa makikita natin sa Biblia, ang mga tinawagan ay tinatanggap ito nang buong seryoso.

21 2. Jeremiah, the Prophet—1 His Prophetic Calling Jeremiah didn’t waffle in regard to who called him. He was very clear all through the book of Jeremiah, that what he was speaking was “the word of the Lord,” which had come to him. This fervent conviction is what enabled him to press on ahead despite vehement opposition and toil, suffering, and trials. Ang Kanyang Propetikong Pagkatawag. Hindi nagpaliguy-ligoy si Jeremias tungkol sa kung sino ang tumawag sa kanya. Talagang malinaw siya sa buong aklat ng Jeremias, na ang kanyang sinasabi ay “ang salita ng Panginoon,” na dumating sa kanya. ¶ Ang marubdob na kumbiksyong ito ang nagtulak sa kanya ng magpatuloy sa kabila ng marahas na oposisyon at mabigat na trabaho, pagdurusa, at mga pagsubok.

22 2. Jeremiah, the Prophet—1 His Prophetic Calling God chose Jeremiah to be a prophet before his birth. God set him aside from the moment of his conception for this prophetic role. These texts don’t teach pre- existence or predestination; they teach, instead, God’s foreknowledge. Pinili ng Diyos si Jeremias na maging propeta bago ang kanyang pagkapanganak. Ibinukod siya ng Diyos mula sa sandali ng kanyang pagkakapaglihi para sa propetikong papel na ito. ¶ Ang mga talatang ito’y hindi nagtuturo ng pag-iral bago pagkapanganak o predestinasyon; nagtuturo sila, sa halip, ng paunang pagkaalam ng Diyos.

23 “Then said I: ‘Ah, Lord God! Behold I cannot speak, for I am a youth.’
The Prophetic Calling of Jeremiah 3. Jeremiah, the Prophet—2 Jeremiah 1:6-9 NKJV “Then said I: ‘Ah, Lord God! Behold I cannot speak, for I am a youth.’ But the Lord said to me: ‘Do not say, “I am a youth.” ’ ... Then the Lord put forth His hand and touched my mouth, and the Lord said to me: ‘Behold, I have put My words in your mouth.’ ” 3. Si Jeremias, ang Propeta—2. “Nang magkagayo’y sinabi ko, ‘Ah, Panginoong Diyos! Tingnan mo, hindi ako marunong magsalita, sapagkat ako’y kabataan pa.’ Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Huwag mong sabihin, “Ako’y isang kabataan.” ’ ... Pagkatapos ay iniunat ng Panginoon ang kanyang kamay at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, ¶ ‘Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig’ ” (Jeremias 1:6-9).

24 3. Jeremiah, the Prophet—2 Reluctant Prophet He immediately talked about his inability to speak well, as did Moses. Isaiah, too, in his response, made mention of his mouth, his lips. They knew that, whatever else their calling involved, it would involve speaking and communication. They were going to get messages from God Atubiling Propeta. Kaagad siyang nagsalita tungkol sa kanyang walang kakayanan na mabuting magsalita, gaya rin ni Moises. Si Isaias, din, sa kanyang tugon, ay binanggit ang kanyang bunganga, ang kanyang mga labi. ¶ Alam nila na, anupamang kasama sa kanilang pagkatawag, kabilang dito ang pagsasalita at komyunikasyon. Tatanggap sila ng mga mensahe mula sa Diyos

25 3. Jeremiah, the Prophet—2 Reluctant Prophet and, as such, would be responsible for proclaiming those messages to others. Imagine having to stand before hostile leaders or unruly people and give them sharp words of rebuke and warning. The reluctance of these soon-to-be prophets is understandable. at sa gayon, ay mananagot para sa pagpapahayag ng mga mensaheng ito sa iba. ¶ Isipin ang kakailanganing tumindig sa harapan ng mga kalabang lider o magugulong tao at bigyan sila ng matatalim na salitang panumbat at babala. Ang pag-aatubili ng mga magiging propetang ito’y mauunawaan.

26 3. Jeremiah, the Prophet—2 Reluctant Prophet The prophet is God’s witness; his job is to speak not for himself but for God alone. Jeremiah wasn’t called to find solutions to the problems of the nation or to become a great leader whom the people would follow. Jeremiah had the singular mission to transmit the words of God to the people and their leaders. Ang propeta ay saksi ng Diyos; ang kanyang trabaho ay magsalita hindi para sa sarili kundi para sa Diyos lang. Hindi tinawagan si Jeremias para makakita ng solusyon sa mga probema ng bansa o maging isang dakilang lider na susundan ng tao. ¶ May nag-iisang misyon si Jeremias na ibigay ang mga salita ng Diyos sa tao at sa kanilang mga lider.

27 It is, of course, no different for
3. Jeremiah, the Prophet—2 Reluctant Prophet The emphasis here is not on the human or on human potential; it is on God’s sovereignty and power alone. The prophet was to point the people to the Lord, in whom alone was the solution to all their problems. It is, of course, no different for us today. Ang pagdiriin dito ay hindi sa tao o sa potensyal ng tao; ito’y sa kataas-taasang kapangyarihan lang ng Diyos. ¶ Ituturo ng propeta ang tao sa Diyos, na sa kanya lang ang solusyon ng lahat nilang problema. ¶ Ito, siyempre, ay walang kaibahan para sa atin ngayon.

28 The Prophetic Calling of Jeremiah
Final Words Jeremiah’s lot in life wasn’t a happy one. His calling brought him suffering, woe, rejection, even imprisonment. So many of these troubles came from the very ones whom he was seeking to point in the right direction. Thus, he prefigured what Jesus Himself would face hundreds of years later in the same land. Huling Pananalita. Ang kapalaran sa buhay ni Jeremias ay hindi masaya. Ang kanyang pagkatawag ay nagdala sa kanya ng pagdurusa, aba, pagtanggi, kahit pa pagkakulong. ¶ Marami sa mga ligalig na ito’y nanggaling sa mga sinisikap niyang ituro sa tamang direksyon. ¶ Sa gayon, isinalarawang-diwa niya ang haharapin mismo ni Jesus daan-daang taon pagkalipas sa lupa rin ‘yon.


Download ppt "Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2015"

Similar presentations


Ads by Google